features

Annabelle Rama says she doesn't need a public apology from Nadia Montenegro

by Joyce Jimenez posted on February 15, 2012  STATS: 284 Views | 26 Comments

 

Annabelle Rama, in a good mood after the court hearing this morning, said: "Siyempre naman, dahil wala akong narinig sa kanilang kasinungalingan. Gano'n naman 'yon, e. Kaya ako may nasabi dahil puro kasinungalingan ang nababasa ko, puro kasinungalingan ang naririnig ko kaya umiinit ulo ko."

Photo By: Noel Orsal

Naging mapayapa ang naganap na hearing kanina, February 15, sa pagitan nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga media outfits na dumalo sa hearing kanina sa opisina ni Fiscal Diovie Calderon, sa 4th floor ng Quezon City Justice Hall.

Ayon kay Atty. Howard Calleja, abugado ni Annabelle, naganap ang naturang hearing upang i-consolidate ang mga kasong isinampa ng magkabilang kampo laban sa isa't isa sa Quezon City Prosecutor's Office.

Isang fiscal na lang ang hahawak ng mga kasong kanilang isinampa, hindi tulad noon na dalawang prosecutors pa ang may hawak—sina Prosecutors Leizel Aquiatan Morales at Perfecto Chua Cheng.

Ang kampo ni Nadia ay nagsampa ng mga kasong  child abuse, dalawang kaso ng libelo, falsification of documents, at grave oral defamation laban kay Annabelle.

Si Annabelle naman ay nagsampa ng kasong attempted kidnapping laban kay Nadia.

Ayon kay Atty. Calleja, "Kung maaalala ninyo, bago ang ating fiscal. So bale kinonsolidate lang, pinag-usapan lahat ng kaso.

"So, sabi nga, 'yong kabilang kampo magpasa ng affidavit, mag-submit ng kanya-kanyang affidavit, para sa susunod na hearing.

"Na-reset lang para magpasa ng mga kanya-kanyang affidavit sa susunod na hearing.

"Ito'y investigation level, bahala na ang fiscal sa imbestigasyon. Kung ano man ang iutos ng fiscal, e, kami ay susunod lang.

"Ang susunod na hearing, magbibigay na kami ng kanya-kanyang affidavit."

Nakatakda ang susunod na hearing sa Pebrero 22.

GOOD MOOD. Kapansin-pansin na maganda ang mood ni Annabelle kaninang umaga, taliwas sa mga naunang pagdalo niya sa hearing kung saan sumambulat ang galit niya kay Nadia.

Medyo nagulat ang ibang reporters nang pagdating ni Annabelle ay nagbiro pa siya: "Ano ba 'yan, para akong boksingero. Ang daming nakasunod na camera sa akin."

Ayon sa talent manager, wala siyang narinig na "kasinungalingan" kaya hindi uminit ang kanyang ulo sa pagkakataong ito.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

26 Comments

  • 26  hooney

    02/21/2012 | 06:55 PM
    tapos ang nakkaalarma pa, pinababayaan pa ni Nadia na natutulog yung mga anak niya na mga barely minors at kaka 18 sa mg aBF BF nila dahil nakakautang siya, naku ipagbibili mo ba mga anak mo sa mga pabarya barayang nahihiram mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  AstroNut

    02/19/2012 | 04:17 AM
    parang ang yabang ni Nadia magsalita eh di naman mukhang artistahin ang mga anak nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  usagurl

    02/19/2012 | 03:27 AM
    I don't like Anabelle at lalong ayaw ko kay Nadia...kinaladkad nya mga anak na minor para mag trabaho at ngayon naman kinaladkad nya sa kahihiyan ang mga anak nya sa mga kaso na sinampa nya kay Rama na obvious naman na wala syang laban dahil may contrata hinawakan si Rama laban sa kanya. Dapat ang mga nanay na gaya ni Nadia ma question ng court at DSWD kung bakit ang mga anak na minor ang pina pa trabaho nila, ang laki ng mga katawan hindi mag sipa trabaho. Kung ako kay Nadia uurong na nya kaso kung naawa pa sya sa mga anak nya nakaladkad sa kahihiyan na ginawa nya. Pinapa trabaho mo ang mga anak mong minor at hindi maka pag aral ng maayos yan ay abused at dapat embestigahan ang mga magulang na yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  pepreader123

    02/18/2012 | 12:55 PM
    Dati pag nagbabasa ako ng article about Annabel, sa PEP,sa mga readers walang kumakampi sa kanya, Pero dito halos lahat kampi sa kanya ang based sa mga comments
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  gem

    02/17/2012 | 01:26 PM
    tama si anabelle sa last statement nya. baka nga aabot ng 10 yrs ang kasong to. by that time, di na nya hawak mga anak ni nadia or expired na ang contract ng mga anak nya. kaloka. hehhee. and malabo siguro ang child abuse na case. mamumulubi si nadia nito. heheh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  fecatada

    02/17/2012 | 06:47 AM
    GO MS ANNABELLE! IPAGLABAN MO ANG TAMA! KLARONG SINUNGALING ANG NADIA NA YAN CHILD ABUSE???????? SIYA ANG DAPAT IPAKULONG KASI PATI PA NAMAN MGA 4 YEAR OLD LANG PINAGTRABAHO NA DAPAT SANA AY MAGSCHOOLING NANG PRESCHOOL OR NURSERY WHATEVER!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  fecatada

