features

Jean Garcia clarifies her "controversial reply" on rumored pregnancy of daughter Jennica

by Erwin Santiago posted on July 27, 2011  STATS: 696 Views | 8 Comments

 

"Nung tinanong daw ako, ang sagot ko daw: 'Tanungin n'yo na lang si Jennica.' Parang napaka-stupid naman no'n, di ba? Na tinanong ako, 'Buntis ba yung anak mo? 'Tanungin n'yo na lang si Jennica.' Parang hindi ko naman yata sasabihin 'yon. Nakakaloka, di ba?" says Jean Garcia about the rumor that her daughter Jennica is pregnant.

Photo By: Noel Orsal

Pinagtatawanan lang daw ni Jean Garcia ang napabalitang buntis diumano ang kanyang panganay na anak na si Jennica Garcia.

Pero ang "ikinaloka" ni Jean sa tsismis na ito ay nang sumagot daw siya nang tanungin tungkol sa balitang nagdadalang-tao si Jennica.

"Nung tinanong daw ako, ang sagot ko daw: 'Tanungin n'yo na lang si Jennica.'

"Parang napaka-stupid naman no'n, di ba? Na tinanong ako, 'Buntis ba yung anak mo? 'Tanungin n'yo na lang si Jennica.'

"Parang hindi ko naman yata sasabihin 'yon. Nakakaloka, di ba?" medyo natatawang kuwento ni Jean sa presscon ng Time of My Life kagabi, July 26, sa Studio 6 ng GMA Network Studios sa Quezon City.

Dagdag pa ng aktres, "Parang binigyan ko ng kulay na totoo, di ba? Parang gano'n.

"Sabi ko, walang nag-i-interview sa akin ng ganyan. Kasi kung meron mang magtanong sa akin, sasabihin ko, 'It's not true.'

"Kasi hindi naman talaga totoo. So, pinagtatawanan lang namin.

"Iki-clear ko lang, paki-clear lang na wala akong sinasabing gano'n.

"At kung may magtanong man sa akin, sasabihin ko talaga na hindi, kasi hindi naman talaga."

Ipinaliwanag din ni Jean kung saan nagsimula ang kuwentong buntis daw ang kanyang 21-anyos na anak.

"Actually, may dysmenorrhea si Jennica, sa set 'yan ng Captain Barbell. Dini-dysmenorrhea yung bata, nag-pass out.

"Kasi sa family namin, tuwing may period talaga, may history yung family namin na ang sakit, mahihimatay ka.

"Yun lang naman talaga ang nangyari. Kaya napag-anuhan siya na buntis.

"E, di ba, tamang-tama, parang yung magkasunod..." pagtukoy pa ni Jean sa pagputok ng balita noon ng kumpirmadong pagbubuntis ng young actress na si Andi Eigenmann.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

8 Comments

  • kilabotako

    08/03/2011 | 02:55 AM
    kaya may rumor na ganyan kay jenica ,,kase isa sya sa gaya ni andie na nagbibilang ng bf sa murang edad,,imbes na mag focus sa work at career o tapusin ang college,,e..pakikipag bf ang inaatupag,,baka sa huli,,mabuntis iyan,,at sabihin na naman ng tao,,mana sa nanay,,wahahahaa,,maging role model kase sa mga anak niyo,,kaal nyo,,mahirap pag nagsosolo ang mga iyan,,malay pa ni jean,wahahahah,,..masaya daw!!..sus!sana lang malakas ang self control at may takot sa dyos ang anak mo jean,if not yari iyan,,nakakaisni ang mga ganyang stars.we need role model at may silbi sa bayan na stars kesa sa nagbibilang at nagpapakasira sila dahil s alovelife ang babata pa nila,yuck!!umayos naman,,mag ipon at focus,,mag pundar,,hindi yang,,ka echosan,,so young!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lotuss

    07/27/2011 | 05:46 PM
    TAMA KA no 1 .. parang ang nangyayari lahat na lang ng kabataan na babaeng artista ang susunod na magbuntis gaya ni ANDI.. tanong PAANO KUNG MABUNTIS ? na hindi na iniisip na nakakasakit na sila kay andi.. kung baga ba may nana na nga yung sugat dudutdutin pa para lalong sumakit..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sasha19

    07/27/2011 | 05:30 PM
    cool mom!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinaysausa

    07/27/2011 | 03:40 PM
    i like her...yah.. it seems like she's a cool mom...shes more pretty now than her younger years...!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexangel

    07/27/2011 | 03:30 PM
    she is a cool mom! parang barkada lang sila ni jennica. yan ang advantage pag maaga magka-anak, nakaka-relate ka pa sa generation ng anak mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yacinth

    07/27/2011 | 01:18 PM
    very witty...like your answer jean... as a mom i can relate to that.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hazel_kate

    07/27/2011 | 12:37 PM
    no.1, tama ka,,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Blood_Orchid

    07/27/2011 | 12:29 PM
    Bakit kasi ang mga tao pag may boyfriend iniisip na talaga nila na mabubuntis at nag-aanuhan. Every relationship is not the same. Just because a handful of women got pregnant doesn't mean all girls with bf will get pregnant too.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About