features

Janelle Manahan confirms sibling rivalry angle in Ram Revilla's murder

by Erwin Santiago posted on February 24, 2012  STATS: 1012 Views | 134 Comments


  Janelle Manahan, a talent-search contestant, has made her testimony confirming the sibling rivalry angle provided by the Parañaque police.   "Hiningan niya [Janelle] ng tulong si Ramona sa loob ng kuwarto nila noong may tama na sila ng bala. Pagkatapos ng insidente, pinakukuha niya ng ambulansiya at tulong pero hindi na bumalik si Ramona," says Task Force Ramgen Chief Superintendent Enrique Sy.

Photo By: File photo

Ngayong araw, Huwebes, Nobyembre 3, kinumpirma ng girlfriend ni Ramgen "Ram" Revilla ang anggulong "sibling rivalry" sa pagpatay sa aktor na naganap sa mismong bahay ng biktima sa BF Homes Parañaque.

Si Janelle Manahan ay nagbigay na ng kanyang testimonya sa awtoridad.

Ayon kay Chief Superintendent Enrique Sy, pinuno ng Task Force Ramgen na naatasang mag-imbestiga sa krimen, isinalaysay ni Janelle sa kanila kung paano pinasok ng mga nakamaskarang lalake ang bahay nina Ram noong Biyernes ng gabi, Oktubre 28.

Sa kuwento ni Janelle mula sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa, pinagbuksan raw niya ng pinto si Ramona Bautista, ang nakababatang kapatid ni Ram.

Makalipas lamang daw ng ilang minuto ay pumasok na ang mga mamang nakamaskara.

Sabi ni Senior Superintendent Sy sa panayam ng GMA News anchor na si Howie Severino: "Nakuhanan na rin namin siya [Janelle] ng pahayag, at lalong tumibay ang kaso namin laban kay Ramona."

Sinabi rin nito na sa kuwento ni Janelle, sinabihan ni Janelle si Ramona na tumawag ng ambulansiya pagkatapos na pagkatapos ng atake sa kanila ni Ram. 

Pero walang dumating na ambulansiya at nawala na rin si Ramona.

Saad ni Senior Superintendent Sy: "Hiningan niya ng tulong si Ramona sa loob ng kuwarto nila noong may tama na sila ng bala.

"Pagkatapos ng insidente, pinakukuha niya ng ambulansiya at tulong, pero hindi na bumalik si Ramona."

Nagtamo ng dalawang tama ng bala si Janelle—isa sa kaliwanag bahagi ng kanyang mukha at isa sa kanyang balikat.

Si Janelle ay produkto ng dating talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest, kunsaan naging ka-batch niya si Erich Gonzales.

Sa hiwalay namang press conference ay sinabi ni Parañaque Police Chief Senior Superintendent Billy Beltran na ang mga naunang pahayag ni Ramona ay "inconsistent" sa testimonya ni Janelle.

Sinabi noon ni Ramona na matapos barilin at saksakin ang kanyang kapatid at ang girlfriend nito, siya ay kinidnap naman ng mga salarin.

Pagkatapos ay iniwanan raw siya sa isang lugar sa may Las Piñas.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

134 Comments

  • 134  redberry88

    11/07/2011 | 05:04 PM
    may pagmamanahan pala ng ugali sila ramona at rj, yung nanay galit din kay bong dahil sa pera. yan ang tinuro nya sa mga anak nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 133  Akezwa822

    11/06/2011 | 04:37 PM
    Be strong girl... After operation and therapy mas may matindi kapang haharapin ang katotohanang wala na c ram at pg aharap mo sa kaso good luck isasama ka nmin sa aming mga dasal
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 132  Akezwa822

    11/06/2011 | 04:35 PM
    Be strong girl... After operation and rehabilitation mas may matindi kapang haharapin ang katotohanang wala na c ram at pg aharap mo sa kaso good luck isasama ka nmin sa aming mga dasal
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 131  sipsip

    11/06/2011 | 08:28 AM
    janelle, magpagaling ko. siguro gusto ng dyos mabuhay ka to tell the truth. God bless...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 130  bus_stop

    11/06/2011 | 08:27 AM
    hay naku! solve na ang kasong ito...walang ibang may kasalanan kundi ang ina genelyn hindi nya tinuruan ang mga anak na makunteto at magpasalamat kung anong biyaya ang dumadating sa buhay nila bangkus mismo sya hindi kuntento at naiingit kila Bong Revilla eh mga nagtratrabaho naman ang mga yun eh sya antay lang sa padala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 129  sipsip

    11/06/2011 | 08:17 AM
    geez, panay pa rin depensa ng attorney ng mga revilla dito sa pep. Kahit anong gagawin mo, mga kriminal and dalawang kapatid.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 128  indiahenretta

    11/05/2011 | 02:40 PM
    Even if a person is in shock, I think it is normal that Ramona should have called the authority ASAP being a witness to the crime of her own brother. What a surprise that there is no love between Ram's sister Ramona and brother RJ.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 127  panchang810

