Kris Aquino on criticisms against President Noynoy Aquino (in photo): "Pero siguro hindi n'yo maiaalis sa amin na sabihin namin na it's not like he doesn't care. Give me a break, di ba? Siyempre, pangulo siya ng Pilipinas at mahal niya ang ating mga kababayan. So, siyempre, gagawin naman niya ang lahat. Sana huwag napakabilis ng batikos kasi napakaraming ahensiya ang nagtatrabaho na. It's just that a President is not like you or me na we can hop on a plane and go there, because there are a lot of national concerns."

Photo: Noel Orsal

Dinipensahan ng Aquino sisters na sina Kris Aquino, Pinky Aquino-Abellada, at Ballsy Aquino-Cruz ang kanilang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino mula sa natatanggap nitong mga batikos kamakailan.

Ang pagdalo ni PNoy sa Christmas party ng Presidential Security Group (PSG), sa kabila ng matinding pananalanta ng bagyong Sendong sa Mindanao, ang siyang pinagmulan ng batikos.

Umabot na ang death toll mula sa mga kababayan natin sa mahigit isang libo.

Sa ABS-CBN morning show na Kris TV, na hino-host ni Kris, live guests sina Ballsy at Pinky kahapon, Disyembre 19, para pag-usapan ang Christmas traditions sa kanilang pamilya, gayundin ang projects na ginagawa nila para sa ating mga kababayan.

Nang mapunta ang usapin tungkol sa nangyaring trahedya sa Mindanao dahil nga sa bagyong Sendong, hindi na naiwasang ipagtanggol ng magkakapatid si PNoy.

Ayon kay Ballsy, plano talaga ni Pangulong Noynoy na bisitahin ang Cagayan de Oro, ang lugar na pinakasinalanta ng bagyo.

Aniya, "Talagang pinaplano na nga [ng Pangulo] na pumunta sa CDO. Alam mo kapag pangulo ka, hindi hora-horada ay gagawin mo yun, at saka titingnan lahat.

"Pero narinig ko na pinag-uusapan na ng PSG [Presidential Security Group] at PMS [Presidential Management Staff] kung ano ang gagawin."

Sa pinakahuling ulat ng ABS-CBN News ngayong araw, Disyembre 20, dinalaw na ng Pangulo ang Cagayan de Oro at pumunta rin siya ng Iligan.

Dala ni PNoy ang iba't ibang tulong, kasama na rito ang rehabilitation plans para sa mga lugar na nasalanta.

Paliwanag pa ni Ballsy tungkol sa PSG Christmas party, "Ngayon, yun namang party ay matagal nang naka-schedule 'yon.

"Siyempre, may mga masasamang nangyayari at may malungkot, but then, life should go on.

"Hindi naman puwedeng huminto na lang ang buhay at magmukmok na lang tayo.

"That party was for the PSG, ang mga nag-aalaga sa Pangulo at sa kanyang pamilya. Tradisyon yun na talagang every year ay nagsasama-sama.