If she could talk to her late boyfriend Ramgen Revilla, what would Janelle Manahan tell him? "Gusto kong sabihin sa kanya na thank you. Kasi, he taught me a lot of things. And he's one of the reasons kung bakit ako nagiging strong. So, gusto ko siyang pasalamatan sa lahat. At gusto ko rin sabihin na, 'I love you,' for the last time. Kasi, hindi ko nga po nasabi. And I want him to know na hindi masasayang ang life niya, kahit na ganoon ang naging ending. I'm gonna fight for him," she says.

Photo: File photo

Isang exclusive interview ang pinaunlakan ni Janelle Manahan kay Boy Abunda sa The Buzz. Ipinalabas ang taped interview kay Janelle kahapon, December 11.

Nakasuot ng shades si Janelle.

Halatang may pamamaga pa rin sa kanyang mukha, na siyang napuruhan nang binaril siya sa gabi na napatay naman ang kanyang boyfriend na si Ramgen Revilla.

Wala nang paliguy-ligoy at diretsahang tinanong ni Boy si Janelle.

Binalikan ni Janelle ang araw na naganap ang krimen sa mismong bahay ng nina Ramgen sa BF Homes Parañaque. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang mga salarin.

THAT FATEFUL NIGHT. Ayon kay Janelle, "We were just inside the room nga po.

"DVD, tapos doon kami kumakain ng lunch and dinner.

"Hindi kami umalis ng kuwarto talaga.

"Tapos, mero'n ako sa kanyang pinarinig na song.

"Then, he wrote something, dito [sabay turo sa right arm niya], sa pen lang.

"Kasi sinasabi ko sa kanya na gusto kong magpalagay ng tattoo dito.

"E, alam ko na ayaw niya.

"So, parang sabi ko, 'Sulatan mo nga ako dito.'

"I wrote a quote na isusulat niya. Pero akala ko, yun na ang sinusulat niya.

"Tapos noong tiningnan ko po, 'I heart you.' Tapos, 'Ram Revilla.'