Ang tungkol sa hindi pagpunta ng TV and concert director na si GB Sampedro sa FHM 100 Sexiest Women in the World victory party last Thursday, July 14, ang isa sa isyung tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya last Sunday, July 17, pagkatapos ng live airing ng Paparazzi sa TV5.
Nabigyan ng malisya ang hindi pagsuporta ni Direk GB sa kasintahang si Daiana Menezes nang rumampa ito sa World Trade Center. Inakalang matinding selos ang rason kung bakit hindi pinanood ni Direk ang show.
"Hindi, a! Ako pa nga ang naghatid sa kanya," paglilinaw naman ng direktor.
Pero bakit hindi siya nanood sa loob ng venue? Bawal ba?
"Hindi naman bawal," sambit niya.
"May gagawin pa kasi ako kaya hindi na ako nag-stay. Saka hindi ako mahilig sa gano'n, never pa akong nakapanood ng FHM.
"May mga kaibigan akong nandoon. Hindi kasi mahilig sa gano'ng show."
Marami ang nakapunang hindi gaanong sexy ang suot ni Daiana sa kanyang dance number at sa runway walk niya. Dahil ba ito ang bilin ni Direk GB?
"Hindi naman," tanggi niya uli.
"Si Daiana may pagka-conservative din 'yan.
"Sexy lang ang image, pero may pagka-conservative din 'yan.
"Hindi ko siya pinagbabawalan."
A few weeks ago ay nagpunta ng Hong Kong sina Direk GB at Daiana. Biro namin, nagkaroon na sila ng "honeymoon" doon.
"Hindi honeymoon yun," nangingiti niyang tanggi.
"Trabaho rin yun. Actually, meron siyang final casting for a project in HK.




0

