features

Is Andi Eigenmann pregnant?

by Erwin Santiago posted on October 19, 2011  STATS: 2681 Views | 239 Comments


At press time, Andi Eigenmann's camp has neither confirmed nor denied the pregnancy rumor.

Photo By: Rowie Gutierrez

Maugong ang usap-usapan sa loob ng showbiz tungkol sa isang  young actress na diumano'y nagdadalang-tao ngayon.

Nagsimula ito bilang blind item sa isang blog noong June 23. Wala pang isang linggo, lumitaw ang pangalan ni Andi Eigenmann sa mga Internet sites, at napag-usapan na rin sa isang intimate event ng mga showbiz insiders.

Si Andi ay anak ng  multi-awarded actors na sina Jaclyn Jose at Mark Gil. Una siyang lumabas sa Prinsesa ng Banyera noong 2007. Pero ang kanyang biggest break ay ang pagganap bilang female lead sa Agua Bandita noong 2010.

Sa "Next Big Thing" list na inilabas ng YES! magazine nito lamang April, isa si Andi sa mga sinasabing mabibigyan ng mga malalaking projects sa taong ito.

Kasalukuyang napapanood ang young actress sa ABS-CBN primetime series na Minsan Lang Kita Iibigin. Pagkatapos nito, sinasabing siya ang napipisil na gumanap sa Galema, Ang Anak ni Zuma.

NO CONFIRMATION YET FROM ANDI'S CAMP. Umabot na sa networking sites ang haka-haka, pero at press time, wala pang anumang kumpirmasyon mula sa kampo ni Andi.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag ang mga namamahala sa career ni Andi—ang Star Magic ng ABS-CBN at Icons Celebrity Marketing—upang  alamin  kung totoo nga ang balita.

Dalawang text messages at dalawa ring messages sa Facebook ang ipinadala ng associate editor ng PEP na si Rommel Llanes kay Rianna Gatus ng Icons kaninang hapon, June 27. Pero wala pa kaming nakukuhang sagot mula sa kanya.

Sinubukan din naming tawagan si Rianna sa kanyang cell phone, pero nagri-ring lamang ang kanyang numero.

Heto naman ang official statement ng Star Magic na ipinadala via text ng publicist nitong si Thess Gubi sa managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan:

"As far as Star Magic is concerned, Andi is taping at the set of Minsan Lang Kita Iibigin. Questions regarding her pregnancy should be addressed [to] the family. Thanks."

Sinubukan din ng PEP congtributor na si William Reyes na kunan ng pahayag ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose sa pamamagitan ng manager nito na si Ed Instrella.

Pero ang sagot ni Ed sa pamamagitan ng text (published as is): "She doesn't talk to about and i dönt ask."

Samantala, nakausap ng PEP ang isang source na payak na nagsabing, "Totoo."

Hindi na ito nagdagdag pa ng anumang detalye, ngunit naniniwala ang PEP na reliable ang source na ito.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

239 Comments

  • 59  bruha

    06/28/2011 | 07:26 AM
    maraming artista ang hindi nabubuntis sa ABS CBN while ngtratravel sila kc hindi nmnan nabubuntis ang mga SHALALA bwahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  kaili

    06/28/2011 | 07:21 AM
    I mean, para kompleto ang listahan. lmao
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  exclusibo

    06/28/2011 | 07:16 AM
    Another packaging shattered. Mga nagkukunyari lang pero iba naman pala ang pagka-tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  kaili

    06/28/2011 | 07:14 AM
    dagdag nyo din sa listahan sila Jennelyn, Marian, Rhian, Heart, etc., na hindi nabuntis while travelling with their bf's para hindi unfair. LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  kaili

    06/28/2011 | 07:10 AM
    deserving one. Good luck to that person
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  aaronick

    06/28/2011 | 07:07 AM
    Ngayon, sa tingin ninyo makakatulong ang comments dito sa mga negative na sinasabi natin? Bakit kaya hindi na lang natin intindihin ang sitwasyon. Tama ang iba, A BABY IS ALWAYS A BLESSING. Baka kasi sa daming negative comments, mag-decide yung tao na magpa-abort. Huwag naman sana. Ang isang pagkakamali ay hindi pwedeng takpan ng isa pa. So to ANDI, kung nababasa mo ito at kung sakaling totoo ang balita, then have the balls and be responsible enough! Huwag mo na dagdagan pa ang paghihirap ng damdamin mo at ng nasa paligid mo. Ituloy mo ito at panagutan mo. At ako na ang magsasabi sa iyo, BLESSING yan in every sense of the word.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  aaronick

