Pagkatapos mauwi sa hiwalayan ang dalawang taong relasyon nina Jake Cuenca at Melissa Ricks, tila masakit pa rin sa young actress ang nangyari at hindi pa ito nakaka-move on sa breakup nila ng aktor. (CLICK HERE to read related story.)
Sa past interviews ni Melissa, sinabi nitong hindi pa siya handang makasama sa trabaho ang ex-boyfriend.
Nakapagsalita rin si Melissa na "respeto" lang ang hinihingi niya mula kay Jake, na akala tuloy ng iba na ang pinatutungkulan nito ay ang pagsasama ni Jake kay Lovi Poe sa nakaraang Star Magic Ball.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake last Sunday, September 11, sa ASAP Rocks, naging emosyunal ang aktor kasabay ng paulit-ulit nitong paghingi ng tawad kung nasaktan man daw niya si Melissa.
Hiniling rin ng aktor na sana raw isang araw ay maging magkaibigan silang muli ng dating kasintahan.
Sabi ni Jake, "For all the heartaches, for all the pains I've caused her, I'm sorry.
"I've apologized for that so many times already, but siyempre, sometimes relationships don't work out.
"Pero hindi porke't break na kami ay bubuklatin ko na at idedetalye, pero definitely we had stuff that didn't work out.
"Maraming bagay na hindi kami nagtugma.
"Sana, one day, ipinagdarasal ko na maging magkaibigan kami."
Dagdag pa ng aktor, "I think it's not that simple, it takes time.
"Nakikita n'yo naman na she'd say that, but there's other stuff that she says as well.
"Kailangan pa niya ng space. She needs space, she needs time alone, she needs to feel all the success of her project.
"One day, and I pray for it, and I'm patiently waiting for it na sana mag-abot kami. Maging magkaibigan kami ulit, tanggapin niya ang apology ko.
"Right now, patience is a virtue. Kailangan munang maghintay, kailangang hanapin ang tamang timing.




0

