features

Maja Salvador hopes to patch things up with Coco Martin soon

by Demai G. Sunio-Granali posted on December 9, 2011  STATS: 1144 Views | 29 Comments


Maja Salvador on the current state of her life despite controversies: "Ako, lagi po akong masaya kasi sabi ko nga sa mga interviews ko dati, hindi naman laging masaya. Halos lahat ng puwedeng pagdaanan ng isang tao, mararamdaman din. Magpagdadaanan niyo talaga. Tao din po ako, isa rin po akong oriduinaryong tao na puwedeng pagdaanan lahat ng pinagdadaanan ng ordinaryong tao."

Photo By: Noel Orsal

Lilipad ngayong linggo patungong Amerika ang grupo ng ilang lead stars ng piling teleserye ng ABS-CBN para sa Teleserye Royals 2011 U.S. Tour.

Kabilang dito ang mga bida ng Minsan Lang Kita Iibigin na sina Maja Salvador at Coco Martin na kamakailan ay nasangkot sa intriga noong nakalipas na Star Magic Ball. (CLICK HERE to read story)

Kahapon, September 12, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang controversial actress na si Maja Salvador sa opening ng bagong branch ng ine-endorso nitong Chic Nails Spa sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Sa gulong kinasangkutan din ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli, maraming fans ng CocoJam (bansag ng fans sa Coco-Maja loveteam) ang nag-iisip kung ano ang kahihinatnan ng pagkakaibigan ng kanilang mga idolo.

Ngunit tulad ng mga fans, ipinagdarasal din ni Maja na maayos na sa madaling panahon ang gusot sa pagitan nilang tatlo.

"Sana makapag-usap kami [ni Coco] soon kasi meron kaming U.S. tour," saad ni Maja.

Ganoon din naman ang naging sentimiyento ni Matteo nang makapanayan ito ni Boy Abunda sa programang The Buzz noong Linggo, Setyembre 11 na nagsabing sana ay magkausap niya si Coco upang klaruhin ang isyu. (CLICK HERE to read related article)

Sa magaganap na tour, makakapareha pa rin ba ni Maja si Coco?

"Yes. We're a loveteam. So, siguradong maaayos lahat. Makakapag-usap kami," ang matipid na sagot ng aktres na ngayon ay bida sa indie film na Thelma.

"Abangan pa rin nila ang CocoJam sa U.S. tour," nakangiting saad ni Maja.

Dadayo sa Alaska, Hawaii, San Francisco at iba pang piling siyudad sa U.S.  ang naturang show na tatagal ng halos isang buwan.

Hindi kaya maging sanhi na naman ito ng alitan sa pagitan nina Coco and Matteo?

"You can ask Matteo," sagot ni Maja.

RELATIONSHIP WITH MATTEO GUIDICELLI. Hindi naman matinag si Maja sa kanyang desisyon na huwag nang magsalita tungkol sa kanilang relasyon ni Matteo at ang mga isyung kinasangkutan nila.

 "Thank you so much," ang sabi niya sa ABS-CBN reporter na si Ginger Conejero nang simulan nitong tanungin ang aktres tungkol sa kanyang boyfriend na noong Linggo din sa The Buzz ay nagkuwento tungkol sa love story nila ni Maja. (CLICK HERE to read related article)

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

29 Comments

  • 29  kilabotako

    09/17/2011 | 01:34 AM
    hay nako iha,,oo tao kalang,,kaya lang iba pag nasa showbiz ka,kaya umayos ka,kundi aayawan ka ng tao,ang bata mo pa,kase,,ganyan na ang isyu,kasiraan at nakaka nega ng image,ikaw din,.magaling kapa naman umarte,.ang lovelife kase,dapat saka na yan,bata pa naman e,mga 25 na lang,focus at mag ipon muna,.puppy love yan na mauuwi sa kasiraan,kayo din,.sabi nga college at si GOD muna,saka nayan,.loveteam?sus!hindi na bagay si coco sa loveteam kase ok naman sya,magaling,.be decent at profesional naman,wag oa sa pashowbiz,instead na si mateo ang mag reveal ikaw pa ang girl ang nag confirm sa nega nyong relasyon!ewww,.ito namang si mateo kala o may values at breeding,may atittude problem din pala,iwasan nyo mga ganyang kasiraan,.ok,.at mahalaga,unahin ang dyos,kilalanin sya at read the bible,yun lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  lani0221

