Shaina Magdayao breaks silence on reported breakup with John Lloyd Cruz

Glen P. Sibonga
Friday, January 27, 2012 @ 04:01PM  |  430 views


  Shaina Magdaya on breaking her silence: "Parang sumusobra na, e. Para bang dahil lang siguro nasanay sila dahil hindi ako nagsasalita. Dahil lagi ko na lang pinipili na tumahimik, kakayan-kayanin na lang nila ako. So, I figured gusto kong gawin nga ito, Tito Boy, this interview para once and for all matapos na ito."

Photo By: Noel Orsal













Sa wakas ay nagsalita na rin si Shaina Magdayao tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nilang tatlo ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz at ang ex-girlfriend nitong si Ruffa Gutierrez.

Pumayag sa isang exclusive interview kay Boy Abunda si Shaina kasama si John Lloyd, at magkasama nga nilang hinarap ang mga intriga tungkol sa kanilang relasyon.

Ang excerpts ng naturang interview ay ipinalabas kagabi, October 26, sa TV Patrol at Bandila.

Inilahad ni Shaina sa naturang interview ang kanyang sama ng loob

"Parang sumusobra na, e.

"Para bang dahil lang siguro nasanay sila dahil hindi ako nagsasalita.

"Dahil lagi ko na lang pinipili na tumahimik, kakayan-kayanin na lang nila ako.

"So, I figured gusto kong gawin nga ito, Tito Boy, this interview para once and for all matapos na ito."

Nakiusap naman si John Lloyd sa ilang sektor na tigilan na ang pag-uugnay ng ibang tao o isyu sa kanila.

"Sa mga nakikisawsaw sa pinagdadaanan namin... lalo na dun sa nagsasamantala sa pinagdadaanan namin.

"Bilang magkarelasyon, bilang mga tao, parang di ko kayang hayaan na tapak-tapakan, bastusin [na lang kami]..." sabi ng aktor.


ORIGIN OF THE ISSUE. Nagsimula ang kontrobersiya nang pumutok ang balita tungkol sa diumano'y split up nina John Lloyd at Shaina, na agad ding naisulat dito sa PEP.  (CLICK HERE to read related story.)

Pero sa isang interview ay hindi direktang inamin ni John Lloyd na break na nga sila, bagkus ay sinabi nitong may malalim na pinagdaraanan ang relasyon nila. (CLICK HERE to read related story.)

Aniya, "To be honest, hindi maayos yung mga bagay-bagay ngayon.

"Yun lang ang kaya kong sabihin sa ngayon, yung mga bagay na yun is not looking good.

"I'd rather na tumahimik na lang ako hanggang sa maayos sana namin o mabigyan ng closure kung anuman."

1  2  3  Next »

Related Articles

213 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name