features

Aleli Arroyo and Grace Ibuna snub each other at Congressman Iggy Arroyo's wake in Negros Occidental

by Jojo Gabinete posted on June 17, 2012  STATS: 5991 Views | 125 Comments

 

Grace Ibuna (left) and Aleli Arroyo (right) cross paths at Congressman Iggy Arroyo's wake at the St. Mary Magdalene Church in Hinigaran, Negros Occidental, yesterday, March 6. But the two women acted as if they did not see each other.

Photo By: Garrie Concecion / Screen grab from ABS-CBN

Isang real-life drama ang nasaksihan ng mga residente ng 5th district ng Negros Occidental kahapon, March 6.

Nagpang-abot sa St. Mary Magdalene Church ng Hinigaran town sina Aleli Arroyo at Grace Ibuna—ang mga "biyuda" ni Congressman Iggy Arroyo.

Naunang dumating sa Hinigaran si Grace noong Lunes ng gabi, March 5, dahil siya ang naghatid sa labi ni Iggy, na ibinurol ng isang araw sa nasabing bayan.

Kahapon, ang legal wife ng yumaong kongresista na si Aleli at ang kanilang anak na si Alelu naman ang sumipot sa simbahan.

Nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng kampo nina Grace at Aleli, pero naging civil sila dahil parang hindi nila nakita ang isa't isa.

Nakapuwesto si Grace sa front left side ng simbahan at naupo naman ang mag-inang Aleli at Alelu sa front right side ng altar.


"IISA LANG ANG ASAWA." Matalim ang mga naging pahayag ni Aleli tungkol sa pagtatagpo nila ni Grace sa burol ng kanyang asawa sa simbahan.

"May mga untoward incident na nangyari noong mga last few days na hindi nagustuhan ng anak ko," pahayag ni Aleli sa panayam sa kanya ng mga nakabantay na media.

Pinilit daw ni Aleli na magpakatatag at huwag magalit dahil, para sa kanya, simbolo ng "evil" ang pagpapakita ng galit.

Aniya, "It's a sign of evil when you try to encourage anger.

"We are here to really respect the congressman.

"Hindi na importante kung sino ang may hawak ng katawan dahil ang katawan, e, physical.

"In Catholicism, there's only one wife. Iisa lang po ang asawa.

"Hindi ko po alam kung bakit meron pang pinagsasabing iba.

"Marami ho na umeeksena. Hindi ho kami sanay sa mga umeeksena.

"Ang gusto lang namin, e, ipagdasal ang husband ko."

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

125 Comments

  • 25  pepay

    03/07/2012 | 06:29 AM
    Ang kawawa si Grace at mga anak nya. Nakikisawsaw na lang parati. Pakapalan ang drama sa buhay. Being the other woman is bad enough, makikipag agawan pa sa public.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  MissHugoBacungan

    03/07/2012 | 06:12 AM
    LAST NAME SAYS IT ALL. Aleli Arroyo versus Grace Ibuna over Iggy Arroyo. Other than Iggy, who else uses Arroyo as the last name? So obvious, isn't it.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  acdc_rafa

    03/07/2012 | 06:09 AM
    Mag bigay na lang sila ng respeto sa isat isa kung si grace ang pinkasamahan na niya ok lang pero may right din yung aleli kahit hiwalay sila alang alng din sa anak nila kaya kapwa respeto dapat at sa kayamanan na iniwan nakaw na yaman namn yan may kaakibat na karma jan ayan na nag uumpisa na dami ng babae jan mo makita kung anong klase ng tao itong namatay mag nanakaw na ganyan pa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  ClawClown

    03/07/2012 | 05:48 AM
    PEP, halata kinikilingan nyo si Grace base sa pictures. Palitan nyo iyan, di taman na yung pangit na anggulo ilalagay nyo samantalang yung kay Grace eh poised, nakaharap at nakangiti sa camera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  ClawClown

    03/07/2012 | 05:44 AM
    Okay na at expected naman na di talaga magpapansinan yung dalawang babae sa buhay ni Jose Pidal. Pero, juice ko naman, bakit kailangang umeksena itong si Garie? Natural lang na mainis yung tunay na anak ni Iggy. Bad taste yun, Garie, alam mo namang labis na ang tensyon sa tnay na asawa at sa live-in lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  javakula

    03/07/2012 | 05:35 AM
    Wow, Pep got a new look. Need to get used to it but so far it is looking good!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  javakula

