Sa pamamagitan ng phone-patch interview kahapon, October 16, sa Showbiz Central, agad na pinabulaanan ng isang Kat Ordoñez ang balita na si Congressman Manny Pacquiao ang ama ng bata na pinabinyagan niya noong September 17.
Ginanap ang binyagan sa St. Francis de Assisi Church, Mandaluyong City, at idinaos naman ang baptismal reception sa Edsa Shangri-La—ang hotel na hindi kalayuan sa nabanggit na simbahan.
Ginawa ni Kat ang denial isang araw matapos ilabas ng tabloid na Bulgar ang mga litrato mula sa naganap na binyag.
Ayon sa artikulo ni Janice Navida, na lumabas noong October 15 sa Bulgar, may isang tao raw na nagpadala sa kanya ng email ng baptismal photos ng alleged lovechild nina Manny at Kat.
"Vice Ganda" raw ang ginamit na codename ng source at may email address daw itong "gantiwomanizer@gmail.com."
Ayon pa raw sa nag-email, "Even though Manny Pacquiao acted as one of the 'ninongs', he is actually the father of the child!"
Kabilang din daw sa mga ninong sa binyag ang songwriter/composer na si Lito Camo at ang aktor na si Phillip Salvador—kapwa malalapit na kaibigan ng Filipino boxing champ.
Incidentally, nakikilala na rin ngayon si Pacquiao bilang "Ninong Manny," dahil sa pagiging host niya ng game-variety show na Manny Many Prizes sa GMA-7.
THE KAT IS OUT OF THE BAG. Sa interbyu ng Showbiz Central, sinabi ni Kat—isang 22-year-old Culinary Arts student—na ikinagulat niya ang paglabas ng mga litrato ng binyag ng kanyang baby boy sa Bulgar.
Ayon kay Kat, "Hindi po totoo 'yon.
"Si Congressman Manny Pacquiao, hindi po tatay ng anak ko.
"Kinuha ko lamang siya na ninong ng anak ko sa binyag na naganap noong September 17 sa St. Francis de Assisi.
"Ipinanganak ko po ang baby ko noong November 17, 2010, sa Capitol Medical Center.
"Hindi po totoo na si Congressman Manny Pacquiao ang tatay ng anak ko, kasi po imposibleng mangyari 'yon.
"Imposibleng si Congressman Manny Pacquiao ang maging tatay ng anak ko, kasi po yung father ng baby ko, yung nasa Dubai."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
167 JeepneyDriver
166 bubble_n_squeak
165 MarkLapid
164 MarkLapid
163 D_katie
162 bac_tol
161 Lokotoy
160 Lokotoy
159 Jockinthepan
158 misswa
157 misswa
156 chicago60625
155 chicago60625
154 pearl102
153 lukaret1
152 AKOKAZE
151 ogloveco
150 endot
149 fANNEatic
148 fANNEatic
more comments