Pagkatapos ng mainit na open forum sa presscon ng My Neighbor's Wife kagabi, August 23, sa Imperial Palace Suites, inasahan nang iinterbyuhin agad ng press si Carla Abellana.
Kinastigo kasi ng veteran showbiz columnist na si Mario Bautista si Carla dahil sa paninita sa lumabas sa column nito at diumano'y pagti-threaten at paghingi ng erratum at retraction mula rito. (CLICK HERE to read related article.)
Aminado si Carla na nagulat talaga siya sa nangyari.
Gayunpaman, poised at composed pa rin nitong sinagot ang mga pag-uusisa sa kanya ng showbiz press at pati na rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"Nakakagulat lang. Pero tapusin na natin. Apology! Hanggang doon na lang," una munang nasabi ni Carla sa harap ng mga kausap na press.
Nilinaw ni Carla na wala siyang threat sa letter na ipinadala niya kay Mario.
"I admit naman na I wrote letter to him, which I thought would be the best way to communicate with him.
"Pero ang pangit naman kung ite-text ko or what, or kung sa iba ko pa sasabihin para umabot sa kanya.
"But of course, walang threat. Dyuskopo! Carla Abellana magte-threats? Wala, wala namang threats na ganun?" paglilinaw pa ni Carla.
Ayaw namang magbigay ng detalye ng 25-year-old Kapuso artist kung ano ang laman ng email niya kay Mario.
"Hindi na, huwag na nating pag-usapan.
"Like what I said, kung na-hurt ko siya or na-offend ko siya in any way, at least tapusin na natin sa apology.
"Pero it is not my intention na i-offend ko siya," diin niya.
MISQUOTED. Although sanay na raw siya sa mga hindi magandang nasusulat sa kanya, o mga article na hindi totoo tungkol sa kanya, first time niya naman daw na masita ng isang writer.
"Oo, first time 'to, siyempre. Dyusko!



0

