Jinkee Pacquiao on Kat Ordoñez issue: "Suwerte ko I'm the original, not the other woman."

Jocelyn Jimenez
Saturday, December 31, 2011 @ 09:10PM  |  3267 views


  Jinkee Pacquiao: "I love my husband very much. I trust him, because he promised he will not get involved with anyone anymore after Krista [Ranillo]."

Photo By: Noel Orsal













Kamakailan ay lumabas sa isang tabloid ang mga larawan ng diumano'y binyag ng sinasabing anak ni Manny Pacquiao sa isang 22-year-old Culinary Arts student na nagngangalang Kat Ordoñez.

Pero kaagad na binigyang-linaw ito ni Kat sa phone-patch interview sa kanya ng Showbiz Central noong Linggo, Oktubre 16.

Aniya, ninong lamang ng kanyang anak si Manny at ang dalawa pang kaibigan nitong sina Lito Camo at Phillip Salvador. (CLICK HERE to read related article.)

Matapos lumabas ng balitang ito'y umugong naman ang usap-usapan na hindi na raw lilipad patungong Las Vegas, Nevada ang asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao para manood ng kanyang laban kay Juan Manuel Marquez.

Pero ngayong araw, Oktubre 21, lumabas sa artikulo ni Robbie Pangilinan sa philboxing.com, na panonoorin daw ni Jinkee ang laban ng Pambansang Kamao sa Nobyembre 12.

Gayunman, hindi lang ang laban ng kanyang asawa ang aasikasuhin ni Jinkee sa Amerika.

Sa Nobyembre 4 ang alis ni Jinkee papuntang Los Angeles, California, at saka lamang siya tutungo sa Las Vegas ng Nobyembre 5.

Kakausapin pa raw kasi ni Jinkee ang hotel heiress na si Paris Hilton kaugnay ng ilang business partnerships na binabalak nila.

"I'M THE ORIGINAL." Bagamat sinabi niyang manonood siya ng laban ng kanyang asawa, hindi pa rin nakaiwas si Jinkee sa intriga tungkol sa diumano'y anak ng asawa niya sa ibang babae.

Naging matapang naman ang sagot ni Jinkee sa issue.

"Suwerte ko I'm the original, not the other woman," tahasang pahayag ni Jinkee.

Dagdag pa niya, "This rumor is a distraction and a destruction.

"It will only slow [down] and hurt Manny. I don't want him to worry."

Giit pa niya, "I love my husband very much.

"I trust him, because he promised he will not get involved with anyone anymore after Krista [Ranillo]."

1  2  Next »

Related Articles

297 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name