Muling nilinaw ni Anne Curtis ang kinasasangkutang kontrobersiya kaugnay ng insidente kagabi, November 10, sa USTv Awards kick-off party. Ani Anne, mali ang paratang sa kanya ng ilang GMA staff at fans nag nagpaka-"diva" raw siya nang pigilang umakyat sa stage.

Photo: Sany Chua

Buhay na naman ang "network war" dahil sa isang insidente kagabi, November 10, sa kick-off party ng taunang USTv Awards. (CLICK HERE to read related story)

Naganap ang kick-off party sa Plaza Mayor ng Univerity of Santo Tomas campus sa España, Manila.

Dinaluhan ito ng mga artista mula sa tatlong major TV networks ng bansa—ABS-CBN, TV5, at GMA-7.

Kabilang dito ang Kapamilya star na si Anne Curtis.

Matapos ilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi ang mga mensahe ni Anne sa kanyang personal Twitter account ay nag-umpisa nang uminit ang bangayan ng mga Kapamilya at Kapuso fans sa social networking sites.

Hanggang ngayong umaga, November 11, ay patuloy ang parinigan ng mga fans ng magkabilang network.

Maging ang coordinator ng ABS-CBN artists para sa naturang event, na naroon din nang maganap ang insidente sa UST campus, ay nag-tweet na rin ng kanyang saloobin.

"Nakakainis yung mali naman yung kuwento... alam namin naging makatao kami sa pakikipagusap sa inyo," saad nito tungkol sa source na una ng nagbigay ng pahayag sa PEP.

Dagdag pa niya, "im sorry i just feel so bad that they are putting a good person like anne in a bad light. di siya nagdiva ever kagabi.

"puwede naman sana siya umakyat na sa stage but she chose to leave to respect GMAs decision... nirespeto naming mga KAPAMILYA ang dssyon nio"

ANNE'S STATEMENT. Kanina, pasado alas-dose ng tanghali, ay nag-post muli si Anne ng sunud-sunod na mensahe sa kanyang Twitter account kaugnay pa rin ng isyung ito.

Narito ang kanyang tweets:

"Read some articles & whoever the source was, got some details wrong. So I'd like to explain.

"Firstly, if you read my twitter timeline I didn't arrive late at 8pm. I was asked by UST people to be there between 7-7:30 and they had told my Road Manager as soon as I get there it would be my turn..