features

Annabelle Rama and Amalia Fuentes make a scene at wake of Joey Stevens; Annabelle reveals issue with Gloria Diaz

by Gorgy Rula posted on June 15, 2012  STATS: 15724 Views | 206 Comments

Annabelle Rama is in the news again because of her feud with former movie queen Amalia Fuentes (inset, top) and former Miss Universe Gloria Diaz (inset, bottom).

Photo By: Noel Orsal / Rodel Fernando

May nagparating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon daw ng gulo nang dumating si Annabelle Rama sa Misa para sa libing ni Joey Stevens na ginanap sa chapel ng Santuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati kaninang umaga, April 3.

Si Joey Stevens ang estranged husband ng dating movie queen na si Amalia Fuentes.

Ayon sa source ng PEP, "pula" raw ang suot na damit ni Annabelle nang dumating doon para dumalo sa misa.

Pinalayas daw si Annabelle ni Amalia na galit na galit nang nakita ang talent manager.

Nagkaroon daw ng mainit na pagtatalo sina Amalia at Annabelle sa gitna ng Misa.

Hindi raw umalis si Annabelle at sinabi lang daw nitong pumunta siya roon para sa patay.

ANNABELLE’S STORY. Agad tinawagan ng PEP si Annabelle para kumpirmahin ang naturang insidente.

Noong una, hindi ito sumasagot. Pero ilang sandali lang, tumawag ang talent manager para magpaliwanag kung ano ang aniya’y “totoong nangyari.”

Simulang kuwento ni Annabelle; “May ka-meeting ako, ‘Dong, sa Rustan’s [Makati] sa may Starbucks.

“Tapos na ang meeting ko, tumawid lang ako ng simbahan, kasi hindi pa ako nakapagsimba.

“Ewan ko, bakit parang dinala yung paa ko pakaliwa.

“Sabi sa akin ng guard dun, last day na raw ni Joey, may Misa raw. Ililibing na siya.

“Pumasok ako para magdasal lang. Mag-light ng candle.

“Wala naman talaga akong balak na pumunta, pero naisip ko puntahan ko na lang kasi kaibigan ko naman si Joey.

“Bago siya namatay, nagkita pa kami sa Greenhills, nag-usap pa kami, e.”

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

206 Comments

  • 126  rhapsody123

    04/05/2012 | 03:59 AM
    As I mentioned wala akong pinapanigan sa kanila pero kung ang showbiz status ang paguusapan, hindi sila comparable . Amalia was a superstar during her days together with Susan Roces. Si Anabel tutuo namang starlet siya at may mga movies siyang bomba ,kaya nga tinawag siyang bomba star. |Sa beauty naman ,malayong malayo talaga si Anabel sa beauty ni Amalia. Kung ang issue ay ugali , mas masama ang ugali ni Amalia . pareho silang fighter at prangka, pero mas iskandalosa si Anabel . Sa inggit factor, parang mas marami diyan si Amalia. Humble si Amalia at down to eath compared to Anabel. Masyadong class conscious at materialistic si Anabel samantalang si Amalia, wala sa kanya ang pa class class, kaya siya yumaman ng husto dahil masinop at simple lang na mga bagay ang hilig niya. Walang ere . Maraming kaaway si Amalia within her family, mga kapatid, anak, son in law , kahit gf ng pamangkin ,bayaw etc. At least hindi ganyan si Annbel . Ngayon sino sa kanila ang kampihan niyo?Sa pula or sa puti? LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  isogbastabisaya

    04/05/2012 | 03:55 AM
    naku, yung iba dito hinahamak-hamak pa yung pagtitinda ng kaldero nina anabil sa US...di nila ikinahiya yun ano? at least, nakaraos silang magpamilya at ngayon may may marami na silang properties...hindi nangungupahan ng bahay....ang ganda nga ng bahay nina anabil at eddie..yung lumalait kay anabil...baka naman kahit isang gulong ng kotse o ng bisekleta wala kayo...bwahahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  isogbastabisaya

    04/05/2012 | 03:43 AM
    ay naku...basta kami dito sa cebu....kay anabil kami.....suportado namin sya.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  rhapsody123

