Isang real-life drama ang nasaksihan ng mga residente ng 5th district ng Negros Occidental kahapon, March 6.
Nagpang-abot sa St. Mary Magdalene Church ng Hinigaran town sina Aleli Arroyo at Grace Ibuna—ang mga "biyuda" ni Congressman Iggy Arroyo.
Naunang dumating sa Hinigaran si Grace noong Lunes ng gabi, March 5, dahil siya ang naghatid sa labi ni Iggy, na ibinurol ng isang araw sa nasabing bayan.
Kahapon, ang legal wife ng yumaong kongresista na si Aleli at ang kanilang anak na si Alelu naman ang sumipot sa simbahan.
Nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng kampo nina Grace at Aleli, pero naging civil sila dahil parang hindi nila nakita ang isa't isa.
Nakapuwesto si Grace sa front left side ng simbahan at naupo naman ang mag-inang Aleli at Alelu sa front right side ng altar.
"IISA LANG ANG ASAWA." Matalim ang mga naging pahayag ni Aleli tungkol sa pagtatagpo nila ni Grace sa burol ng kanyang asawa sa simbahan.
"May mga untoward incident na nangyari noong mga last few days na hindi nagustuhan ng anak ko," pahayag ni Aleli sa panayam sa kanya ng mga nakabantay na media.
Pinilit daw ni Aleli na magpakatatag at huwag magalit dahil, para sa kanya, simbolo ng "evil" ang pagpapakita ng galit.
Aniya, "It's a sign of evil when you try to encourage anger.
"We are here to really respect the congressman.
"Hindi na importante kung sino ang may hawak ng katawan dahil ang katawan, e, physical.
"In Catholicism, there's only one wife. Iisa lang po ang asawa.
"Hindi ko po alam kung bakit meron pang pinagsasabing iba.
"Marami ho na umeeksena. Hindi ho kami sanay sa mga umeeksena.
"Ang gusto lang namin, e, ipagdasal ang husband ko."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
85 reynaprincesa
84 pearl102
83 pinay_i2
82 reynaprincesa
81 reynaprincesa
80 chicago60625
79 chicago60625
78 Prd2bpnay8
77 thenameisjen30
76 pinktiger
75 pinktiger
74 rhyeph_bgh
73 liwayway
72 pearl102
71 pearl102
70 pearl102
69 thenameisjen30
68 gummybears6
67 thenameisjen30
66 bananakiller00
more comments