Kinumprima ni Angelicopter na ang dating kasamahang si Grace Lee ang dahilan ng pagkakatanggal niya sa radio program na Good Times. "I've been aksed about this several times and as you may have noticed, we are no longer together on the radio show Good Times with Mo. The reason behind this was because Grace told our management that she will no longer appear on a show with me. This stems from some unfortunate issues we've had recently," sabi ni Angelicopter sa mensaheng ipinadala niya sa PEP.

Photo: Noel Orsal

Hindi na kabilang sa radio program na Good Times ang sexy disc jockey na si Angelicopter.

Kinumpirma mismo ito ni Angelicopter sa pakikipagpalitan namin ng text messages sa kanya ngayong hapon, Pebrero 21.

"I will definitely miss the listeners. A whole lot. And I really appreciate how kind the management has been," aniya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Angelicopter, ilang linggo na raw ang nakararaan nang ipaabot sa kanya ng management ng Magic 89.9 ang desisyon nila na tanggalin siya sa programa.

Ang dahilan daw nito ay sinabi ng co-host niyang si Grace Lee na ayaw na siya nitong makatrabaho.

Sabi pa ni Angelicopter, "Dapat break lang. Pero decided na nga ni Grace that she can't work with me anymore."

Simpleng tampuhan at hindi pagkakaunawaan daw ang pinag-ugatan nito.

"May miscommunication kasi nagkasabay kami nag-invite ng guests sa show. Napikon siya. Humirit siya. So ako rin napikon. Humirit din ako.

"As you see, hindi nga big deal.

"Unfortunately, she decided that she can no longer work with me on the show.

"I wish we could've patched it up. Kasi normal lang 'to nangyayari sa programa."

Ilang beses umanong sinubukan ni Angelicopter na makipag-usap at makipag-ayos kay Grace, subalit ang Korean host daw ang tumatanggi.

"Throughout the past month, I've been trying to reach out to Grace in order to fix our issues, but she refuses to patch up any misunderstandings.

"She even walked out on the show when she saw me in attendance.