features

Annabelle Rama blows her top at court hearing with Nadia Montenegro

by Erwin Santiago posted on January 30, 2012  STATS: 273 Views | 86 Comments

 

Former actress Nadia Montenegro (left) and talent manager Annabelle Rama (right) faced each other again at the San Juan Hall of Justice during the preliminary hearing of the theft case filed by Annabelle against Nadia. It was no surprise that the two engaged in a shouting match, again.

Photo By: Noel Orsal

Muli na namang sumiklab ang damdamin ng talent manager na si Annabelle Rama sa muli nilang paghaharap ng dating aktres na si Nadia Montenegro.

Nagkita ulit ang dalawa kaninang umaga, January 30, sa fiscal's office sa San Juan Hall of Justice, kaugnay ng reklamong pagnanakaw (theft) na isinampa ni Annabelle laban kay Nadia.

Ayon kay Annabelle, kinuha diumano ni Nadia nang walang paalam ang ilang kasangkapan niya, na nagkakahalaga ng P500,000, sa kanyang bodega sa Brgy. Batis, San Juan.

Kabilang daw dito ang 10 antique accent chairs, 65-inch Sony TV, designer frame set, accent table, 3 beds with headboard and mattresses, antique cabinet, at isang set ng BelKraft stainless steel pots and pans.

Pero itinanggi ni Nadia ang mga paratang na ito sa kanya ni Annabelle.

Ayon sa dating aktres, nakuha niya ang mga gamit na ito sa isang furniture store sa Quezon City.

Sa report ni Mario Dumaual para sa ABS-CBN News, hiniling din ni Nadia na ibasura ang kaso dahil hindi raw sakop ng San Juan ang insidente. Nangyari raw ang insidente sa Quezon City.

Pero nang magkomento si Nadia na tinulungan pa niya si Annabelle nang pumayag siyang bilhin ang hospital bed ng talent manager, dito na raw nagwala si Annabelle.

Buwelta ni Annabelle, "Fifteen thousand ko nabenta, binigay ko sa kanya, nakatulong pa nga ako.

"Wala akong natatanggap na pera sa kanya! Fifteen thousand? E, bago pa 'yon, P48,000!

"Hindi ko pa nga nagamit nung magkasakit ako nun, sinungaling siya!"

Ayon pa sa ABS-CBN report, hinintay pa ni Annabelle si Nadia sa parking lot ng San Juan Justice Hall.

Sumigaw raw si Annabelle ng: "Lumabas ka diyan, sinungaling ka, halika rito, duwag!"

Sabi pa raw nito: "Nadia Montenegro, bumaba ka diyan, magnanakaw!"

Dahil sa insidenteng ito, nahaharap ngayon si Annabelle sa reklamong "grave oral defamation."

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

86 Comments

  • 86  aiveec

    02/01/2012 | 10:32 AM
    orangecountykid, what is wrong in selling pots and pans in the US? Yes, they used to sell those and they NEVER denied it... Are you richer than them now? Yes, they are RICH.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  nelly1958

    02/01/2012 | 05:53 AM
    ANO NINGNING ANG MAWAWALA SA MGA ANAK NIA?MY NINGNING B? HAHAHAAH
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  bus_stop

    01/31/2012 | 05:46 PM
    wow grabe na ang sakit ni anabel,hindi man lang ba na babahala ang kanyang mga anak???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  wise_mico

    01/31/2012 | 05:04 PM
    Sana dalhin itong kasong ito sa senado. at si sen. mirriam ang presiding judge... biggest entertainment if ever hahahaha... wala lang po, para lang makapag cheap comment sa isang cheap issue ng mga cheap na tao, o di ba? hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  ClawClown

    01/31/2012 | 04:18 PM
    Sana alam nina Ruffa, Richard at Raymund ang salawikaing 'Kung ano ang puno, siya ang bunga.' Nang sa gayon, payuhan nila ang nanay nila. Kasi kung anuman ang mga ginagawa at sinasabi ni Anabelle, sa kanila nagre-reflect. Walang modo nagpalaki sa kanila, kaya di na nakapagtataka kung sila rin ay maging ganoon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  Angelle705

