Tinanggap na ni Coco Martin ang apology ni Matteo Guidicelli. Para sa aktor, naiintindihan niya ang nangyari at wala siyang sama ng loob kay Matteo. "Nagka-usap, hindi pa. Naghihintay lang ako ng tamang panahon para makapag-usap.  Sabi ko nga, siguro one of these days, pag nagkasalubong kami sa ABS-CBN," Coco says.

Photo: Noel Orsal

Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ni Matteo Guidicelli sa mga bosses at kay Coco Martin sa Happy, Yipee Yehey!, dahil sa nangyaring gulo sa nakaraang Star Magic Ball, kinumpirma sa PEP.ph ni Coco last Wednesday na hindi pa pala sila personal na nagkakaharap at nag-uusap ni Matteo.

Tinanggap na ni Coco ang apology ni Matteo. Para sa aktor, naiintindihan niya ang nangyari at wala siyang sama ng loob kay Matteo.

"Nagka-usap, hindi pa. Naghihintay lang ako ng tamang panahon para makapag-usap.  Sabi ko nga, siguro one of these days, pag nagkasalubong kami sa ABS-CBN.

"Isang maliit na hindi pagkakaintindihan. Saka nag-sorry na naman siya, siguro yun na yung... nagbukas ng pinto para magkaayos kaming dalawa.

"I'm sure magkakasalubong kami ni Matteo at isang araw pagtatawanan na lang namin ito.  I look forward na maayos na talaga ito at sincere kami sa isa't-isa na matapos agad ito," ang sabi ni Coco.

"Actually si Mr. M and si Ms. Mariole, kinausap na kami para maayos na.  Siyempre alam mo naman sa ABS, ayaw ng kahit na anong gulo.

"Ako, humahanap lang ako ng tamang panahon. Saka siguro busy kami sa kanya-kanyang trabaho, tapos siyempre, nagpapakiramdaman pa.

"Sabi ko nga, ayoko na padaanin pa sa TV para mas sincere at totoo.

"Wala akong sama ng loob kay Matteo,"  ang sabi ni Coco. "Nahiya nga ako sa parents niya, kay Maja at sa mga tao, kung bakit kailangan pang mangyari na ganun."

NO PROBLEMS WITH MAJA. Sa interviews kay Maja, sinabi nito na di pa sila nagkaka-usap ni Coco. Para naman sa aktor, wala silang naging problema ng kapareha.

"Kami ni Maja walang problema.  Sa simula't-simula, alam naming trabaho ito. Hindi naman namin kinonsider yung pagtingin sa amin ng mga tao, na click kami, na dapat maging totoo."

Di naman tinago sa amin ni Coco na nagsisisi siya sa nagawa at natangay daw siya ng emosyon nung gabing iyon.

"Actually, nagulat din ako, ang bilis kasi ng pangyayari.  Siyempre after that, nagsisi ako na bakit nangyari yun.  

"Unang-una, nasa lugar kami na nandun yung mga boss at ang daming tao. Ikalawa, magkakaibigan kami. Di dapat mangyari yung ganung mga bagay, pero sabi ko nga mahirap balikan at pagsisihan pa.  Ako, pinili ko na lang manahimik bilang respeto kay Matteo at Maja.

"Then nagsalita sila... Sabi ko, siguro dapat na rin akong magsalita para maramdaman nila na maaayos din ang lahat."