Mark Gil to the father of Andi Eigenmann's baby: "Such a hypocrite and pathetic animal!"

Jocelyn Jimenez
Friday, October 14, 2011 @ 02:08AM  |  367 views


  "The father will remain unknown. Di na mahalaga yun. Maraming tatayong ama sa apo ko, lalo na ako. I wouldn't wish my grandchild to [be around] a wimpy father who is still breast-fed by his mother," says Mark Gil about the father of Andi Eigenmann's baby.

Photo By: Noel Orsal













Dalawang linggo na ang lumipas mula nang kumpirmahin ni Jaclyn Jose ang pagbubuntis ng kanyang anak na si Andi Eigenmann.

Sa panayam niya kay Mario Dumaual sa TV Patrol, noong June 29, inamin ni Jaclyn na mahirap para sa kanya na tanggapin ang pangyayari; gayunpaman, buo ang suporta niya sa anak. (CLICK HERE for related article.)

Pero matapos makumpirma ang pagbubuntis ni Andi, umugong naman ang mga espekulasyon kung sino ang ama ng dinadala ng young actress.

Dalawa ang madalas mabanggit na pangalan sa katauhan ng ama diumano ng anak ni Andi—sina Jake Ejercito at Albie Casiño.

Una nang itinanggi ni Jake—anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez—na siya ang "first boyfriend" na tinutukoy ni Jaclyn na ama ng dinadala ng kanyang anak.

Sa parte naman ni Albie ay sinabi ng ina nito na si Rina Lee Casiño na hindi rin ang kanyang anak ang first boyfriend ni Andi. Pero wala raw naman problema kung si Albie nga ang ama ng dinadala ni Andi basta daanin lang sa "DNA test." (CLICK HERE to read related story.)

MARK GIL. Sa likod ng lahat ng pangyayaring ito, nanatiling tahimik ang ama ni Andi na si Mark Gil.

Pero sa inilabas na artikulo ni Dolly Ann Carvajal sa inquirer.net, kahapon, July 6, ay hindi na napigilan ni Mark na maglabas ng kanyang saloobin tungkol sa pinagdadaanan ng kanyang anak.

Sa kanyang panayam sa kolumnista, hindi niya maitago ang sama ng loob sa ama ng batang dinadala ni Andi.

"The father will remain unknown!" bulalas ng aktor.

"Di na mahalaga yun. Maraming tatayong ama sa apo ko, lalo na ako.

"I wouldn't wish my grandchild to [be around] a wimpy father who is still breast-fed by his mother."

Naging malaman din ang pahayag ni Mark patungkol diumano'y ginawang pananakit ng nakabuntis sa kanyang anak.

"Masakit sa kahit sinong babae na ginulpi at binuntis at tinalikuran," saad niya.

"Tapos papalabasin pa na si Andi ang maraming boyfriend.

1  2  Next »

Related Articles

204 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name