    04/05/2012 | 03:43 AM
    Si Amalia ang pinakamaganda sa kanilang lahat. Malayo ang beauty ni Anabel kay Amalia. More than 10 years yata and difference ng edad nila pero halata na mas maganda si Amalia kahit may edad na. Wala akong pinapanigan sa kanila pero sa tingin ko lang, tama lang na magalit si Anabel kay Amalia. Nakikialam kasi si Amalia sa away nila ni Nadia, samantalang wala namang ginawa si Anabel kay Amalia, kay Daizy at kay Gloria Diaz. Si Annabelle bungagera lang at iskandalosa , pero galit lang siya sa mga taong inuunahan siya. Kahit isa-isahin niyo ang mga taong kaaway ni Anabel, silang lahat may atraso sa kanya bago siya nagalit sa kanila. Ayaw lang ni Anabel na tapakan siya .Hindi niya inaaway ang mga taong walang ginawang masama sa kanya. Si Amalia, ang daming ginawang ingtriga sa pamilya niya, anak niya na si Liezl na may sakit na cancer , si Aga at mga gf ni Aga noon, mga katulong niya na minaltrato niya ,pati na ang mga Pinoy na TNT sa States sinumbong niya noong nandoon siya . Maldita talaga yan si Amalia. Hindi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  isogbastabisaya

    04/05/2012 | 03:41 AM
    naku....si manoy eeddie ay marami na yang datung..ang dami nga niyang nagawang pelikula na ngayon ay pinalabas na sa tv, marami na yang ipon at saka may business naman silang mag-asawa. yubng nagsabi na bomba queen si manay anabil...maglabas nga kayo ng ebidensya...anong pamagat ba ng pelikula na syay naghuhubad ha? paseksi oo pero hindi sya naghuhubad no? iisa nga lang nagawa nyang pelikula ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  Syete

    04/05/2012 | 03:14 AM
    echos, so nauna pala yung pangyayari kay Gloria then sa misa.. hindi kaya sinadya nya lang yon... hay nako day
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  milomilo123

    04/05/2012 | 03:03 AM
    talaga namang hamak na mas maganda si anabel kay sa tatlong babae na si amalia, daisy at gloria...Palibhasa si anabel laging diniligan at permanenteng nadiligan samantala yong tatlo kahit latak wala na. whhhhhhhaaaaaaaa... My advice to Anable ...wear all red.. red shoes, red bag, red jewelries, lahat red DAY.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  leenavi

    04/05/2012 | 02:46 AM
    Teka, naguguluhan ako, bakit si Amalia ang bumibida diyan sa burol ? Didi ba matagal na silang hiwalay ni Joey? Di ba galit na galit siya kay Joey? Mayroon pa nga demandahan? Ang alam ko ang kasama ni Joey yung taga Cebu? Ano to? another Aleli and Grace part II just with different chararcters?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  pearl102

    04/05/2012 | 02:43 AM
    115 2psinapod 04/05/2012 | 02:17 AM Yuck, yuck, yuck. Annabelle's prince charming has no backbone. Sasabihin pang naiinggit ang mga kaaway niya. Sa kanya na lang si Mr. The bomba queen and the spineless jelly fish.------------LOL agree ako dito...may pagmamanahan naman pala si Ramonchito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  bumbum

    04/05/2012 | 02:27 AM
    GO, GO, GO, TEAM ANABELLE!!! MATIRA ANG MATIBAY!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  2psinapod

    04/05/2012 | 02:19 AM
    Mayroon naman palang pinagmanahan si Ruffa sa pagiging palaaway. Pati sa pag tweet at pag text, mana sa ina.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  2psinapod

    04/05/2012 | 02:17 AM
    Yuck, yuck, yuck. Annabelle's prince charming has no backbone. Sasabihin pang naiinggit ang mga kaaway niya. Sa kanya na lang si Mr. The bomba queen and the spineless jelly fish.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  bumbum

