Rayver Cruz on Cristine Reyes's alleged "temper" on the set: "Hindi naman siguro siya gagawa ng ganung reaksiyon kung wala siyang basehan."

Melba Llanera
Friday, October 14, 2011 @ 01:37AM  |  1930 views


"Every taping day, may nilu-look forward ka agad na pumunta sa set kasi magkikita kayo. Masarap sa pakiramdam yun," says Rayver Cruz about working again with girlfriend Cristine Reyes.

Photo By: Allan Sancon













Idinaan na naman ni Cristine Reyes sa Twitter ang kanyang sentimiyento tungkol sa isang pangyayari sa set ng kanyang pinagbibidahang teleserye sa ABS-CBN, ang Reputasyon.

 

Ito ay bilang sagot sa blind item ng radio-TV host na si Ogie Diaz sa Entertainment Live noong nakaraang Sabado, June 24, tungkol sa isang batang aktres na nagiging temperamental daw kapag wala sa mood na magtrabaho.

Nagdabog pa raw ng pintuan ang naturang batang aktres dahil sa hindi  maayos na pagtatrabaho ng isang staff ng kanyang pinagbibidahang soap.

Ilang minuto lamang ang lumipas pagkatapos ilabas ang blind item ay nag-react na agad si Cristine sa kanyang Twitter account.

Narito ang sunud-sunod na tweets ni Cristine:

"ganun talaga kapag papetics petics ang mga co-workers dapat matuto.

"FYI dapat kasi pagdating sa trabaho. trabaho dapat focus. Wag unahin ang chismisan kung ayaw niyo magbakulaw ako...

"alamin ang buong storya bago tayo mag-blind item. Di niyo alam ang mga "errors" sa set. kahit sino ma-pprovoke....

"Hindi ako plastic nilalabas ko kung anu ang nararamdaman ko. lalo na sa mga taong hindi marunong tumupad ng...

"Porke ako ang kilala ako ang pag-iinitan. unfair pero yung mga hindi nakikita sa camera makakalusot."

Ang mga sumusunod naman ang naging sagot ni Cristine sa mga katanungan ni Angelica Panganiban sa kanya:

"nagbakulaw kasi ako sa set tas ngayon blind item ako sa elive....

"Paanu napaka-gulo ng sistema sa set kung walang authority lahat sila pa-petics petics lang"

Sabi pa niya sa isang tweet, "Try niyo kaya I-blind item ang errors ng mga tao behind camera mas juicy yun...."

Ang mga sumusunod naman ay direktang mensahe ni Cristine kay Ogie:

"maraming pangyayari.. Sinagad lang nila ako ng todo todo. porke walang ep at pm sa set....

1  2  3  Next »

Related Articles

39 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name