features

Janelle Manahan confirms sibling rivalry angle in Ram Revilla's murder

by Erwin Santiago posted on February 24, 2012  STATS: 1023 Views | 134 Comments


  Janelle Manahan, a talent-search contestant, has made her testimony confirming the sibling rivalry angle provided by the Parañaque police.   "Hiningan niya [Janelle] ng tulong si Ramona sa loob ng kuwarto nila noong may tama na sila ng bala. Pagkatapos ng insidente, pinakukuha niya ng ambulansiya at tulong pero hindi na bumalik si Ramona," says Task Force Ramgen Chief Superintendent Enrique Sy.

Photo By: File photo

Ngayong araw, Huwebes, Nobyembre 3, kinumpirma ng girlfriend ni Ramgen "Ram" Revilla ang anggulong "sibling rivalry" sa pagpatay sa aktor na naganap sa mismong bahay ng biktima sa BF Homes Parañaque.

Si Janelle Manahan ay nagbigay na ng kanyang testimonya sa awtoridad.

Ayon kay Chief Superintendent Enrique Sy, pinuno ng Task Force Ramgen na naatasang mag-imbestiga sa krimen, isinalaysay ni Janelle sa kanila kung paano pinasok ng mga nakamaskarang lalake ang bahay nina Ram noong Biyernes ng gabi, Oktubre 28.

Sa kuwento ni Janelle mula sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa, pinagbuksan raw niya ng pinto si Ramona Bautista, ang nakababatang kapatid ni Ram.

Makalipas lamang daw ng ilang minuto ay pumasok na ang mga mamang nakamaskara.

Sabi ni Senior Superintendent Sy sa panayam ng GMA News anchor na si Howie Severino: "Nakuhanan na rin namin siya [Janelle] ng pahayag, at lalong tumibay ang kaso namin laban kay Ramona."

Sinabi rin nito na sa kuwento ni Janelle, sinabihan ni Janelle si Ramona na tumawag ng ambulansiya pagkatapos na pagkatapos ng atake sa kanila ni Ram. 

Pero walang dumating na ambulansiya at nawala na rin si Ramona.

Saad ni Senior Superintendent Sy: "Hiningan niya ng tulong si Ramona sa loob ng kuwarto nila noong may tama na sila ng bala.

"Pagkatapos ng insidente, pinakukuha niya ng ambulansiya at tulong, pero hindi na bumalik si Ramona."

Nagtamo ng dalawang tama ng bala si Janelle—isa sa kaliwanag bahagi ng kanyang mukha at isa sa kanyang balikat.

Si Janelle ay produkto ng dating talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest, kunsaan naging ka-batch niya si Erich Gonzales.

Sa hiwalay namang press conference ay sinabi ni Parañaque Police Chief Senior Superintendent Billy Beltran na ang mga naunang pahayag ni Ramona ay "inconsistent" sa testimonya ni Janelle.

Sinabi noon ni Ramona na matapos barilin at saksakin ang kanyang kapatid at ang girlfriend nito, siya ay kinidnap naman ng mga salarin.

Pagkatapos ay iniwanan raw siya sa isang lugar sa may Las Piñas.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

134 Comments

  • 14  rotoscaper

    11/03/2011 | 03:49 PM
    sabi nga ni horatio caine sa CSI--- This one looks like-wears shades--a closed case...YEAHHHHH!!!!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  dadi37

    11/03/2011 | 03:49 PM
    anger is DANGEROUS..... ENVY is even WORSE....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  kansilay

    11/03/2011 | 03:45 PM
    Grabe parang teleserye lang! Ang inggit kasi parang lason yan,hndi mo alam unti unti na palang kinakain ang puso at isip mo! Sana managot talaga kong sino talaga ang mga nag plano nito! Hope malampasan to ng Family Bautista, ang hirap ng pinagdadaanan nila!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  napazu7

    11/03/2011 | 03:41 PM
    matibay ang testimony ng witness kc una, pano nya nalaman ang mga pangalan ng prime suspects na mga anak ni Revilla sr na idinawit nya sa kaso kung ang habol nya lang ay pera at ung dalawang nahuling killer at me dalawa pang pnaghahanap to name them as assets too e masyadong kumplikado kung gawa-gawa lang kc mapapatunayan ng hukuman kung hindi sila magkakakilala by interrogating them... Tapos nadagdagan pa ng survivor na gf ni Ram ang testimony the same way na ayon sa testimony ng katulong daw na walang forced entry sa house...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  aq_etech

    11/03/2011 | 03:36 PM
    grabe noh...skit s ulo tlaga pg sobra dami kpatid anjn ung mga rivalry
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 4627pw

    11/03/2011 | 03:30 PM
    Ibig sabihin, tugma ang salaysay ng mga gumawa ng krimen sa statements ni Janel na aktwal na nasa crime scene? Pero bakit hindi tinuluyan ng killer si Janel? Anyway, marami pa ang anggulo na pwedeng i-consider sa kaso na ito. Sana wag madaliin ang imbestigasyon just to prove na action agad ang mga awtoridad ngayon. Idea ko lang po ito...hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • damnitbabay

    11/03/2011 | 03:29 PM
    There must be a possibility na nashocked si Ramona or naratol kaya hindi xa nakatawag ng tulong.. and bakit close case agad ito mga police patola?? may nagbigay ba ng pera sa inyo?? LOL.. IBA NA ANG POLICE SA ATIN. MONEY DOWN SIR, WE'LL DO EVERYTHING.. tsk tsk tsk
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • dadi37

    11/03/2011 | 03:29 PM
    no need for reinvestigation ...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    11/03/2011 | 03:28 PM
    this is effed up.twisted shiite i tell ya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    11/03/2011 | 03:28 PM
    tapos ang babata pa, naisip nang magha hire ng killers .. omigosh.. tapos the nerve na idenimanda ang pulis??? dapat bitayin din ang mga yan, tusok tusok ng karayom hanggang .... you know...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • dadi37

    11/03/2011 | 03:28 PM
    bigyan ng proteksyon si janelle...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • winonao1

    11/03/2011 | 03:16 PM
    my gosh nakakakilabot naman eto!! sarili mong kadugo pinapatay mo my God!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • totoysipa

    11/03/2011 | 03:14 PM
    With Janelle Manahan's statement, plus the ones from the two hired killers who participated in the crime and the one who was part of the planning but not the actual crime, ANO PANG RE-INVESTIGATION ang kailangan? The Revilla family may not like what the investigation uncovered, but the truth is sometimes ugly.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • dakilangina

    11/03/2011 | 03:10 PM
    I can't imagine na dugo sa dugo nagpatayan? Sa magkakapatid normal ang away pero yung pagpatay nakaririmarim. Sayang si RAM napakabata pa niya na sana marami pang magagawa pero dahil lang sa inggit pinaiksi ang buhay nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About