    04/05/2012 | 02:17 AM
    KAHIT NA BOMBA STAR NUN SI ANABELLE EH ASENSADO NAMAN NGAYON!! DI TULAD NI AMALIA NA PATI PAMILYA HINDI MAKASUNDO!!! BUTI PA SI BISAYA AT MAHAL NG MGA ANAK NIYA, SI AMALIA WAWA!!! KAHIT NA SINO ANG PUMUNTA SA BUROL KAHIT PA KAGALIT MO DAPAT LANG NA TANGGAPIN MO. TIGNAN MO NGA ANG MGA AQUINO'S NON NAMATAY SI EX PRES. CORAZON AQUINO AT PUMUNTA ANG MGA MARCOS CLAN PINATULOY NILA AT ENISTIMA PA!! IBA TALAGA PAG MAY CLASS ANG PAMILYA, HINDI MANG-IINSULTO AT MAGPAPAALIS NG TAO!!! TEAM RED AKO!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  fecatada

    04/05/2012 | 02:13 AM
    Bakit kaya mga pinay pag-inggit sa kapwa siraan agad mga pinay din d2 sa abroad ganyan pagtulungan ka eh mga pangit naman haha mas lalo mga from hong kong tapes nag_asawa Kano ewwwwwwwww....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  fecatada

    04/05/2012 | 02:10 AM
    In fairness mas pretty tingnan si Annabelle kaysa Kay Gloria Diaz at amalia may belo kasi si cebuana in fairness mas younger siya tingnan din.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  bumbum

    04/05/2012 | 02:09 AM
    HAY NAKU!!! TEAM BISAYA AKO KASI FAVORITE KO ANG RED!!! LOL!! INGGIT TALAGA SI AMALIA DAHIL PATI ANAK NYA DI KAMPI SA KANYA!! PATI NGA MANUGANG NYANG SI ALBERT MARTINEZ EH DI PA RIN NYA TANGGAP PARA SA ANAK NYA!! BAKIT HANGGANG NGAYONG DI PA RIN BATI ANG MAG-INA??? TSAKA PATI NGA SI AGA NA PAMANGKIN NYA KAAWAY PA NYA!!! KAYA LANG YUMAMAN SI AMALIA KASI DAHIL KAY JOEY, SI JOEY NA DATING TUTA NI MARCOS!!! ANG MGA IBA KASI DITO HINDI PA PINANGANAK NON KAPANAHUNAN NI AMALIA KAYA DI ALAM ANG HISTORY!!! SAKA DI AKO BINIGYAN NG LITSON NI BISAYA...CHANEL BAG!!! LOL!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  fecatada

    04/05/2012 | 02:05 AM
    Mas rich si amalia Pero sa family rich si Annabelle doon na ako Kay Annabelle family oriented person like me.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 109  jojomlndz

    04/05/2012 | 01:35 AM
    the Movie Queen vs the Bomba star! Sa totoo lang matagal ng me mga patusada si Annabelle in print at sa mga interviews sa tv against Amalia. So talagang sinungaling ang Annabelle to say that she has nothing against Amalia. Sya actually nagpasimula ng away na ito. Ang pride ng bomba star is pinakasalan daw sya ng spineless at almost jobless na si Eddie Guiterrez. Bakit naman mainggit sa kanya ang Movie Queen. Good for her at pinakasalan sya ni Eddie. Wala naman iba ng magpapakasal na matino sa isang bomba star na kilalang Madam ngayon. Swerte nya kay Eddie, certifed PAL. Happy naman sya for sure na buhayin ang laos na matinee idol. Di ba ayaw raw nya ng mga PAL as in palamunin. Pero kung ako kay Amalia di nya dapat patulan ang chipipay na Madam!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  marimaris8

    04/05/2012 | 01:34 AM
    104 alexis2222: you're right. annabel made a statement before that amalia, gloria and daisy were already mga laos at naiinggit sa kanya ngayon dahil sa kalagayan niya. magaling manggalit si annabel at yung pagpunta niya sa burol with matching colored attire ay sinadya yon at duda ko wala namang meeting meeting na sinasabi si bisaya. ikaw ba naman alam mong suko hanggang langit ang galit sa yo ng tao magpapakita ka pa? alam ni bisaya yon na magagalit si amalia para makuha niya ang sympathy ng tao. there was a statement i read 2 days ago that amalia said, quote - at least hindi ako nagbenta ng laman - unqoute.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  EdinburgU

    04/05/2012 | 12:12 AM
    I met a lot of cool people in PH. I hope that this kind of superiority complex will stop, and people will learn to respect other people and will not use their position or money to put others down.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About