features

Part 1. Martin Escudero admits to prioritizing ex-girlfriend Jennica Garcia over his family

by Rose Garcia posted on May 18, 2012  STATS: 1378 Views | 3 Comments

Martin Escudero on his past relationship with Jennica Garcia: “Hindi ko naman po sinasabi na mali na nakarelasyon ko siya. Hindi pagkakamali na siya ang nakarelasyon ko. Ang pagkakamali, pagkakamali ko kasi, yun ang pinili ko. Hindi lang naman sa siya ang naging priority ko, marami pa akong ginawa noon na na-realize ko ngayon na sana, hindi ko ginawa. Marami akong naging pagkukulang sa pamilya ko noon kaya nga ngayon, lahat ng oras ko na puwede kong ibigay sa kanila, ibinibigay ko.”

Photo By: Allan Sancon

Isa sa mga tanong sa cast ng Moron 5 and The Crying Lady sa presscon ng pelikula ay kung ano ang pinaka-bobong ginawa nila sa kanilang buhay.

“Bobo” kasi ang roles ng limang bidang aktor dito, kabilang na si Martin Escudero.

Sagot ng young actor sa tanong, noong may girlfriend daw siya ay mas inuna raw niya ito kesa sa pamilya niya.

Nang makaharap na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa naturang press conference na ginanap noong Huwebes, March 22, sinabi namin sa kanya na nagkaroon ng impression ang entertainment press na si Jennica Garcia ang tinutukoy niya.

Hindi naman itinanggi ni Martin ang bagay na ito.

Aniya, “Oo, siya naman po ang huling nakarelasyon ko talaga.

“Hindi ko naman po sinasabi na mali na nakarelasyon ko siya. Hindi pagkakamali na siya ang nakarelasyon ko.

“Ang pagkakamali, pagkakamali ko kasi, yun ang pinili ko.

“Hindi lang naman sa siya ang naging priority ko, marami pa akong ginawa noon na na-realize ko ngayon na sana, hindi ko ginawa.

“Marami akong naging pagkukulang sa pamilya ko noon kaya nga ngayon, lahat ng oras ko na puwede kong ibigay sa kanila, ibinibigay ko.”

Nakalimutan ba niya ang kanyang pamilya dahil kay Jennica?

Ayon kay Martin, “Hindi naman completely nakalimutan ang pamilya, pero may pagkakataon na sana, nandoon ako, pero hindi ko nagawa.

“May stages sa buhay na katulad sa mga kapatid ko na maliliit, sana nandoon ako sa mga oras na ito, event na ito na hindi ko napuntahan.”

Sa palagay ba niya, sa susunod niyang relasyon ay mas kontrolado na niya ang sarili at ang oras niya?

“Sa totoo lang, mahirap sabihin ‘yan na kapag may relasyon na ‘ko, ganito na ako.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

3 Comments

  • starla10

    03/27/2012 | 06:53 PM
    Precisely set side mo muna ang love life and focus on you career.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinay_rn

    03/26/2012 | 06:18 PM
    i love him in zombading! pak na pak si remington!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    03/26/2012 | 04:40 PM
    Ang ganda naman ng career ni Martin Escudero.Silent lang pero yung edge ng status nya bumobongga.Hindi kailangan ng publicity kase nandyan na sya eh.Leading man status.Bankable star.Award winning actor.Grabe!!Among his Batch naungusan nya pa si Paulo Avelino at Aljur Abrenica na makakuha ng award.Ang galing talaga mag-diskubre ng GMA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About