"Alam kong nagtatrabaho lang ako. Nagpapakahirap ka para makagawa ng magandang pelikula at makatulong sa pamilya ko. Tapos, maglalabas ng isyu na playgirl, lasenggera... Tapos heto, inaagaw ko naman daw ang boyfriend ng isang katrabaho ko," says Maja Salvador about successive intrigues thrown at her.

Photo: Noel Orsal

Sa presscon ng pelikulang Thelma kaninang tanghali, August 24, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang bida ritong si Maja Salvador.

For a start, tuwang-tuwa si Maja dahil napakaganda raw ng pagkakagawa ng nasabing indie movie. Sa direksiyon ito ni Paul Soriano at Star Cinema ang magri-release ng first venture na ito ni Maja as film producer.

"Hindi lang naman ako ang producer. Part lang ng talent fee ko ang isinama namin sa paggawa ng movie na ito," panimula niyang paglilinaw.

"Excited ako [kasi] hindi lang ako artista dito. I'm one of the producers din. So, yun po," kuwento pa niya.

LET ME SING. Masusundan pa kaya ang pagpu-produce ng aktres?

"Hindi muna siguro ako magpu-produce ng pelikula sa ngayon.

"Gusto ko munang mag-produce muna ng concert ko!" napatawang sagot ni Maja sa panibagong challenge na gusto niyang tahakin.

"One of my dreams kasi, e, yung makapag-concert din ako," patuloy niya.

"Kasi, after po kasi ng Minsan Lang Kita Iibigin, I'm planning to take voice lessons.

"Para kahit papaano, e, maiba naman yung makita sa akin ng mga tao."

Tapos, gagawa na siya ng record album?

"Yes, sana. Kaya magbu-voice lessons muna ako."

NON-STOP INTRIGUE. Maganda ang initial reviews for her movie Thelma. Pero hindi maganda ang bali-balitang nauugnay ang pangalan niya sa boyfriend ni Toni Gonzaga na kanyang direktor sa nasabing pelikula.

"Nakakatawa lang dahil every time na may film na ipapalabas, parang kung hindi ka mali-link sa ka loveteam mo... and since wala akong ka-loveteam dito [sa director naman].