Nagiging madaldal na muli si Katrina Halili.
Ibig sabihin, mas makuwento at mas nakikita nang at ease na siyang muli na makipag-usap sa entertainment press ngayon.
Simula kasi nang lumabas ang video scandal sa pagitan nila ni Hayden Kho noon, understandable na may nabago sa kanya sa pakikipag-usap lalo na sa media.
Pero sa nakaraang press conference ng My Beloved, mapapansin na unti-unti, bumabalik na ngang talaga ang dating Katrina na masayahin at makuwento.
Nagulat nga lang ito nang may magtanong nang diretso sa kanya kung naghahanap daw siya ng trabaho.
Sagot niya, "Oo, kanina, kanina lang ha. Kanina lang sabi ko, 'Uy, sama naman ako sa Pepito [Manaloto].' Bakit naman, bawal ba?"
Sa ibang network daw siya naghahanap?
"Ibang network? Saan? Ay, wala ah! May show pa ko. At saka, mag-i-start na 'to [My Beloved], maghahanap pa ko? Baka hindi ako yun."
Ang kontrata naman daw niya sa Kapuso network ay hanggang March na lang.
Nakangiti ito noong sinabi niya yun kaya sabi namin, bakit parang masaya siya?
Sinagot naman niya nang, "Siyempre another contract, bakit naman hindi ako magiging masaya, 'di ba? Basta, hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari."
Medyo matagal din daw kasi bago nasundan ang huling serye niya, ang Munting Heredera. Maaga kasing namatay ang character niya sa primetime series na noong isang linggo lang nag-finale.
"Ang tagal ko na rin nagti-taping for My Beloved, noong December pa. Ngayon lang kasi e-ere.
"Akala ko kasi, natanggal ako sa Munting Heredera for My Beloved na next year pa pala.
"Eh, hindi na nila ko binalik kasi, mataas ang rating nila, Joke!" natatawang sabi pa niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
24 gummybears6
23 BERNARD2010
22 grinandgiggles
21 pilyangmaganda
20 fANNEatic
19 carliebaby07
18 birtwal
17 pinaypinay
16 lovelike
15 lovelike
14 MarkLapid
13 Lokotoy
12 trinoma_rat
11 cy2
10 jakar
9 cy2
8 callcentergirl
7 Gorgeousmama_999
6 bujoywu
5 lefty
more comments