features

Janelle Manahan confirms sibling rivalry angle in Ram Revilla's murder

by Erwin Santiago posted on February 24, 2012  STATS: 1021 Views | 134 Comments


  Janelle Manahan, a talent-search contestant, has made her testimony confirming the sibling rivalry angle provided by the Parañaque police.   "Hiningan niya [Janelle] ng tulong si Ramona sa loob ng kuwarto nila noong may tama na sila ng bala. Pagkatapos ng insidente, pinakukuha niya ng ambulansiya at tulong pero hindi na bumalik si Ramona," says Task Force Ramgen Chief Superintendent Enrique Sy.

Photo By: File photo

Ngayong araw, Huwebes, Nobyembre 3, kinumpirma ng girlfriend ni Ramgen "Ram" Revilla ang anggulong "sibling rivalry" sa pagpatay sa aktor na naganap sa mismong bahay ng biktima sa BF Homes Parañaque.

Si Janelle Manahan ay nagbigay na ng kanyang testimonya sa awtoridad.

Ayon kay Chief Superintendent Enrique Sy, pinuno ng Task Force Ramgen na naatasang mag-imbestiga sa krimen, isinalaysay ni Janelle sa kanila kung paano pinasok ng mga nakamaskarang lalake ang bahay nina Ram noong Biyernes ng gabi, Oktubre 28.

Sa kuwento ni Janelle mula sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa, pinagbuksan raw niya ng pinto si Ramona Bautista, ang nakababatang kapatid ni Ram.

Makalipas lamang daw ng ilang minuto ay pumasok na ang mga mamang nakamaskara.

Sabi ni Senior Superintendent Sy sa panayam ng GMA News anchor na si Howie Severino: "Nakuhanan na rin namin siya [Janelle] ng pahayag, at lalong tumibay ang kaso namin laban kay Ramona."

Sinabi rin nito na sa kuwento ni Janelle, sinabihan ni Janelle si Ramona na tumawag ng ambulansiya pagkatapos na pagkatapos ng atake sa kanila ni Ram. 

Pero walang dumating na ambulansiya at nawala na rin si Ramona.

Saad ni Senior Superintendent Sy: "Hiningan niya ng tulong si Ramona sa loob ng kuwarto nila noong may tama na sila ng bala.

"Pagkatapos ng insidente, pinakukuha niya ng ambulansiya at tulong, pero hindi na bumalik si Ramona."

Nagtamo ng dalawang tama ng bala si Janelle—isa sa kaliwanag bahagi ng kanyang mukha at isa sa kanyang balikat.

Si Janelle ay produkto ng dating talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest, kunsaan naging ka-batch niya si Erich Gonzales.

Sa hiwalay namang press conference ay sinabi ni Parañaque Police Chief Senior Superintendent Billy Beltran na ang mga naunang pahayag ni Ramona ay "inconsistent" sa testimonya ni Janelle.

Sinabi noon ni Ramona na matapos barilin at saksakin ang kanyang kapatid at ang girlfriend nito, siya ay kinidnap naman ng mga salarin.

Pagkatapos ay iniwanan raw siya sa isang lugar sa may Las Piñas.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

134 Comments

  • 94  thelastpepbender

    11/04/2011 | 03:16 AM
    this kind of news is destroying the family values of the filipinos. sana lumabas pari nang katotohanan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 93  manjo

    11/04/2011 | 02:39 AM
    Pustahan tayo, pababaliktarin ni Bong Revilla si Janelle para sabihing walang kasalanan sina Ramona at RJ ... malay nyo mag-offer pa sa kanya ng multi-million pesos para ibahin ang statement nya. Anything to make the Revilla name ever so clean again ... what do you think?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 92  sosingmasa

    11/04/2011 | 02:33 AM
    Just a thought - hindi kaya may kinalaman din ang mom nila? If Ramgen is in-charge of doling out the family's allowance, instead of the mom, just because he is the eldest male in the house, hindi kaya pati mom nila may resentment din sa set-up na ito? If the mom is also involved, It wd definitely give the 2 siblings more bravura to commit the crime. And that wd also explain why todo ang pagtatanggol ng mom sa 2 anak na suspect. Anyway, the plot thickens.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 91  pink_latte

    11/04/2011 | 01:38 AM
    closed case.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 90  grinandgiggles

