features

GMA-7 PR officer: "There is no negotiation going on between GMA and Mr. Pangilinan regarding the latter's acquisition of GMA-7"; MVP keeps mum

by Joyce Jimenez posted on June 15, 2012  STATS: 2944 Views | 654 Comments

Manny Pangilinan (in photo), according to current business buzz, is negotiating with the big bosses of GMA-7 to buy the Kapuso network.

Photo By: Noel Orsal

Mainit na usap-usapan sa iba't ibang social networking sites ang balitang bibilhin ni businessman Manny Pangilinan ang GMA-7 Network.

Si Manny V. Pangilinan, o mas kilala bilang MVP, ang bumili noong nakaraang taon sa TV5, ang dating Associated Broadcasting Company (ABC 5), na pagmamay-ari ni Antonio "Tonyboy" Cojuangco.

Sinasabing may investments din si MVP sa ilan pang media establishments, gaya ng Philippine Star at Philippine Daily Inquirer.

At nito nga ay nababalitang gusto naman niyang bilhin ang Kapuso network, na sinasabing No. 1 or No. 2 television station ng bansa, depende sa kung sino ang nagbibidá.

Ang pinakamahigpit na kalaban ng Kapuso network (GMA-7) sa ratings at income ay ang Kapamilya network (ABS-CBN) ng mga Lopez. Ang Kapatid network (TV5) ay sinasabing third major player naman.

Ayon sa everythinginbudget.com, isang nagpapakilalang "marketing website," nakikipag-negosasyon sa kasalukuyan si MVP kina Atty. Felipe Gozon, GMA-7 chairman and CEO; Gilberto Duavit, Jr., GMA-7 president and COO; at Joel Marcelo Jimenez, GMA-7 board director.

Ito raw ay para bilhin ang GMA Network sa halagang "500 bilyong piso."

Gayunman, hindi pa raw natatapos ang negosasyon dahil ang ilang stockholders daw ay naghihintay ng mas maganda pang offer mula kay MVP.

Ayon naman sa sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), totoong may negosasyong nagaganap sa pagitan ni MVP at ng tatlong pamilyang may majority stocks sa GMA-7, ngunit di hamak daw na mas mababa ang offer sa table.

Nasa bilyones din daw ito, ngunit malayong-malayo raw sa 500 billion pesos.

RUFFA'S TWEETS. Tinatayang nagsimula ang usap-usapan nang mag-tweet sa kanyang Twitter account si Ruffa Gutierrez, isang TV5 talent, tungkol sa isang diumano'y "confirmed" property na bibilhin ni MVP.

Ayon sa kanyang post noong Disyembre 25, "Guess what MVP is buying next?? Found out last week through a little birdy but the few people I told didn't believe me. Now its CONFIRMEDDD."

Matapos ng post na ito'y wala nang sinabi tungkol sa isyu si Ruffa, hanggang sa kumalat na ang usap-usapan na ang Kapuso network ang binibiling property ni MVP.

Ngunit ngayong araw, Disyembre 27, bandang alas dos ng hapon, may pahabol si Ruffa sa pamamagitan muli ng Twitter, na wala raw siyang binanggit sa kung ano ang bibilhing property ni MVP.

Aniya, "READ my tweet again. I never confirmed what MVP is buying! Kaya sa mga assuming, don't put words in my mouth. Yes and that includes you!"

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

654 Comments

  • 454  tfcqatarno1

    12/28/2011 | 05:17 PM
    kung si angel locsin ay ang naging partner ni bong sigurado ako na no. 1 ang panday. si angel pa rin kasi ang pinakasikat na artista sa pilipinas at sa ibang bansa via tfc...mam charo huwag niyo po pbayaan si angel kasi napakagaling nya na artiista baka lilipat siya sa tv5 wala na kayong makikita na kagaya ni angel kaganda at kasekse at kasikat...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 453  kapusodbest

    12/28/2011 | 05:11 PM
    dmdaisy dun ka magcomment sa mmff na article para makarelate yung mga nagkucomment, ibang topic ito, sa inyo na nga mga movies, concerts, recordings etc. but still the reality that abs cannot cover their ballooning debts with these so called blockbuster echos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 452  kapusodbest

    12/28/2011 | 05:06 PM
    ganyan naman talaga mga kapampam magcomment pag talo sa article na pinag uusapan kung ano ano pinagsasabi out of context
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 451  steelwings

