Noong November 2 ay humarap sa korte sa unang pagkakataon si Nadia Montenegro at ang kanyang mga menor de edad na anak upang isampa ang kanyang reklamong child abuse, oral defamation, at karagdagang kasong falsification of documents laban sa manager ng mga anak na si Annabelle Rama.
Isinampa ang mga kasong ito sa Quezon City Prosecutor's Office.
Ayon sa taped interview ni Nadia sa Showbiz Central kahapon, November 20, "It is my right and it is my job to protect and to do what is right for my children."
November 8 naman nang sagutin ni Annabelle ang mga nakasaad na akusayon sa affidavit ni Nadia.
Saad ng talent manager: "Kailangan naman talaga akong sisipot, hindi ako natatakot sa kanya.
"Hindi pa nabuhay ang magpapakulong sa akin!
"Hay naku, Nadia, ang lahat ng demanda, idemanda mo sa akin!
"Wala ka ni pisong makukuha sa akin, tandaan mo 'yan, 'Day!
"Nadia, baka pagsisihan mo itong ginagawa mo sa akin, ha?
"Ikaw ang may utang sa akin at ikaw ang magbabayad!
"Huwag mo akong idemanda kasi ikaw ang may utang!"
Matapos ang isang linggo, muling bumalik sa Prosecutor's Office si Nadia upang sagutin ang naisaad na depensa ni Annabelle sa kanyang counter affidavit.
Pahayag ni Nadia, "Nandidito ang reply ko lahat.
"It is not true na nakiusap ako na kunin niya ang mga anak ko para i-manage.
"It is not also true that I signed a five-year contract with her.




0