    02/17/2012 | 06:45 AM
    GO MS ANNABELLE SABI MO NINAKAW NIYA ANG MGA GAMIT MO SAMPAHAN MO RIN NANG KASO NANG PAGNANAKAW NANG MATAUHAN YAN. SIYA LANG BA ANG MARUNONG MAGSAMPA IKAW RIN SAMPAHAN MO RIN. GO MS ANNABELLE MAJORITY OF THE PEOPLE ARE BEHIND YOU! SANAY MATAUHAN ANG MGA TAONG MAHILIG MANGHOTHOT.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  fecatada

    02/17/2012 | 06:44 AM
    Kung ako kay Nadia MAGSIMBA SIYA AT SABIHIN NIYA SA MGA TAONG NAKATULONG SA KANYA. PASENSIYA NA PO AT MARAMING SALAMAT SA MGA MAGAGANDANG MGA BAGAY NA NAITULONG NINYO SA AKIN AT SANA AY MABIGYAN PA PO KAYO NANG MAHABANG BUHAY HINDI YONG ALAM NA NIYA NA MAY HIGHBLOOD ANG TAO KASO-KASOHAN PA KAYA TULOY MAS LALONG NAHIGHBLOOD ANG TAO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  anmar_sinvera

    02/16/2012 | 07:14 PM
    i like anabel! tong si nadia dpat umatras ka Day! maubos mo lang pera mo jan...si anabel andami nyang datung...naku, imbes kakainin sana ng mga anak mo ang ginastos mo sa kaso!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  suddenlyyou

    02/16/2012 | 02:54 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  shidax

    02/16/2012 | 02:53 PM
    go anabel..........bigyan ng leksyon ang sinungaling na yan at ng magtanda.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  tagaxxxtalim

    02/16/2012 | 12:39 AM
    Di ko gusto si Annabelle sa maraming cases in the past at sa pagiging palengkera niya, but on this one, kampi ako sa kanya. Mas may merits yung mga sinasabi niya. Ang tanong ko lang, ba't di na lang si Nadia ang maghanap ng trabaho at magbanat ng buto kesa mga anak niya ang nagpapakain at bumubuhay sa kanya? Di ba mas child abuse yung pinagtatrabaho niya ang mga anak niya at their minor ages? Besides, kung totoo yung mga sinasabi niya na verbal abuse etc, etc, why did she let those things happen? Wasn't she with her kids to supervise them? Isa pa, siya naman tong ipinagtulukan niya kay Ms. Rama yung mga anak niya in the first place.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  bacobaco

    02/15/2012 | 11:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  HornBlower

    02/15/2012 | 10:29 PM
    Dapat isinasalang din si Annabelle sa Senado ng matauhan at maging makatotohanan.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  HornBlower

    02/15/2012 | 10:20 PM
    lokohin ng mga Gutirrez na ito ang mga fanaticong fans nila at hindi ang buong publiko.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  SimonLaplace1

    02/15/2012 | 10:19 PM
    Ikulong na si Nadia please...ASAP
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  johnjoshuajeremydin26

    02/15/2012 | 10:02 PM
    Paano kaisng child abuse ni hindi nga alam ng nanay mismos kung ano oras nagtatrabho mga anak nya ....ang TV 5 ang dapat nya taninungin bakit ganun ang timing, or saan ba kasi nagpupunta ang mag bata? PERO ang ORAS ng kuhaan ng SWELDO alam na laam nya.PAGAARAL ngek.....eh bakit pinapahawak mo paar magin g artsita kahit nga hindi mga mukhang artistahin mga anak ipinilit kay Annabel rama?? eh pag hahawak ng talent si rama talagng gusto nya may ibubga at maganda mga mukha talaga.MAY LOOPHOLES TALAG ANG KWNETO NI NADIA EH, NGAYON VERBAL ABUSE AT EMOTIONAL ATTCK NAMAN DAW ANG SINaSABI PARA SA MGA ANAK NYA...EH ANO BANG ABUSE GINAGWA MO SA MGA ANAK MO NAPAKABABATa EH PINAGTATRABAHO MO TAPOS NGaYON, yan ba ang pagtatangol at pagmamahal ng isang ina kuno??eh iakw tong paparty party at puro gala........sosyalan wala naman palang isososyal ngek..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • beybong

    02/15/2012 | 09:54 PM
    Go Annabelle! Wala namang naniniwala sa Nadia na yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lawrenzo

    02/15/2012 | 09:01 PM
    Lalong sinisira ni Nadia ang kanyang sarili sa showbiz. Si Annabel, kung walang tiwala sa kanya ang mga producers, ang mga talents niya, wala sanang shows.. di kumikita. Kita mo.. kahit saang istasyon.. ayos pa rin siya. Try kaya ni Nadia na makipag usap sa kanila matakot lang mga ito dahil alam nilang baka i wan tu tri sila ni Nadia lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • magsasaka

    02/15/2012 | 05:56 PM
    Good mood o nagtitimpi lang si Annabelle, dahil ba sa wala syang narinig na kasinungalingan mula kay Nadia. pero nag-file naman ng demanda si Nadia ng child abuse, 2 cases of libel, falsification case, at grave oral defamation laban kay Annabelle. kung di yan totoo, maaaring nag-titimpi lang at hindi good mood si Annabelle.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About