Hindi pa rin maiwasang tanungin si Danita Paner tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si JC de Vera kahit ilang buwan na rin silang hiwalay.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danita recently sa mezzanine ng Imperial Palace Suites para sa isang mini-presscon para sa dalaga kaugnay ng kanyang bagong afternoon soap sa TV5 na Isang Dakot Na Luha.
Si Edgar Allan Guzman ang kanyang katambal sa nabanggit na soap, pero nasentro ang pangungumusta sa kanila ni JC.
"Maraming panghuhugutan na. Tumayming," umpisa ni Danita patungkol sa kanyang drama series at nararamdaman pa ring lungkot sa paghihiwalay nila ni JC.
May panghuhugutan siya kumbaga ng malalim na emosyon dala ng hiwalayan nina ni JC.
"Siyempre ilalagay natin yung sarili natin sa character.
"Kasi minsan, 'pag may taping, 'di rin naman enough yung memories, e.
"Kailangan talaga sakto yung emotions mo do'n sa scene," medyo malungkot niyang pahayag.
Kabado ba siya kapag natatanong tungkol sa kanila ni JC?
"Hindi naman. Nag-iingat lang ako.
"Dahil siyempre ayokong maka-offend ng... Hindi naman ako kinakabahan."
Iniiwasan daw niyang makapagsabi ng bagay na baka pagmulan uli ng hindi nila pagkakaunawaan ni JC.
Kumusta na ba sila ngayon?
"Okay kami ngayon. Actually, nag-uusap naman kami kaya okay naman.
"Tsaka ayaw din talaga niya na pinag-uusapan."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 gmabs27
5 ronksa2012
4 ommel0812
3 shidax
2 arniebella
1 angel25