    11/05/2011 | 05:25 AM
    It's so ridiculous for a lot of Pinoys to come up with their own VERSIONS of the story as far as this case is concern. Parang mga batikang scriptwriters sa pelikula at TV kung makagawa ng mga haka-haka yung iba dito. I'm not a fan of Bong nor his family but it is just so mo ro nic for some people here to just conclude that Bong and his sons have something to do with this crime. Kung may hinanankit man si Genelyn Magsaysay kay Bong dahil sa akala niya ay hindi siya tinutulungan nito eh walang basehan yon because from day one nakita ng lahat na si Bong at mga anak niya ang naunang sumugod sa hospital at presinto para damayan ang mga kapatid niya sa labas while Genelyn was nowhere to be found. It's also interesting to note WHY THIS MOTHER whose eldest son was MURDERED allegedly by HER OWN OTHER KIDS seems to be deviating from the case itself by blaming THE REAL CHILDREN of her lover and father of her kids. She must remember that her eldest son had just been murdered and that her two other kids HAVE BEEN
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 126  ylanisxian

    11/05/2011 | 04:52 AM
    to Rom O5 and panchito kuno, eto ang makaksagot sa sayo, isa pang post ni Gen - Genelyn Magsaysay if you really love your siblings you wont let your dad do something silly to his younger 9 children,telling him what we have is not enough ,but you are passive, you just let him say bad words to us.pure heart is not just doing good ,just as that but having love in your heart.Ready to cover the little mistakes of others,yes thats love ,loving unconditionally in spirit... - di lang to allowance 'te, gusto ni Bong na mawala ang mana para sa NINE na anak. Malaking bagay yun. Kung boto nga lang, nagpapatay sya ng ilang kapitan sa Cavite, much more pa kaya dito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  panchang810

    11/05/2011 | 01:43 AM
    Sa totoo lang nakakatawang nakakabuset ang mga comments ng iba rito. These people who obviously don't have any sense of objectivity are adding more fuel to distort and muddle this case. Pwede ba mga kaotawan don't let your very subjective and seemingly stooopid brains go out of the topic at masyadong nakakairita ang mga sandamukal na mga haka-haka and really unfounded assumptions ninyo. Stick to the topic and don't throw your wild unfounded assumptions and make them like they are the TRUTH because those mo ronic unfounded assumptions will only confuse the public. Napaghahalata tuloy ang mga utak na hindi marunong mag-isip or bo bo pero mabilis gumawa ng kwento. Kairita talaga although yung iba eh nakakatawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  SimonLaplace

    11/04/2011 | 11:31 PM
    I really hope na sana ingatan nila ang Janelle na ito. Pag may nangyaring masama sa kanya, Revilla ang guilty. Ipreso nyo naman ang Ramona at yung isa pang Kapatid. Kung puede isama din sa kulungan si Bong? LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  SimonLaplace

    11/04/2011 | 11:29 PM
    Obvious naman masyado na ang magkapatid ang killers. Yuck kurakot talaga ang magpamilyang Revilla...lalong lalo na si Bong, yung pag depensa nya sa kapatid halatang corrupt sya. Silent ka na lang Bong kse halata na masyado na corrupt kayo. Siguro nahihiya ka lang iladlad ang baho ninyong magpamilya. 1M ang allowance, posible! Chicken lng ang 1M sa pork barrel ni Gloryeta Aroyroy. Pag nanalo ng VP ng Pinas si Bong, halata na bopol ang karamihan ng Pinoy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  delicate_tickles

    11/04/2011 | 08:45 PM
    janelle sana mag-ingat ka. delikado ang buhay mo ngayon. hayan nga't nagdududa na raw si bong sa imbestigasyon ng mga pulis. kung iba ang suspek nito, siguradong ididiin na nila ito ng husto!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  K4rm4

    11/04/2011 | 07:08 PM
    Kung si RJ and Ramona ang mastermind, parang hinde nanonood ng CSI or Law and Order. stoopid crimals get caught sabi nga nila. Kung may mangyari kay Janelle sign na yan na guilty sila. Sana bantayan si Janelle ng mabuti. money money money yan ang laging motive. sad
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  rray

    11/04/2011 | 06:39 PM
    get well janelle..lesson learn wag matulog sa bahay ng bf lalo na sa loob ng room pa niya ...hindi naman kaya mag asawa..lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  chardine88

    11/04/2011 | 06:10 PM
    nakakabwiset pakinggan mga sinasabi ng ramona. san ka naman nakakita ng pinatay ang kamaganak - kapatid pa at that eh ang unang papasok sa isip eh akala niya patay na?!?!?!!? at magiimbento ka pa ng storya na kinidnap ka eh kaya nga may gwardya nag subdivision para mahingan ng tulong.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  capisceniente

    11/04/2011 | 05:44 PM
    NASAAN KA RAMONA? este, ELISA pala....hmmmmm
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  geethreeg3

    11/04/2011 | 04:12 PM
    Hay nakakalungkot ang ganitong pangyayari. Sariling mga kapatid ang pumatay at hindi man lang nakokonsensya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  larpi

    11/04/2011 | 02:22 PM
    Naku...janelle mag ingat ka dahil ikaw ang nxt target ng mga revilla...pag madedo si janelle revilla ang my kagagawan....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  moviefandin

    11/04/2011 | 01:27 PM
    PNP bantayan ang mga witnesses, baka biglang mamatay yan o mawala. sana wag daanin sa impluwensya ang kaso na ito. malas nung nagpabayad para gumawa ng krimen, baka sila lang ang managot.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About