"If I have a child with this woman... kung merong mga ganun, wala akong problema sa tests," offers Derek Ramsay if a child suddenly surfaces from his alleged marriage to a model in 2002.

Photo: Noel Orsal

Last Friday, September 9, sa Crowne Plaza Hotel Pasig City, magkasamang humarap sa entertainment press ang FHM Philippines September 2011 cover girl na si Lovi Poe at ang FHM Collections cover guy na si Derek Ramsay.

Parehong excited sa kanilang covers sina Lovi at Derek, pero very honored naman daw at hindi makapaniwala si Derek na siya ang napili para maging cover ng taunang FHM Collections.

"Ahm... Robin Padilla yun, Vic Sotto, Cesar Montano. I can't even imagine myself, comparing myself to those guys. They're... there," sabi ni Derek, sabay taas ng kamay bilang pahiwatig na nasa mas mataas na level na ang mga aktor na kanyang nabanggit.

Unang naging cover ng FHM Collections si Robin noong 2009, pangalawa si Cesar last year, habang si Vic naman ay ilang beses nang na-feature sa  special issues ng magazine dahil sa pagiging "iconic figure" nito sa mga kalalakihan.

"It was an honor. Na talagang ang feeling...

"I can now make yabang na, I was the third," nakangiti pang pahayag ni Derek tungkol sa kanyang pagiging FHM Collections cover.

"MADAM"'S REACTION. Kumusta naman ang reaksiyon ng girlfriend niyang si Angelica sa kanyang cover? Matatandaang naging cover girl na rin ng FHM si Angelica.

"Ano ang reaction ni 'Madam'..." biro munang simula ni Derek.

"She really liked the photo shoot. Kasi sawa na rin yata siya na nakikita ako na topless," natawang sabi ng 31-year-old actor.

"Yeah, she's always mad at me, coz I'm always nakasando at naka-board shorts at naka-tsinelas. Sabi niya, 'Magbihis ka naman, magbihis ka naman.'

"So, when she saw this cover and the photos inside, she was very impressed. Just like I was when I saw her FHM," pahayag pa ni Derek.

Mabuti nga't naisingit sa busy schedule ni Derek ang photo shoot ng men's magazine. Isa kasi sa pinakaabalang artista sa showbiz ngayon si Derek.

Bukod sa TV show niyang Biggest Loser ay may pelikula siyang ginagawa ngayon with Vice Ganda (Private Benjamin). Tinatapos din niya ngayon ang No Other Woman kunsaan kasama niya sina Cristine Reyes at Anne Curtis.

WHO'S HOTTER? Ipinapalabas na ang trailer ng No Other Woman, na showing na sa September 28, kaya tinanong tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derek kung kanino ba kina Cristine at Anne ang may mas maiinit siyang eksena.

Hindi muna nakasagot si Derek at napailing, sabay biro, "Kay Vice Ganda! Ha-ha-ha!