"Yun 'yong nabubuwisit ako sa mga tao, kapag sinasabi nila na 'Dapat mag-move on ka na, babae lang 'yan.' Yung mga hirit na 'yan, doon ako medyo nagagalit kasi hindi nila naiintindihan na it's not about a girl. It's not about moving on. Ang daming kong girlfriends before. I mean, I had three...five relationships prior to Rhian—and I understand the process of moving on. But I've never experienced this trauma. I've never experienced these hardships," says Mo Twister.

Photo: Noel Orsal

Patuloy ni Mo, "And doon nagalit ang family niya, kasi naging Twitter something.

"That was really my kasalanan.

"Since then, I've been trying to say sorry for that.

"And in the process, lahat ng mga masamang bagay, or masamang salita, or masamang impression, tinatanggap ko na lang."

LEAVING TO FORGET. Inamin din ni Mo na sumasailalim siya sa therapy upang makalimutan ang masalimuot na pinagdaanan nila ni Rhian.

Ito rin ang dahilan kung bakit lilisanin muna niya ang Pilipinas.

Sabi ni Mo: "Inaamin ko, oo, nagte-therapy ako...gumaganyan ako para lang ako maging mabuting tao.

"Pero yung therapy ko is nothing about personality.

"It's nothing about kailangan na some sort of criminal ako.

"Yung therapy ko was really because of something else na pinagdaanan ko with Rhian.

"It's something that I'm trying to overcome, and it's very hard for me.

"It comes to a point na, feeling ko, I think I have to leave na the country.

"Kasi, I'm not being successful in my attempt to overcome yung pinagdaanan ko."

Sa New York maninirahan si Mo.

Kaugnay ng planong pag-alis sa bansa ni Mo ay ang pagbebenta niya sa Twitter ng kanyang mga gamit, gaya ng Macbook, LED TV, laptops, sofa, custom-made bed frame, at Mitsubishi Montero.