Heart Evangelista's mother denies confronting Marian Rivera at the airport; GMA-7 issues official statement

Nerisa Almo
Tuesday, November 01, 2011 @ 02:16AM  |  2039 views


  "Ano lang ang katototohanan? Ni hindi ko siya nakausap. Hindi ko siya napuna. Hindi ko nga alam kung saan siya doon sa dami ng nabati kong artistang lumapit sa akin. 'Yon lang po. Pero hindi ko siya nakita dahil ang layo niya," recalls Cecile Ongpauco, mother of Heart Evangelista, about the "airport incident" where she allegedly confronted Marian Rivera.

Photo By: Noel Orsal













Inabangan ng entertainment press ang pagsasalita ng aktres na si Heart Evangelista tungkol sa mainit na isyu sa pagitan nila ng Temptation Island co-star niyang si Marian Rivera.

Matatandaan na nagkaroon diumano ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa habang nagsu-shooting para sa pelikula nila sa Ilocos Norte. (CLICK HERE to read related article.)

Ang alitan, ayon sa mga ulat, ay naging sanhi pa umano ng pagpunta ng nanay ni Heart na si Cecile Ongpauco sa airport nang bumalik sila sa Manila.

Ayon sa mga naisulat, may kasama pang bodyguards ang ina ni Heart nang "sumugod" ito sa airport.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ng mag-ina sa inihandang press conference para kay Heart kaninang tanghali, Hulyo 21, sa Barrio Fiesta restaurant, Greenhills, San Juan. (CLICK HERE to read related article.)

Sa unang bahagi ng presscon, nilinaw na ni Heart na hindi totoo ang mga lumabas na balita tungkol sa umano'y "airport incident."

Pahayag ni Heart, "Wala pong confrontation na naganap. Hindi po siya sinigawan ng mommy ko.

"Hindi po totoo na nagdala kami ng napakaraming police. It was airport security po.

"Actually, in-assist lang po 'yong mommy ko ng dalawang security dahil bawal na po kasi magsundo ng pasahero sa loob.

"So, doon lang po siya sa labas naghihintay, sa may baggage area.

"Noong lumabas na po ako, binati ng mommy ko 'yong ibang artistang bumati sa kanya. And we left na po right away."

MRS. ONGPAUCO'S STATEMENT. Halos ganito rin ang naging kuwento ni Mrs. Ongpauco sa hiwalay na panayam sa kanya ng media matapos ang press conference.

Kuwento ng ina ni Heart, "Sa airport, doon lang po ako nagsundo sa airport. Kinailangan ko lang magpatulong sa dalawang airport personnel para makapasok ako. 'Yon lang.

"So, pinapasok po ako, naghihintay lang ako sa labas, sa may luggage. 'Yon lang. Nagsundo lang talaga ako sa airport."

Ano naman ang masasabi niya sa sinasabing "confrontation" nila ni Marian?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

645 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name