features

Jennica Garcia scoffs at pregnancy rumor

by Rommel Gonzales posted on May 18, 2012  STATS: 7711 Views | 6 Comments

 

"'Tsaka ang taong buntis, kahit anong deny niyan, di ba, bubukol at bubukol 'yan, lalaki at lalaki 'yan? Kaya lang, naisip ko na lumalaki kasi [ang isyu], nag-umpisa lang nahimatay, tapos naging nahimatay, nagsusuka, tapos nahimatay, nagsusuka, buntis," says Jennica Garcia about rumor that she is pregnant.

Photo By: Noel Orsal

Nilinaw ni Jennica Garcia ang kumalat na balitang buntis siya sa live interview niya sa Showbiz Central kahapon, July 10.

Ang unang binanggit ng host na si Raymond Gutierrez ay ang tungkol sa pagkahimatay ni Jennica sa taping ng Captain Barbell, kung saan nag-guest ang young actress. Dahilan upang umusbong ang intrigang nagdadalang-tao siya.

Paliwanag ni Jennica, "Totoo naman, kasi hinimatay naman ako.

"Dini-dysmenorrhea kasi ako noon, tapos at the same time, gastritis. So, nagsabay.

"Tapos madaling-araw na nun, tapos dalawang araw na magkasunod na taping yun, natapos kami nun mga 5:30 ng umaga.

"Call time namin the following day is nine o clock, so pagod na rin. Pagod na rin, ganyan, ayun."

Dinala ba siya sa hospital?

"A, hindi naman," sabi ng dalaga.

"Nag-panic sila, nag-panic sila kasi bumagsak ako sa batuhan, so nagsugat ang tuhod ko, ayan, dumugo!

"Tapos nung nahimasmasan na ako, nakahiga na ako sa kama, tapos sabi ko, 'Aray, aray, yung tiyan ko!'

"Tapos biglang, 'Aray, pati tuhod ko!'

"Gulat na gulat na lang ako na, 'Ay, ano ba 'yan? 'Yan ba ang nangyari?' Ganun!" ang natatawang kuwento ni Jennica.

Nadawit sa isyu ang boyfriend ni Jennica na si Alwyn Uytiungco, na tinawagan agad ni Jennica when the issue came out.

"Tawa siya nang tawa, e! Tawa siya nang tawa, tapos... Ano ba? sabi niya. 'A, dedma na lang! Huwag na lang pansinin 'yang mga ganyang bagay,'" kuwento ng young actress sa naging reaksiyon ni Alwyn.

Isang taon na ang relasyon nina Jennica at Alwyn at open naman sila sa publiko tungkol dito.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

6 Comments

  • shidax

    05/25/2012 | 10:47 AM
    bakit hindi ito sumisikat si jennica at wala masyadong projects????may favoritism ba dyan sa GMA....huwag nyong ipilit sa publiko iyong walang talento at puro pa cute lang ang alam....jennica lie low ka muna sa pagbo boyfriend mo kung gusto mo talaga maging magaling at sikat na artista tutal nandyan ka na sa mundong iyan pagbutihin mo.sulitin mo yung pagod dahil ang katawan hindi bumabata at habang in ka pa mag ipon dahil tatanda at magkaka-anak din kayo.....dapat practical hindi yung puro love love nalang uunahin magkakaanak ka lang ng wala sa panahon nyan.....ang hirap ng buhay ngayon.malaki ang potential mo sa acting ms.jennica just concentrate and give more time on it...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • alimango21

    07/13/2011 | 10:30 AM
    one of my favorites... hope to see her in primetime. pwede nman cia isali sa Amaya or sa MH ah,,, she soooooooo talented. Jennica and Sheena Halili are underrated in GMA!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • oskieness

    07/12/2011 | 10:37 PM
    go jennica....sana bgyan ka ng big break ng gma AGNDA MO KAYA...try mo mag dagdag ng timbang tpos mag pa sexy ka go go go!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tili_2death

    07/12/2011 | 04:37 AM
    sa sobrang skinny niya, you think the baby would have survived? naku ha? this is an actress that's been overworked trying to prove to the world na maibubuga din siya tulad ng mommy niyang si Jean Garcia. She has what it takes--all the best Jennica.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • critical_critic

    07/11/2011 | 09:40 PM
    rotoscaper, you should see iza calzado's. she obviously lost. hehe talented tong si jennica saka ganda ng aura kaso bakit parang wala na syang project these days, sayang naman. kundangan naman kasi bakit nahaharang lagi ng tyahin ang projects para itambak sa pamangking wala namang alam kundi magpacute at magkalat ng lagas na buhok! eh ni wala namang talent! chaka!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    07/11/2011 | 09:04 PM
    her armpit is having this epic battle with gravity right now. i will root for jennica.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About