If she could talk to her late boyfriend Ramgen Revilla, what would Janelle Manahan tell him? "Gusto kong sabihin sa kanya na thank you. Kasi, he taught me a lot of things. And he's one of the reasons kung bakit ako nagiging strong. So, gusto ko siyang pasalamatan sa lahat. At gusto ko rin sabihin na, 'I love you,' for the last time. Kasi, hindi ko nga po nasabi. And I want him to know na hindi masasayang ang life niya, kahit na ganoon ang naging ending. I'm gonna fight for him," she says.

Photo: File photo

"So, I thought may kailangan lang siya kay Ramgen, so I let the door open."

Nasaan si Janelle ng mga oras na yun at gayundin si Ramgen?

"I was sitting po sa office chair, malapit sa door."

Nag-usap ba sila ni Mara at gayundin si Ramgen?

"Dire-diretso po si Mara kay Ramgen. So, sila ang nag-usap.

"Sila ang nag-usap regarding sa video na ni-record ni Ram for his brother who was in PMA [Philippine Military Academy].   

"So, Mara was asking for it and Ramgen was telling him na, 'I'm just gonna e-mail it to you.'

"Pero ang gusto ni Mara, bluetooth."

Ano ang nangyari pagkatapos nito?

"And then, I got shot here."

Ilang beses siya binaril at saan siya binaril?

"Yung first shot po, dito. Eto po ang entry point [sa kanyang kanang balikat].

"And then, the second shot was here [sa mukha, sa ilalim ng kanyang mata sa kaliwa]."

TWO GUNSHOTS. Dalawang beses daw binaril si Janelle at malapit lang ang distansiya ng mga ito.

Ang bumaril daw sa kanya ay yung taong naka-maskara na lumalabas din sa mga news.