PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Aquino on freedom to love again: "Lalaki si James. Sa kanya, walang mawawala. Aquino ako, may mawawala sa amin."

Kris breaks down after doing a scene for "Segunda Mano."
by Nerisa Almo
Published Dec 13, 2011
Kris Aquino says she's not legally free to fall in love again until now. So this Christmas, the TV host-actress says, "I want freedom for him [James Yap] and freedom for me. I want finality kasi parang hindi ko naman inaasahan na may lalaki pang darating sa buhay ko. But I want an option."

Maluha-luha ang TV host-actress na si Kris Aquino habang inalala niya ang isa sa mga huling eksenang ginawa nila ni Dingdong Dantes para sa Segunda Mano.

Tahimik namang nakinig ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang imbitadong miyembro ng press nang ilahad ito ni Kris sa press conference ng pelikula kagabi, Disyembre 12, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound, Quezon City.

Ayon kay Kris, "I broke down with what Dong was doing [in a scene] because it was very personal to me."

Ang tinutukoy ni Kris ay si Dingdong na kapareha niya sa pelikula.

Sa mga oras na iyon, sabi ni Kris, "Naramdaman ko kasi na parang, 'Ay, ito pala ang mga pagkakamali ko.'

"I saw it because of what Dong said na 'If I could relive my life, I would change my decisions.'

"It just so happened kasi na visitation day 'yon, so nagkasalubong kami at nakita ko kung ano 'yong pinagbabayaran ng anak namin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Yong lines kasi ni Dong do'n has something to do with his daughter and that's why..."

Pagkatapos nito ay sinabi ni Kris na, "Huwag na, huwag n'yo na ako paiyakin."

Nang subukan pang usisain ng press ang aktres, nabanggit na ni Kris na ito ay patungkol sa kanyang mga anak na sina Josh at Baby James.

Aniya, "Kasi, Pasko, e. Do'n mo mararamdaman na nakakaawa talaga, not just Bimby but also Josh.

"Kasi, kapag nakikita nila si James, talagang feeling nila, parang buung-buo sila.

"'Yon ang masakit sa akin kasi nga, hindi na kami buo."

Si James Yap ang estranged husband ni Kris at ama ni Bimby.

Kasalukuyang nasa proseso pa ang annulment ng kasal nina Kris at James.

"I DON'T FEEL ALONE." Sa kabila nito, nilinaw naman ni Kris na hindi siya nalulungkot ngayong Pasko kahit ganito ang sitwasyon ng pamilya niya ngayon.

"Hind naman ako malungkot na tao talaga," saad ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, happy naman ako. Parang happy naman ako.

"At bigla ko tuloy kinuwestiyon kung happy ako!"

Sa ngayon, masaya raw siya sa pagmamahal na nakukuha niya mula sa kanyang mga anak.

Paliwanag niya, "Kasi ano, di ba, parati kasing sinasabi ng mga kapatid ko sa akin, 'yong dalawang sisters ko na sina Ballsy and Pinky, 'Krissy, sana happy ka na with the love from your boys.'

"Boys, meaning Bimby and Josh. 'Sana okay na 'yan,' sabi nila.

"Sinabi ko, 'Oo naman, okay.'"

Sa kabila nito, hindi itinanggi ni Kris na minsan ay nakakaramdam siya ng pangungulila.

Pahayag pa niya, "Ang ano lang talaga kasi is that when you're working with other people who are in a happy relationship, that's when you compare what you don't have.

"E, nakita ko kasi na ideal and loving boyfriend talaga si Dong.

"Nakita ko kung gaano maalaga at solid ang relationship ni Angelica [Panganiban] with Derek [Ramsay]."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagkatapos nito ay pabiro niyang sinabi na: "Buti na lang si Direk Joyce is also lonely so, I don't feel alone!"

Si Joyce Bernal ang direktor ng Segunda Mano.

"I WANT FINALITY." At dahil nga hindi na sila nagsasama ng kanyang asawang si James, tanong tuloy ng karamihan kay Kris ay kung may bagong lalaki na sa buhay niya.

"Hindi na siguro ako magkakaroon ng lalaki sa buhay ko," nakangiting pahayag ng talk show host.

Natatawa pa niyang paliwanag, "Kasi, kapag sinabi kong gano'n kokontrahin, di ba?

"So, baka may dumating.

"So, sinasabi ko na it's not gonna happen so that tomorrow it will happen.

"Reverse psychology lang 'to!" tawa niya.

Pero seryoso niyang sinabi na kung sakali, hihilingin niya sana ngayong Pasko ay isang "solid" na pamilya.

"But it did not work out," aniya.

Kaya ngayon, sabi niya, "I want freedom for him [James] and freedom for me.

"I want finality kasi parang hindi ko naman inaasahan na may lalaki pang darating sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But I want an option.

"Malay natin, may makatabi ako sa eroplano.

"Di ba, hindi mo alam ang mga gano'ng sitwasyon, baka madapa ako sa mall at may pumulot sa akin.

"You'll never know.

"So, I want that freedom to be able to love again.

"Right now, I don't have that freedom because we're not legally free to do so.

"Iba kasi ang sitwasyon sa lalaki, e.

"Lalaki si James. Sa kanya, walang mawawala.

"Aquino ako, may mawawala sa amin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino says she's not legally free to fall in love again until now. So this Christmas, the TV host-actress says, "I want freedom for him [James Yap] and freedom for me. I want finality kasi parang hindi ko naman inaasahan na may lalaki pang darating sa buhay ko. But I want an option."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results