    09/15/2011 | 07:38 AM
    lani0221-continued...her. I used to like Maja so much for Coco's love interest but watching her and Matteo separate interviews since the brouhaha started and I have to say that I came away liking this girl. Not a very nice one for Coco who worked his way up through hard work. An admirable actor he has become and remarable talent to be proud of. I hope he learned from this. Try to know a person properly before you give your heart out.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  lani0221

    09/15/2011 | 07:29 AM
    Maja have actually blown and ignited the fight beween her so-called boyfriend and Coco. And with her guts to say "wala syang kasalanan??" I dont even blame Matteo for getting sooo jealous of Coco. First thing, with all the MLKI Pasasalamat Mall Tour show, it is sooo obvious of Maja's flirty effort with Coco and betcha she's also attracted to Coco. Their "harutan" is most of the time iniated by Maja, naturally Coco reciprocates her gestures thus making fans kilig likewise. Kitang kita naman ke Coco ang pagiging reserved niya. If in Maja's mind it was simply nothing is personal, trabaho lang but worst was nagsusumbong pa pala siya dito kay Matteo about Coco's stolen kiss which led to another. Naturally Matteo gets displeased and apparently Coco becomes the intruder here. If you guys try watching Coco and Maja's interview on E!live via youtube during their "nagsimula sa puso" teleserye...she's quite the talker she reveals him inviting her and so forth and so on and Coco looks at her
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  cocodhe

    09/14/2011 | 03:20 PM
    sana try nmn na i-partner si coco sa ibang girls..tapos nmn na un MLKI eh tapos narin luvteam nila..hehehe!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  jazznx

    09/14/2011 | 12:46 PM
    Napanood ko lahat ng mall shows nyo ni coco, kaw ang nang seseduce kay coco...lapit k ng lapit ng mukha mo, sayang gusto ko p nman kayo ni coco... Tsk,tsk,tsk!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  bandit54

    09/14/2011 | 12:41 PM
    buti nga sa iyo.Nilangaw ang movie mo.Ang bilis ng karma.Ang bait-bait ni Coco.Manggagamit.Sobrang nagkakagulo ang manga tao sa lahat ng pinuntahan nyo noong MLKI promo.At nagkakagulo sila di dahil sa iyo.Kundi kay Coco.Ano ba ang career mo bago ka nakatambal ni Coco sa MLKI.Wag na sanang itambal pang muli si Coco sa iyo.Mangagamit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  bandit54

    09/14/2011 | 12:37 PM
    bhengot...I feel the same way about Maja.Dati nagustuhan ko sila ni Coco sa MLKI, though I am a Coco fan at heart.Dahil sana sa tandem nila sa teleserye na ito ay naging like ko sya.Pero now...turn off na ako.Sobrang "off" na.Aba inartehan ng todo si Coco at sya mismo naglalapit ng mukha nya sa promo ng MLKI na tipong sya ang hahalik kay Coco at parang nang-de-dare sya ,tapos susumbong sumbong kay Mateo..tse..yoko na sa kanya.Saksak nya face nya sa bf nyang wala namang career.Kumarera ka na lang insecure na Mateo..peste kayong dalawa ni Maja.Bagay nga kayong magsama.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  eliza70

    09/14/2011 | 09:13 AM
    good morning! support na lang natin silang dalawa coco and maja. ang selos ay hindi pagmamahal yan hindi ako kinikilig sa sinabi ni matteo na mahal nya si maja kaya nagseselos sya sign yan ng pagkawalang tiwala sa sarili. hindi lahat ng gusto mo makukuha mo minsan panalo minsan talo sa nakikita ko parang na touch ang ego nya kasi kong mahal mo talaga maiintindihan mo pati na rin ang galaw ng babae. maja be yourself huwag mo kontrolin feelings mo kasi halata naman e at saka pag isipan mo rin nakakatakot ang selos nauuwi talaga yan sa pisikal na away hindi mo pa talaga nararamdaman ang totoong love just enjoy being single kong gusto mo talagang maging mahusay na artista mahirap may bf hindi mo magagawa ang trabaho mo kong palaging may nagdidikta sa yo na possessive.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  FlyNDance

