Sa pangalawang bahagi ng Paparazzi Showbiz Exposed nuong Linggo, November 6, 2011, idinitalye ni Ruffa Gutierrez ang nangyari nuong February 2010 nang ipinatawag siya ni Miss Mariole Alberto ng Star Magic.
Ito ay para sa isang closed-door meeting kasama sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.
Dito nadesisyunan ni Ruffa na tapusin na ang relasyon niya sa box-office king.
JOHN LLOYD CHEATED ON HER? Tanong ni Mo Twister, "So you're saying na on the rocks yung relationship, but still, technically he cheated on you with Shaina?"
Sagot ni Ruffa, "Yeah, I remember... kasi, Mo, for me kailangan kasi na mas honest na sabihin mo sa akin na meron nang iba.
"Okay lang sa akin para naman I'm the first to know—not the last to know.
"And a...ang nangyari kasi, ang mga tao alam na lahat, ako na lang ang hindi.
"That time kasi, 'pinapaiwas din siya ng ABS-CBN sa akin, especially ng Star Cinema.
"Totoo namang magkaiba ang career namin, magkaiba yung career paths namin, so there were times that the studio would ask him to stay away from me.
"Gagawin niya, for two weeks. Sige, two weeks, wala na.
"And then two weeks later, tatawag na naman sa akin.
"One week later, tatawag na naman siya.
"Hanggang sa ending na lang, pumasok na si Shaina.
"Sabi ko, naku, ayoko na."
BIKE INCIDENT. Pagkatapos ng nasabing hiwalayan, naging tahimik na sana lahat, ngunit pumutok naman ang balita (sa Paparazzi pa din) na nakikita daw ni Cristy Fermin sina John Lloyd at Ruffa na nagba-bike sa The Fort.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
2 honeykimky
1 milomilo123
more comments