    11/04/2011 | 01:37 AM
    Grabe..anong klaseng mga kapatid ang kayang pumatay ng sariling kapatid? di ba nga dapat sila sila ang nag protect sa kapatid dahil lang sa pera nagkaganyan sila..o eh di ngayon sa kulungan ang bagsak nila at mapakinabangan pa ba nila ang kanilang sustento na sobrang laki naman..ang yaman pala ng tatay nila para magsustento ng ganyan kalaki? sayang ang buhay nilang lahat na sobrang bata pa para masayang dahil sa inggit...kakaawa ang pamilya na ito maging lesson na sana kay bong revilla ito na wag magpadami ng anak sa iba ibang babae lalo na at di magabayan ang kanilang paglaki.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 89  rhiamags

    11/04/2011 | 01:20 AM
    reinvestigation tapos pag ganun ulit ang resulta, isa pang reinvestigation ulit tapos isa pa. gawin nilang parang vizconde massacre!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 88  houston01

    11/04/2011 | 01:07 AM
    This traggic incident is so sad, traggic, and so heinous. What a traggic story indeed. killing your own sibling blood to blood, that couldn't get any sadder than that... over such petty sibling rivalry. But I really don't blame Sen. Bong Revilla and the rest their family though. I know it's easier for us to pass judgement and to say how can they do this and that, it's way easier to say for the people looking in from the outside but for the people inside that are looking in esp. when it's your own family, your own flesh, and blood I think it must be very hard, harder than we can all imagine. think about it, you want justice for the slain victim but at the same time you're sending your own family to jail for God knows how long, or may be even more. So, I can just understand how hard it is for them, and it's understandable for them to make sure with everything they have that they are indeed looked at this case surely, clean, and correctly before they send one of them to jail for life.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 87  TheRealKhikkai

    11/04/2011 | 01:02 AM
    mga peeps hwg kayo mga judgemental. babaero man ang mga revila, i dont think na masasama silang mga tao. at di nila tipo ang mga nagpapapatay tulad ng ibang mga politico...ehem ehem
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 86  ylanisxian

    11/04/2011 | 12:55 AM
    To damnitbabay No.8. Di mo dapat pagdudahan si Janelle. Hindi attempted but frustrated murder ang nangyari sa kanya. She is supposed to be dead, swertihan lang at nabuhay pa sya. Perhaps because she has a purpose. Ikaw ba, papayag kb na babayaran ka lang pagkatapos na muntik ka nang mamatay? Syempre hihingi ka din ng justice para sa nangyari sayo kaya malabong nagsisinungaling si Janelle. At isa pa, maraming comment dito na mali ang interpretation ng 'CASE CLOSED'. Di ibig sabihin non na tapos an ang kaso. Ang ibig sabihin nun, ready na para sa korte ang kaso.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 85  djelibeybi

    11/04/2011 | 12:34 AM
    oh my! kakahiya talaga kung pera ang pinagmulan ng krimen na ito... ang tatanda na.. magsipag trabaho kasi kayo!! kahit pa P1M a month ang allowance nyo.. ung tatay nyo is matanda na and sick.. nagprovide na sa inyo ng mahabang panahon.. time for you to make your own money! mga tamad!! ayan mabulok kayo sa bilangguan!! affected? hehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 84  Prd2bpnay8

    11/03/2011 | 11:51 PM
    Grabe ang pamilya Revilla na ito. Mas naaawa pa sila sa dalawang buhay na kapatid na mga murderer naman kesa sa kapatid nila na walang awang pinatay ng sariling kadugo dahil lang sa pera. Naiintindihan ko ang nararamdaman ng ina nila kasi kahit anong mangyari ang mga nanay kadalasang nasa side ng mga anak nila kahit masamang mga tao pa ito pera na lang kung talagang matalino at balanse ang pananaw ng ina sa tama at mali. Saludo ako sa mga magulang na kusang isinusuko ang sariling mga anak kung may kasalanan ito. Sana hindi maging isang Freddie Webb si Jennelyn.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 83  ehemm

    11/03/2011 | 11:31 PM
    yes, sosingmasa, true yan. not enough nga for such a household and lifestyle. and there is no guarantee that they will still be getting a million every month for long. their source of income is old and sick. if it were really about money, since ramgen was the one who handled the household's finances, perhaps the others resented the cost-cutting, belt-tightening he did. that was being responsible. sobra talaga whoever stole his young life away from him....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 82  sosingmasa

