features

Part 2 Oyo Sotto will accept whoever his dad Vic Sotto chooses to love

by Rey Pumaloy posted on February 2, 2012  STATS: 1009 Views | 22 Comments

 

"Ano ba sa tingin ninyo? Hindi ko alam. Kasi lately hindi ko nakikita si Daddy dahil very busy siya. Ako naman, every other day, nagte-taping, 'tapos family pa," replies Oyo Sotto when asked if he's happy for his father, Vic Sotto.

Vic is now being linked to his Eat Bulaga! co-host Pauleen Luna.

Photo By: Noel Orsal

Muling inusisa ng press kay Oyo Sotto sa presscon ng Valiente noong Martes, January 31, ang tungkol sa nababalitang relasyon ng kanyang amang si Vic Sotto sa young actress na si Pauleen Luna.

Matatandaang sa naunang interview ni Oyo, tahasan niyang sinabi na hindi siya pabor sa kung anumang namamagitan sa daddy niya at kay Pauleen.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa presscon ng Valiente ay tinanong si Oyo kung nakapag-usap na ba sila ng kanyang daddy tungkol kay Pauleen.

"Hindi," sagot ng Kapatid actor.

"Sa amin ni Daddy, hindi naman namin pinag-uusapan yun. Wala naman sa amin ni Daddy yun.

"Siyempre, marami talagang isyu kung marami. Pero 'pag sa loob ng family, hindi talaga namin pinag-uusapan yun."

Pati raw ang ina ni Oyo na si Dina Bonnevie ay hindi rin nag-uusisa kaugnay ng mga binitiwan niyang pahayag tungkol sa nababalitang ugnayan ng daddy niya kay Pauleen.

Ayon kay Oyo, "Si Mama, quiet-quiet lang yun.

"Hindi namin pinag-uusapan yung tungkol do'n.

"Parang kunwari may nabalitaan na ganun, 'Uy, si ano, ganyan-ganyan...' tahimik na lang ako."

Sabi pa ni Oyo, alam daw ng kanyang ina—na matagal nang hiwalay sa kanyang ama—ang nararamdaman niya kahit hindi siya nito tanungin.

Marami ang nagtataka kung bakit very vocal si Oyo sa pagtutol sa sinasabing relasyon ng kanyang ama kay Pauleen, samantalang hindi naman siya ganito sa mga naunang naging kasintahan ng daddy niya.

"Wala naman, e. Basta, yun lang ang nararamdaman ko, e... No comment na lang," iwas niyang sagot.

Handa naman daw si Oyo sakaling magkita sila ni Pauleen, o di kaya ay pormal itong maipakilala sa kanya ng daddy niya.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

22 Comments

  • 22  juris

    02/04/2012 | 07:38 PM
    17 remyr12 Kaya nga dapat ayusin ni Vic Sotto ang buhay niya kasi he only lives once.Walang merit sa Dios ang title na Bossing dahil di naman sya nagbibigay ng magandang halimbawa sa mga tao lalo na sa mga anak at apo nya.Vic Sotto creates confusion in the minds of his children especially his apos.Maging confused sila kung ang ginagawa ba ng lolo nila ok lang kasi sabi ng mga tao lalo na ang mga pasipsip ok lang pero kung ibabatay sa pamantayan ng Dios di ok.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  D_katie

    02/03/2012 | 06:42 PM
    Pinagsabihan yan ni Vic, dahil for sure nagsumbong si Poleng at nanay nya. Kung ordinary guy lang si Enteng, itaga mo sa bato, di yan papatol si Poleng. Fame and money lang naman. Kaya saludo ako kay Brazilian na hindi pumatol kay Vic. Ginamit nya ang kanyang brain.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  superbeki

    02/03/2012 | 02:17 PM
    nasa babae naman yan eh, si vic nanliligaw , nasa babae na yun kung sasagutin mo si vic, kung sagutin mo man si bossing, dapat alam ng babae ang mga consequences nyan.. nakita ko ilong ni pauleen luna, oo nga nag pa tangos nga ng ilong.. dati kc malaki butas ng ilong nya. pansin nyo guys? kaya pala kunware, na accident, un pala nag pa nose job, parang ndi bagay sa kanya, nabawasan ganda nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  paket

    02/03/2012 | 01:52 PM
    minsan hindi lang din puro love or sarili nating kapakanan nalang iicipin natin..sympre pati rin yung mga taong mahal din natin sa buhay na nasa paligid paligid natin..mas masarap magmahal kapag tanggap din ng tao oo ng mga mahal sa buhay ang pagmamahalan ninyo db? yun lang ang para sa akin..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  paket

    02/03/2012 | 01:47 PM
    ako ang sakin namn..kung may darating pang mas bata,binata at kaya nmng mahalin din ni poleng eh yun nalang db? kc kht sabihin mong love nya si vic at love sya ni vic..pero kung tinadhana sila sa isat-isat we shld be happy narin for them..love,love,love ika nga...bsta make it sure na love talaga ha poleng? ehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  remyr12

