"Best friend ko yun, e! Si FPJ.
“Sa kanya ako nagsusumbong. Parang pamilya talaga na ipaglalaban mo.
“’Tapos siyempre, ang sakit talaga. Gusto ko siya ikampanya, pero hindi ko magawa.”
First time ba niyang masaktan nang ganito dahil sa hindi pagkakaunawaan ng pamilya?
“Oo, super!
"Isa pa yun. Parang ang sakit din sa akin.
"Kasi minsan, hindi maiiwasan na minsan [may] labanan ng mga senador.
“Kunyari, parang may ayaw si Uncle Tito [Sotto] kay Kiko [Pangilinan],” pagtukoy niya sa kanyang tiyuhin at sa kanyang asawa na kapwa senador.
“Kaya lang, asawa ko yun. So, parang ang hirap ng sitwasyon ko.
“Ang feeling ko, parang 'pag nagku-comment yung iba, hindi nila iniisip. 'A, kung si Sharon ka nga naman, siguro ‘eto naman yung hirap na nasa gitna ka.'
“Parang walang nag-aaksaya ng panahon sa gano’n kasi parang feeling ko, iniisip nila, ‘Balimbing ‘yan kasi, in-offer-an ng ganito.'
“Mukha akong pera gano'n?” tumatawa nang paliwanag ni Sharon.
Ang tinutukoy ni Sharon dito ay ang pinagmulan ng hindi nila pag-uusap ng kanyang Tita Helen at asawa nitong si Senator Tito.
BLAME POLITICS? Marami ang naku-compromise na mga personal na bagay dahil sa pulitika?
“Oo... nakakainis, ano?" sabi ni Sharon.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
75 candicebluv
74 scarlet_lisptick
73 fanatix
72 fanatix
71 ClawClown
70 scarlet_lisptick
69 queersay
68 ClawClown
67 pinay123
66 pepreaderako1234
65 ellenmar_123
64 slickchick02
63 marcus123
62 candicebluv
61 babyshy
60 gossipboy
59 edmund_galila
58 agusanonko
57 FlyNDance
56 kokuryu
more comments