    11/03/2011 | 11:13 PM
    P1Mil may seem a lot of money. But, if its being shared by 9 siblings plus the mom, plus may binabayad pa sa utilities and suweldo ng katulong, maliit na din siya. They live in a big house, so most likely utilities lang, grocery at suweldo sa katulong eh nasa P100k a month na. After paghati-hatian, halos nasa P3k na lang a day ang allowance ng bawat isa sa kanila. This may seem like an ok amount to common folks, but remember these are rich kids who are used to lavish lifestyle, and who probably own their own cars pa so pagasolina pa lang, kulang na. Di ako magtataka kung totoo ngang dahil sa pera ang awayan ng mga ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 81  chardine88

    11/03/2011 | 10:59 PM
    Get well soon Janelle!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 80  chardine88

    11/03/2011 | 10:55 PM
    matanda na si janelle at im sure alam niyan kung ano ang normal na reaction sa isang tao na nasa lugar ng krimen vs ang sinasabi nila na iba iba daw ang reaction ng iba ibang tao sa trahedya. hindi siya pwedeng magkamali sa nakita niya dahil siya mismo ang nandoon at biktima pa siya... panoorin niyo file videos ni ramona nung nasa presinto siya nung nasa wake. kung totoo ang mga bintang sa kanya... mukha shang remorseless... pwede ring politically motivated pero sobrang thick naman at evil ng plot na ito! involving very young adults! at alam pa ang financial squabbles ng pamilya. hay grabe! i can imagine how diplomatic their elder siblings are with money issues in the family... pero bakit ganyan pa ginawa nila... na sana pa din hindi totoo dahil this is a really bad sign of our times... esp may mga pinagaralan sila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 79  marilousyj

    11/03/2011 | 10:10 PM
    Ito ang matinding testimonya. Kasi nga sa mukha binaril akala ng hitman-mamamatay din. E nabuhay! Lagot na!Magsisinungaling pa ba yan? Kawawa naman ang angkan-sana makayanan ni Sr. ang nangyayari sa mga anak niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 78  Clara Pastor

    11/03/2011 | 10:05 PM
    ano pa ba hahanapin na patunay yun na mismo sabi ng girlfrien kumatok si ramona,tapos nasa likod nya yung mga nakamaskara,tapos binaril silang dalawa ang logic na lng dyan kung walang kinalaman si ramona,paanong nakapsok yung mga killers at sana nagsisigaw na si ramona na may nakapasok sa bahay nila at yung pamamaril na lng walang ginawang tulong si ramona,at yung mga testimony ng mga guard isa na yun na evidence ano pa ba hahanapin ni bong revilla and the abogado.ang point lang dyan hindi nila matanggap na nagawa ng magkapatid patayin sariling kapatid dahil sa money!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 77  daxboi

    11/03/2011 | 09:56 PM
    Correction lng sa mga gumamit ng Bible verse na money is the root of evil. kulang po yan. Ang tama is - the LOVE of MONEY is the root of all evil. Hindi pera ang ugat ng lahat ng evilness ng tao kundi ang pagmamahal sa pera . . . yun lng
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 76  nenetski36

    11/03/2011 | 09:49 PM
    tingin ko nga somebody's pulling the strings. mukhang di lang ang 2 magkapatid ang involved dito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 75  larotayo123

    11/03/2011 | 09:39 PM
    I smell something fishy sa istoryang to. Tingin ko di lang yung Rj na 18 years old ang may pakana ng pagpatay sa kapatid n'ya. May mas matandang kapatid ito na nagsulsol para gawin to. Sabi nga, si Ram ang favorite amongst all children of Ramon Sr., so may pinanggagalingan to. May sakit na kasi yung tatay nila kaya nag aagawan na yan sa mga mana. Baka sa will and testament, mas malaki yung mapupunta kay Ram at sa mga kapatid n'ya if ever, kasi 9 sila don eh. So ngayon, bawas na ang isa, 2 makukulong pa, eh di 6 na lang yung maghahati sa mana, na puro mga bagets pa, kaya wa care pa sa pera.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About