Posibleng mailipat sa Sunday night timeslot ang sitcom ng GMA-7 na Andres de Saya, na pinagbibidahan nina Cesar Montano at Iza Calzado. Sa kasalukuyan ay napapanood ito tuwing Sabado ng gabi.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cesar sa taping ng Andres de Saya sa Studio 6 ng GMA Network kahapon, July 7, sinabi ng aktor na walang problema sa kanya kung sakaling ilipat ng timeslot ang kanilang sitcom.
"I'm very positive. Kasi, mas kumpleto ang pamilya sa bahay.
"Kasi kapag Sunday, kailangang nasa bahay ka na no'n, both parents. Kailangan ang mga bata, nandodoon din.
"Kapag Saturday, maiisipan mo pang lumabas. Minsan inaabot na kami ng gabi. Nakakauwi kami minsan nine na ng gabi, kasi galing manood ng sine.
"Yung mga bata, mahilig na rin manood ng sine, sobra!" natatawang sabi niya.
Ang game show ni Manny Pacquiao na Manny Many Prizes ang posibleng pumalit sa timeslot ng Andres de Saya.
"Malamang malakas 'yan!" bulalas ni Cesar.
"It's a comeback of Manny. I'm excited to see that na magge-game show siya because I haven't seen Manny hosting a game show.
"I'm pretty sure na malakas 'yan."
Masaya naman daw si Cesar sa reception ng mga tao sa kanilang sitcom.
"Tinatawag nila akong Andres," banggit ng aktor.
"Kahit AB crowd nanonood, e. Pati sa Cebu, kasi nagbi-Bisaya kami dito. Kaya sa Region 7, accepted.
"Nakakatuwa kasi pamilya. Parang John En Marsha ang dating.
"Ako kasi, I miss John En Marsha kasi. Product ako ng John En Marsha," pagtukoy pa ni Cesar sa dating sitcom ni Dolphy at ng yumaong si Nida Blanca.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
21 hooney
20 usagurl
19 totoysipa
18 lawrenzo
17 kapamilyaito
16 memie_jing87
15 pepato
14 guyandpip
13 tili_2death
12 MandK
11 pakiss_muna
10 greencardholder
9 genetophile
8 MARKY2000
7 zama_jap
6 mc_am
5 zama_jap
4 capisceniente
3 shobizaddict
2 kapusoakotalaga
more comments