    06/28/2011 | 07:03 AM
    Pasensya na, yung iba dito kung maka-comment parang walang mga bahid. Huwag po nating husgahan ang buong angkan sa kasalanan ng isa. Ang kasalanan ng isa ay kasalanan lang niya. Kahit anong pangaral ng mga tao sa kanya, kung pasaway siya, walang ibang may kasalanan kundi siya lang. Alam ko ang pakiramdam ng kapamilya ng isang taong nadisgrasya. So sana maging sensitive naman po. Yung nangyari kay Andi, kagagawan niya yan. Huwag niyong sabihing hindi napangaralan ni Jaclyn Jose yan? Pero kung pasaway talaga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  shidax

    06/28/2011 | 06:55 AM
    napaka-aga kung totoong buntis nga si andi pero blessing na rin kung sakaling totoo.pwede naman siyang mag artista pagkatapos niyang manganak napakahusay ni andi bilang artista kagaya ng nanay nya.hindi issue na yang buntis buntisan marami na kasing ganyan e choice nila yan sa buhay dapat lang siguro nating bigyan pansin ang kakayahan ng isang artista sa pag-acting at ang pagiging marespeto sa kapwa tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  champoikun

    06/28/2011 | 06:44 AM
    buti na lng di si ALBIE ang daddy.. wahaha..!! good.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  fatedtoloveyou25

    06/28/2011 | 06:40 AM
    sobra nman ung iba d2..kng makapang husga dun sa tao...hnd lng nman cya kng sakali ang nabuntis ng maaga..nagkataon lng n sikat ang angkan nila...wag nman masyadong humusga..kc my mga baho din nman cguro tau...tumingin muna sa salamin at tanungin ang sarili kng malinis nga b bgo humusga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  showbizdak

    06/28/2011 | 06:34 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  kaili

    06/28/2011 | 06:23 AM
    Kung totoo man to, every Child is a blessing kaya Congrats, Andi! Pretty sure it's not planned nor you are completely prepared for it but your only choice is to face it and take the positive out of it. It is a gift more than anything so be brave to handle the consequence of not being careful. Embrace motherhood and be happy. It's a gift. Wag na magmalinis yung iba, you do not even know what the future holds ahead of you. Take this situation as a good learning experience instead. Andi has achieved a lot already but obviously, she is still at the verge of building her own career and destiny. That's the only sad part but she can always comeback. Yun nga lang, she lost her chance of making it big this early. With this, somebody else's door will be opened and another artist dream will be heard. One man's failure will be another person's success. Andi might not totally be happy right now but she will feel the worth when the baby is born. When it comes to her spot naman as an artist, it will be a blessing to a
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  jams_mom

    06/28/2011 | 05:52 AM
    39 SpeedofLight, so true!... andi is so foul-mouthed you'll want to wash her mouth with muriatic acid... mom jaclyn has also not been a good example, having had multiple live-in relationships that andi and her brother grew up with... add andi eigenmann in the so-called may breeding, at matitinong artista ng ABS... HAHAHA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  MARKY2000

    06/28/2011 | 05:40 AM
    42 StocksAndBonds June 28, 2011 04:18 AM mas maganda pa rin ang ina niya, matapang ang features ni andi, grabe!! yung hindi mo matutukan for more than 5 seconds dahil nakakasawa! at mas se.xy din mom niya when she was andi's age dami kasi baby fa.ts ni andi. sa aguabendita dati, mas mukha pa siyang nanay kesa kay vina minsan. at pinareha pa siya sa mga hunky - jason abalso, matteo G., hindi bagay! even in acting parang kris aquino siya minsan umarte, emotionless at nahihirapang umiyak. kalan.dian lang yata namana niya sa mom niya. ---------------------------------------------------------- Please careful naman tayo sa pagku-comment.Libre ang magsalita nang opinyon pero iwasan naman po natin ang maglagay nang mga words na below the belt.Wala tayong karapatang manlait nang tao lalong lalo na't hindi natin ito nakakasama o nakakasalamuha araw-araw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  liwayway

    06/28/2011 | 05:32 AM
    ehemm, abstinence is an option, but reality proves it's not an option for everyone. consenting adults decide for themselves, and i'm merely pointing out that safe sex must be taught and practised.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  DUBAIEYE

    06/28/2011 | 05:29 AM
    itong mga pepster n2 ang mga taong cnsving PRETENTIOUS kung mkpg-comment akala mo walang bahid ng dungis ang family history nila??? Mahihiya ang mga santo at santa xa inyo sa kalinisan ny0!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  mariankimfan1

    06/28/2011 | 04:58 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  mariankimfan1

    06/28/2011 | 04:54 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  StocksAndBonds

    06/28/2011 | 04:18 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  SpeedOfLight

    06/28/2011 | 03:31 AM
    kung totoo man ito, dala ito ng mga kapamilya talents sa kapapanood ng May bukas pa at 100 days na may mapupulot na magandang asal. lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About