"Ako, na-experience [ko] sa isang network," salaysay ni Jay.
Nang pahulaan kung GMA-7 ba ito o ABS-CBN, tumangging sumagot ang aktor.
"Hindi, na-experience ko sa isang network... Kinol-time ako ako ng 8 o'clock ng umaga, kinunan ako ng alas-dos ng madaling-araw. Tama ba yun?
"Imbes na may ginagawa ka sa buong araw, wala ka nang nagawa.
"Ang ginawa ko, matulog nang matulog, gumising, kumain. Gigisingin ka para kumain.
"Anong nangyari nung ginising ako, nakunan na ako. Na-realize ko, isa lang pala ang eksena ko, 'Hindi n'yo pa ako kinunan?'
"Nagwala ako! In a sense na yung polo na pinasuot sa akin, ginanun ko, nagtalsikan yung mga butones. Hinubad ko, tinapon ko."
KAPAMILYA NETWORK? Sa kakapilit, nakumbinse rin si Jay na sabihin kung anong network ang tinutukoy niya.
"Ang tagal na no'n, e... sa ABS-CBN pa," pag-amin niya.
"Kaya kung yun ang sinasabi nilang ang hirap katrabaho, may tantrums na ako...
"Kasi kahit kayo, ikaw, gawan kita ng hindi maganda... like yung ganun, napaka-inconsiderate, maiinis ka, e.
"Pero ginagawa ko naman ang trabaho ko, e.
"Kahit anong ipagawa nila sa akin, kahit lumakad ako sa bubog, gagawin ko, e," paglalabas niya ng saloobin.
Matapos ang insidente, nakagawa naman daw uli ng proyekto si Jay sa Kapamilya network.
"Wala namang problema, tapos na yun. Yung nangyari, tapos na.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
14 TigerPack
13 Caj
12 gmabs27
11 SimonLaplace1
10 MissHugoBacungan
9 Caj
8 hotmomma15
7 fern1710
6 magsasaka
5 chikorita_pikachu
4 merlion_25
3 agusanonko
2 ashsss
1 jakar