Nora Aunor's manager Boy Palma clarifies issue involving the Superstar and Cristy Fermin

William R. Reyes
Thursday, January 12, 2012 @ 06:15PM  |  268 views


  "Pero hindi si Guy yung... I should know, hindi siya yung taong, mawawalan ng trabaho ang isang tao dahil sa kanya? Hindi siya yun. Maski na masama ang loob niya, quiet na lang 'yan. Pag pumutok naman, magsasalita siya. Pero she will never do that," says Boy Palma about the rumor that Nora Aunor asked TV5 executives to choose between her and Cristy Fermin.

Photo By: Photo courtesy of TV5













Did Nora Aunor ask TV5 executives to choose between her and Cristy Fermin?

"I don't think she can do that, and she will never do that!" mariing pahayag ni Boy Palma, personal manager at schedule master ni Ate Guy.

"Ate Guy" ang isa sa mga tawag kay Nora Aunor, ang singer at aktres na nagse-celebrate ng 44 years niya sa showbiz sa taong ito. Ang isa pang tawag sa kanya ay "Superstar."

Nangyari ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Boy kagabi, October 3, sa taping ng Sa Ngalan Ng Ina, sa isang simbahan at museo—ang Our Lady of Victory chapel sa Potrero, Malabon City. 

Ang komento ni Boy ay kaugnay sa lumabas na artikulo ng PEP kahapon ng tanghali, October 3. (CLICK HERE to read related story.)

Si Boy ang nagsalita para kay Ate Guy, na bukod sa abala sa pagte-taping mula umaga hanggang gabi, ay may karamdaman sanhi ng matinding ubo, at hindi maaaring makapanayam.

Nakikiharap pa rin daw si Ate Guy sa mga bumibisita sa set, ayon kay Boy. Hindi nga lang daw ito masyadong nagsasalita. 

Puspusan ngayon ang taping ng Sa Ngalan Ng Ina para sa huling linggo (Week 4) ng TV5 mini-serye na nagsimula na ang pagsasahimpapawid kagabi.

Tungkol pa rin sa lumabas na isyu, inungkat ng PEP kay Boy ang tungkol sa naging pakikipag-usap ni Ate Guy noon sa Chief Executive Officer (CEO) ng Kapatid network, na si Atty. Ray Espinosa.

Wari'y may kaugnayan ang nasabing meeting sa mga negatibong ulat laban sa aktres.

"It's not about Cristy [Fermin]. I don't think they ever talked about that," pagtanggi ni Boy.

At inulit ni Boy ang mga nauna niyang pahayag bilang depensa kay Nora.

"She will never, never do that.

"I know her. She will never do that.

"I don't think she's capable of doing that.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

32 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name