Young actress Rhian Ramos grants a sit-down interview for the first time since the video diary of ex-boyfriend Mo Twister appeared on the Net. Rhian is interviewed by Pia Guanio on 24 Oras.

Photo: Noel Orsal; Screen grab from GMA News TV

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Rhian Ramos kaugnay ng kontrobersiya sa pagitan nila ng dating boyfriend na si Mo Twister.

Sa one-on-one interview ni Pia Guanio kay Rhian—na ipinalabas sa 24 Oras ngayong gabi, December 7—isiniwalat ng young actress ang kanyang saloobin sa naging relasyon nila ni Mo at sa alegasyong ipina-abort diumano niya ang kanilang anak.

Sa kabuuan ng panayam ni Pia kay Rhian, na nakasuot ng long sleeve na blouse at walang make-up, bakas sa mukha ng aktres ang pagkabalisa.

Ilang beses din napaiyak si Rhian habang kinakausap siya ni Pia.

Tumagal ng mahigit sa anim na minuto ang ipinalabas na taped interview kay Rhian.

THE START OF A RELATIONSHIP. Ayon sa report ni Pia, 16 years old lang daw si Rhian nang makilala niya si Mo na noon ay 29 years old.

Sa kasalukuyan ay 21 years old na ang Kapuso actress, samantalang 34 naman ang radio-TV host.

"Nice, smart, at funny" ang paglalarawan ni Rhian kay Mo.

Ito raw ang dahilan kaya hindi naging mahirap upang maging magkaibigan sila.

At kalaunan nga ay humantong ito sa pagiging magkasintahan nilang dalawa.

Tinanong ni Pia si Rhian kung anong klaseng friendship meron sila ni Mo dahil hindi raw ito napag-usapan noon.

Sagot ni Rhian, "He gave me a lot of attention. I was very flattered.

"He would often say on his radio show that I'm his crush, stuff like that.

"So, I was really flattered and I liked him."