    09/14/2011 | 08:16 AM
    ang cute sana ng loveteam nila kaso after this. syempre maiilang na si coco. dapat kay coco walang permanent na love team so he can work with other stars. sana makawork niya si angel. oh i like him pala with jessie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  flourpower

    09/14/2011 | 07:40 AM
    hahaha. ok lang na magbilang sya ng boys, single at bata pa naman sya. walang masama to shop around. atleast nakita nya yung side na ganun ni matteo. now she can decide whether or not she wants that kind of man. mga pinoy kasi sobrang seloso. si maja naman prinovoke pa yung bf nya. lol. kung gagawa ka haharutin mo ibang boys, keep it to yourself. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  winged_angel

    09/14/2011 | 01:10 AM
    Sinungaling kasi kayo ni Matteo. Sinabi pa ni Matteo a few weeks ago na pwede kang tumanggap ng manililigaw na iba, tapos heto at loveteam lang, mega selos na ang brat na yun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  bhengot

    09/13/2011 | 11:28 PM
    Sana lang lumayo ka na kay Coco dahil baka sa susunod eh di lang ganon ang mangyari dahil sa pagseselos ni Mateo na ginagatungan mo pa. Honestly, i love your love team in MLKI pero after the brawl at ne rereview ko yung mga interview mo grabe kasinungalingan mo. Pagnakikita kita ngayon grabe ang kapal ng m u k h a mo Maja and i feel so sorry for you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  scrumpaducious

    09/13/2011 | 10:04 PM
    bakit ayaw lumabas ng mga comments? di ko tuloy mbasa.. anyway, love ko p rin ang cocojam.. ahhaha... unlng...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  FlyNDance

    09/13/2011 | 07:47 PM
    i'm sure maiilang na si coco sau. napanood ko mga mall tours na videos nyo. u're the one who ask coco to kiss u. kaya dapat ikaw ang sinabihan ni matteo hindi si coco.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  pretty

    09/13/2011 | 06:16 PM
    Sina JR Siabok, John Wayne, John Prats bagay din kay Maja yan. Sila na lang ilabteam nyo. Para di magseselos si Mateo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  pacific

    09/13/2011 | 05:11 PM
    Maayos din yan maja pag dating ninyo ni coco dto s Hawaii end of this month, enjoy na Lang kayo dito lalo na d kasi Matteo mmatay sya lalo sa selos
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  pretty

    09/13/2011 | 04:57 PM
    Ang ganda ng mga twits ni CHOCOLEITwits. Ano?! magkaloveteam pa ba sila! Tingin kaya ni Maja...kilig pa mga tao sa kanila?! Pakapalan na lang! he he he.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  johacathz

    09/13/2011 | 04:55 PM
    sana si coco na lang.................
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  shidax

    09/13/2011 | 04:34 PM
    good answer maja nasabi na ni matteo sa the buzz lahat tama na yun at least galing sa lalaki at ipinagmamalaki ka na mahal ka!ikaw nalang ang gumawa ng paraan na makapag usap si coco at matteo na kasama ka kailangan mo din magsorry kay coco dahil ikaw ang dahilan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  ilurvemahself

    09/13/2011 | 04:23 PM
    Im beginning not to like her so much... With all the negative write ups about her seems like may basis din nga ang mga negative comments ng ibang tao... Just like wat matteo said, maja texted her and said he kissed me again... If you were a girl you know that your bf is the jealous type and then you'll do that ikaw na mismo ang gumagawa ng rason pra mag react si matteo, matteo on the other should think first before doing something harsh... bilang babae dpat alam ni maja pano nya mapipigil ang emosyon ng bf nya di yung gagatong pa sya...Maybe she enjoys it na pakiramdam nya pinag aagawan sya.... pinag aawayan sya... it gives her the satisfaction that only she can explain. Now she tight lipped about their relationship after matteo give specific details about theirs, jus tmy opinion if you truly love the person and contented ka you will also be proud of it. iba yung feeling na prang you dont want to confirmed everything...Maja sayang your a pretty lady magaling na artista but if your attitude is like that I do
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About