Alice Dixson denies separation rumors anew

Nerisa Almo
Friday, February 10, 2012 @ 08:47PM  |  5928 views


Alice Dixson, on the possibility of her husband succumbing to temptation: "You know what, if he does, make sure I don't find out. Hindi mo naman mako-control ang isang tao, right? But I trust him."

Photo By: Noel Orsal













"Physically, hiwalay kami. He's there [sa Canada], nandito ako."

Ito ang nakangiting sagot ng aktres na si Alice Dixson nang tanungin siya ng media tungkol sa mga usap-usapang hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Ronnie Miranda.

Muli na naman kasing lumabas ang isyu na ito dahil nagbalik-Pilipinas ang aktres, matapos ang ilang taon, para gawin ang kauna-unahang teleserye ng TV5 na Babaeng Hampaslupa.

Pagkatapos nito ay muling magbabalik sa telebisyon si Alice bilang Paulina Valdez sa upcoming TV series na Glamorosa, kung saan makakasama niya si Lorna Tolentino.

"Siguro para may mapag-usapan. But it's not true," muling paglilinaw ni Alice sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal at iba pang media sa isinagawang set visit kahapon, Oktubre 11, sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Ayon kay Alice, nang matapos ang Babaeng Hampaslupa, umuwi siya sa Vancouver, Canada, kung saan nakabase sila ngayon ng kanyang asawa.

Bumalik na lamang siya kamakailan para gawin ang kanyang ikalawang teleserye sa Kapatid network.

Kwento niya, "Actually, he asked me to stay a little bit longer. September 30 kasi was the launch of BC Place in Vancouver.

"He asked me to stay because his company was putting up the first gigapixel camera, a 360-degree camera that goes underneath the scoreboard.

"He wanted me to stay but I couldn't."

Hindi raw ito madali para kay Alice, katulad ng ibang mag-asawang nagkakahiwalay dahil sa trabaho.

"I cannot stay because I made a commitment. So, I have to complete [my contract]," sabi ni Alice.

"It's hard. Like, I love to see his achievements. I'm really proud of him. Parang I wish I can be there."

Imposible rin naman daw na manatali rito si Ronnie dahil abala ito sa kanyang trabaho na may kinalaman sa gigapixel photography.

Gayunman, sabi ni Alice, bumibisita naman daw ang kanyang asawa rito sa Pilipinas.

1  2  3  Next »

Related Articles

60 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name