Nora Aunor admits to YES!: "Tomador ako no'ng araw."

Jocelyn Jimenez
Thursday, December 22, 2011 @ 02:55AM  |  233 views


"Meron nga rin noon, press pinainom ko, kasi tomador ako no'ng araw, 'O, ito lang maihahanda ko sa 'yo. Uminom ka!' Lahat ng pumunta, ke babae o lalaki, 'O, uminom ka,'" relates Nora Aunor.

Photo By: Wilson Chua













Inamin ni Superstar Nora Aunor na minsan din siyang nalulong sa pag-inom ng alak noong mga panahong nasa rurok siya ng kanyang showbiz career.

Sa panayam sa kanyang ng YES!, ikinuwento ni Nora ang isang pagkakataon kung saan mismong mga press ang kasama niyang uminom ng alak.

Kuwento niya, "Meron nga rin noon, press pinainom ko, kasi tomador ako no'ng araw, 'O, ito lang maihahanda ko sa'yo. Uminom ka!'

"Lahat ng pumunta, ke babae o lalaki, 'O, uminom ka.'"

CAUSE OF SPLIT. Ang hindi magandang alcohol drinking habit daw niya ang nakadagdag sa noo'y problemado nang relasyon nila ng dati niyang asawa na si Christopher de Leon.

Ang madalas daw na pagpunta ng mga kasama niyang uminom sa kanilang bahay ang ikinagagalit ng kanyang dating asawa.

May isa pa nga raw pagkakataon na dahil dala ng kalasingan, "Nakatulog ako. Pagkagising ko, nando'n pa rin ako sa phone.

"Si Papa Boyet [Christopher de Leon] pala 'yong kausap ko.

"Salita siya nang salita, wala na ako.

"Tulog sa kalasingan."

Pero depensa ng isang fan ni Ate Guy na si Albert Sunga, sa hiwalay na panayam sa kanya ng YES!, "moderate drinker" lang daw ang kanyang idolo at hindi isang alcoholic.

"Hindi ko siya nakitang nalasing," saad niya.

"One time, yung mga fans, nagkaroon ng kaunting katuwaaan.

"Inum-inuman yung mga fans.

"Yung mga fans, nalasing. Siya, hindi."

1  2  Next »

Related Articles

44 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name