    12/28/2011 | 05:04 PM
    ANONG CONNECT NG MMFF Movie Grosses sa article na ito??? Hahahhaahhhahah! Kung babasahin nyo mga comments ng ABSCBN fans, pag napapahiya na sila sa issue, ibang story naman ibabandera nila, ililigaw ka sa article na ito! hahahahah! Napaka desperado magcomment mga ABSCBBN fans! eeeeeewww!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 450  kapusodbest

    12/28/2011 | 05:03 PM
    malakas pala kumita yang star cinema eh bakit pa kailangan makpag co-produce sa other film outfit, si bossing kaya yan, talagang mag na number 1 as expected at si bossing din ang buong eb dabarkads ang nagpapalugi sa abs, kawawang hyy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 449  alexangel

    12/28/2011 | 05:03 PM
    batasau, bili na kayo ng luging station! mura lang. buy one take all. including the utang. LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 448  steelwings

    12/28/2011 | 05:02 PM
    Iwas issue, mga ABSCBN fans, KURYENTE kayo noh?? Hindi for sale ang kapuso network! hahhahaha! hahhahaha! Pansinin nyo ngun mga comments nila, napunta sa MMFF! hahahahahha! ganyan ba talaga style ng ABSCBN fans sa pagcomment? Pag na sopla na sila sa article na ito, ida divert sa ibang issue! ahhahhahahahah! TOINKS!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 447  steelwings

    12/28/2011 | 05:00 PM
    ABSCBN fans lang ang hindi makapag move on sa issue na ito. Naglabas na ng statement ang dalawang panig pero hanggang ngun, ABSCBN fans keep posting malicious interpretation of this article. KAWAWA NAMAN KAYO.. Sana ipost dito sa PEP ung kinita ng ABSCBN, the FINANCIAL REPORT 2011! BWAHAHAHAHHAHHAH!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 446  kapusodbest

    12/28/2011 | 04:59 PM
    marami na naman bitter ditong kapampam hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 445  Speed_OfLight

    12/28/2011 | 04:56 PM
    Pedz, musta pasko mo? parang wala namang nag-bago sa pag-uugali mo ah. Ha Ha Ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 444  batasau

    12/28/2011 | 04:56 PM
    Bili na kayo ng number one station! LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 443  alexangel

    12/28/2011 | 04:54 PM
    the very reason why gma news and current affairs is credible and can brag the 'walang kinikilingan, walang pinpoprotektahan' is because they don't have so many subsidiaries outside broadcasting. walang monopoly ika nga unlike ang dos at etong si PANGIL-inan gusto angkinin lahat. GANID ang tawag dun. LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 442  shingaling20

    12/28/2011 | 04:52 PM
    ows..hindi nga..abangan ang susunod na kabanata...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 441  Pedrohh

    12/28/2011 | 04:52 PM
    number 431... TAMA ka hahahahah ang laki ng agwat 40MIllion in 3 Days at baka maungusan pa ng Segunda Manu ang PAnday pasok mga fans ni Mariane kaya cguro dahil yan kay Mariane ang laki ng agwat ang fans kasi ni amriane puro sat sat di marunong mag suporta sa idol nila waala cgurong pera majority mga atsay hehehehe sa darating na araw ang segunda manu na mag number 2,, magkatotototo talaga ang wish ni Kristita go go go Kristita sobrang generous mo kaya madami blessing sayo hehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 440  alexangel

    12/28/2011 | 04:51 PM
    kuryenteng balita. kala yata ni mvp mabibili nya lahat. buti na lang ang kapuso station di nagpasilaw sa kayamanan nya. LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 439  shingaling20

    12/28/2011 | 04:49 PM
    palugi na ang number 1 station kuno? what?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 438  shingaling20

    12/28/2011 | 04:48 PM
    talaga namang di kilala ang mga artist ng gma..sa party pilipinas nga may pangalan pa ng performer na pinapakita..mag nametag na lang kayo,sabit sa leeg.....hahahahah..kaya ayan, lugi..ang number 1 station kuno ay 4 sale..paulit ulet?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 437  batasau

    12/28/2011 | 04:44 PM
    Kapuso claim na number one sila so bakit may balitang ganito?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 436  hit_d_way_u_lye

    12/28/2011 | 04:32 PM
    Dapat bargain nalang..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 435  batasau

    12/28/2011 | 04:30 PM
    Asa ka pa! hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About