    02/03/2012 | 10:17 AM
    Biglang kabig si Oyo ah! Natauhan siguro kasi wala naman sa lugar yung mga sinabi niya. Yes, you are the child..pero tatay mo pa rin iyon..saka kung ikaw nga ang tatay mo hindi nagsasalita ng masama tungkol sa iyo or sa mga naging girlfriends mo, past relationship or current kahit ilang interview pa ang ginagawa sa iyo. Vic didn't speak ill about your current wife when once asked na kasal ito at ang daming milagro..ang sagot ng tatay mo is..kung saan maligaya ang anak ko at walang tinatapakan..masaya siya at suportado niya. Yet, ikaw, tinira mo yung gusto ng tatay mo. Ang daming nagagalit kay Vic and Pauleen..they are both single, ano ngayon kung ang layo ng edad...let them be. They are single, adult na si Pauleen, and you only live once..so let them live their lives kung saan sila maligaya as long as hindi krimen ang ginagawa nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  pinaypayko

    02/03/2012 | 08:30 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  kapuso20

    02/03/2012 | 08:26 AM
    Baka naman nag usap na sila or sinabi ni Vic na pampalipas oras lang si Pauleen. Libangan hanggang sa magsawa sya. Then, hanap ulit, marami naman sa Eat Bulaga na puedeng pampalit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  kapuso20

    02/03/2012 | 08:22 AM
    Niligawan din ni Vic yong Brazilian,si Daiana,nabasted sya. Si Kristine type rin ni Vic noong ginagawa ang OK Ka Fairy Movie,nauhahan lang sya ni Oyo Boy. Role model si Vic Sotto,baka 80 years old magpakasal na sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  kadabarkads

    02/03/2012 | 05:13 AM
    You have to. May choice kba? Buhay ng Tatay mo yun at alam nya ang ginagawa nya no?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  fairyfae

    02/03/2012 | 02:21 AM
    nakakasuka na ung EB sila sila nalang nagpapatusan...eeeewwwww
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  liwayway

    02/03/2012 | 02:03 AM
    oyo is backpedaling after nagtweet ng kung anu-ano. ngayon biglang okey lang. better be sure where you stand before commenting next time.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  rhiamags

    02/03/2012 | 01:15 AM
    marklapid no.4 LOL naman kay jilian! ewwwww!!! pero pwede, posible. pag 18 na, kanya-kanya na yan! ayieeeee!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • inquiry

    02/03/2012 | 12:39 AM
    It is so sad to see that Vic Sotto can only find love within the Eat Bulaga staff. He is rich, talented and good looking but why he can only find women in the Eat Bulaga circle, it is probably puzzling a lot of people including myself. A lot of people are probably betting it is not going to last kung totoo nga na may relasyon sila. Anak na nya almost si Pauleen.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • slickchick02

    02/02/2012 | 10:53 PM
    now i aint sayin she a gold dig ger but she aint messin with no broke bro get down girl, go head get down 2x ... wala lang napakanta lang lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mafi_muk

    02/02/2012 | 09:21 PM
    dapat lumagay ka vic sa ayos.mapag samantala ka rin e.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aussiebitch

    02/02/2012 | 06:17 PM
    si Bossing mas marami ang pera kaya maraming babae ang naghahabol sa kanya for financial security...Bow!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    02/02/2012 | 02:55 PM
    wala na kayong pakialam doon kung sakali man nagkagustuhan si bossing and pauleen. hindi naman ninyo kayang ibigay ang kaligayahan ni bossing kay pauleen. sabi nga ni bossing binata siya at dalaga naman si pauleen o ano pa ang issue doon. dahil bata si pauleen eh di dapat usigin din si dolphy dahil 23 din si zsa zsa nang maging sila. kaya walang pakialam ang mga tao kung sakali man nagkagustuhan silang dalawa. inggit lang kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MarkLapid

    02/02/2012 | 02:51 PM
    Mahirap magkaroon ng magulang na nagmumurang kamatis. Mas bagay kay Vic si Ai ai, parehong size ng chin.Ingat ka Jilian,ikaw ang susunod ,pinapalaki lang ni Enteng.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kewl

    02/02/2012 | 02:45 PM
    normal lang naman na maging awkward si oyo sa vic-pauleen "relationship" kasi they're like a family sa EB. who would have thought di ba? vic-pauleen??? e kahit mga viewers nagulat sa balitang yun e...kasi nga mas bata pa si pauleen kesa kay oyo. tapos recent ex pa ni vic si pia, tapos magkakasama pa din sila sa show...parang awkward talaga..naiirita din ako kaya hindi na ko masyadong nanonood. i only watch now coz of jose and wally hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About