    03/07/2012 | 05:30 AM
    Team Grace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  gibraltar

    03/07/2012 | 04:56 AM
    Mukha naman talagang pang other woman ang hitsura nitong si Grace. I wonder kung kasal siya sa tatay ng 2 younger children niya. Parehong matapang ang apog nito at anak niyang si Garrie. I would'nt be surprised if her relationship with Iggy was the cause of the break up of Aleli's and Iggy's marriage. If Grace truly loves Iggy, sana maging discreet na lang siya sa burol nito at hindi umaarteng para siya talaga ang asawa, kahit pa sabihing she took care of him for obvious reason naman. May diperensya din ang mga nag organized ng necrological service na mga teachers pa yata dahil si Grace pa ang pinagsalita nila gayong hindi naman siya totoong asawa. Kung wala doon si Aleli sana mga kapatid at close relatives na lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  soundmind

    03/07/2012 | 04:41 AM
    A bully needs her victim to be a bully to be effective. Grace is smart not to give in to the jibes of Aleli and her camp. This makes them Aleli more frustrated and angry that's why they couldn't shut up.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  jagjof

    03/07/2012 | 03:36 AM
    Kung sino man ang project manager, UI designer at ng system designer ng bagong anyo ng PEP ay hindi kumunsulta sa business users nito... ....Simpify....simplify....simplify.......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  milomilo123

    03/07/2012 | 03:28 AM
    BEST ACTRESS ALELI ARROYO, BEST SUPPORTING ACTRESS..LORNA KAPUNAN
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  wilfredonggago

    03/07/2012 | 03:28 AM
    Mayaman ang pamilya ni Grace Ibuna, may sariling kabuhayan at may mga negosyo family niya sa US. With or without Iggy, may pera ito, si Gabby nga nung Sharon's time tumatakbo dito kay Grace dahil sa pera ni Grace. Ganun lang talaga si Grace, kabetsing kung kabetsing talaga pero pag nagmahal to kesehoda wala talagang prinsipyo. Love na love talaga niya si Iggy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  wilfredonggago

    03/07/2012 | 03:24 AM
    Galing ng bagong look and feel ng PEP. Love it!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  wilfredonggago

    03/07/2012 | 03:24 AM
    ha ha ha. kakaloka naman kasi yung mga face-off na pictures ng PEP. Sino naman ang mag-ko-comment ng maganda about Aleli kung ganyan ang picture niya na naka-post? Parang umiire na ewan. ha ha ha. Tapos yung kay Grace naman super poised na pang-print-ad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pearl102

    03/07/2012 | 03:19 AM
    Kahit na nakaayos itong si Grace Ibuna, mukha pa rin siyang lalaki na naglagay lang ng make up. Oh wala na si Pidal pero masayang masaya itong isang ito kasi napasakanya ang nahuthot ng mga Arroyos sa gobyerno..tiyak iyan hahanap na naman ng ibang matabang isda. Ang buhay talaga ng tao mahiwaga, meron talagang taong ipinanganak na hanggang kebitski na lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Kikay2011

    03/07/2012 | 03:05 AM
    Oo nga Noh un legal wife kc ndi inalagaan un asawa Nya Tapoz Matagal na pla nag file ng annulment itong mag asawa NASA processing pa Lang pla bgo ito naman c grace ndi pa pala annul pumatol na agad sa married man umeksena pa sa burol pati itong garie which is ndi naman tunay na anak but the point here is un pera at Mga ari Arian ni iggy arroyo ang habol nila dito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • spryperk

    03/07/2012 | 02:58 AM
    ang teleserye ng totoong buhay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • inlove_408

    03/07/2012 | 02:21 AM
    Kahit na in the process na ang annullment legally aleli is still the legal wife. Hindi pa naman na grant kaya may karapatan pa rin si Aleli na mag taray kay grace the other woman. Si Garie naman may pakanta kanta pa eh dapat moment yun ng mga anak. Hindi naman sya anak in the first place. My goodness gracious. Granted na Garie is close with Mr Pidal pwede nman syang mag grieve ng tahimik and magdasal na lang hwag ng umeksena pa. The nerves!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mabs

    03/07/2012 | 02:09 AM
    Mag-inang Aleluya are lossers...wawa nmn kayo : daig nyo pa walang pinag-aralan. so pathetic!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    03/07/2012 | 02:07 AM
    sa hitsura nalang ni alelili talagang mapa alili ka....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About