    01/31/2012 | 03:44 PM
    Goodness! Grabe itong isa, sa tingin ko mas fan ka ni MR kesa sa hater. Aba, ultimong article na to, pinipilit mong mapagusapan si MR! Marian, ikaw na talaga!!! You make your haters love you, and people who love you, LOVE YOU MORE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  lawrenzo

    01/31/2012 | 03:35 PM
    Sinungaling si Nadia. Halata naman. Annabel must control her anger. Wala ng kakaibigan pa kay NAdia.. matakot na sila, di ba Gretchen? lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  orangecountykid

    01/31/2012 | 03:26 PM
    SO, IT IS REALLY TRUE THAT THEY USED TO SELL KALDEROS HERE IN THE US. ANNABELLE RAMA THOUGHT SHE WAS BORN WITH A SILVER SPOON IN HER MOUTH. MAYBE A STAINLESS STEEL SPOON MOLDED OUT OF HER KALDERO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  pinaypay2

    01/31/2012 | 02:57 PM
    Nadya naman halata ka masyado, ano ba bat ka naman kasi mang-aangkin ng mga gamit ng may gamit. Gamit yan ni Teta Anabil of all pipol sa kanya ka pa nang-angkin. Talagang magkakagulo kayo niyan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  pinaypay2

    01/31/2012 | 02:55 PM
    Ipa institutionalize nyo na yang mami Anabil nyo Ropa, Retsard, Reymunda
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  pinaypay2

    01/31/2012 | 02:52 PM
    Wala bang Live TV ang Pilipinas. Segment na ipapakita sa publiko ang mga nagwawalang mga artista, ex-artista, talent managers o di kaya politicians sa senado haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  pinaypay2

    01/31/2012 | 02:50 PM
    Go Tita Anabelle go!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  ngu_wen

    01/31/2012 | 02:41 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  gucciprada

    01/31/2012 | 02:30 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  midnightblue

    01/31/2012 | 01:18 PM
    what else can you expect from annabelle? natural na nya yan. one of these days, aatakihin yan, kung hindi nya mako-kontrol ang emotions nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  CodeMars

    01/31/2012 | 12:56 PM
    kawawa naman mga anak ni Nadia, di na nga sikat ngayon lumabas pa tutuong financial situation ng family nila... eh paano kung napaamin si Nadia na talagang gamit pala ni Anabelle yun, mas lalong nakakahiya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  bananakiller00

    01/31/2012 | 12:53 PM
    pinipikon ni nadya lumalabas tuloy naturalesa ni anabil.. haha nkakatawa lang kase pikon na pikon sya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  Xray

    01/31/2012 | 12:43 PM
    Haler, ngayon lang siya nagreklamo na ninakawan siya kung kailan sinampahan na siya ng kaso. Besides paano ba maka-kuha ng gamit si nadia sa bodega kung hindi siya binigyan ng access ni annabelle. Inis ako kay nadia dahil ang mga anak ang pinagkakakitaan ng pera pero sa puntong ito, mas gusto ko nang tuluyin niya yang kasong yan kay annabelle. Go nadia! Feeling untouchable kasi masyado, ayan at nakapatay na nga ang anak eh parang wala pa ring nangyari. At ang BASTOS talaga, okay lang magwala pero huwag sa opisina ng judge or prosecutor, konting respeto naman, feeling mo teritoryo mo yun??? hindi 'no!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  iamexaminer

    01/31/2012 | 12:10 PM
    To Ropa, Retsard at Rimonda, sana payu-payuhan nyo naman ang monster mom nyo. Ano ba yan? It will reflect what kind of people are you in the family.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  iamexaminer

    01/31/2012 | 12:08 PM
    Ganyan ang mga ugali ng managers sa associated sa GMA at TV5. Di yan pwede sa Dos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About