Eksklusibong nakapanayam ng Paparazzi Showbiz Exposed si Vicki Belo sa opening ng Mango Tree Restaurant sa The Fort, Taguig, noong March 27 na lumabas sa show, Sabado, March 31.
Ito marahil ang kauna-unahang interview na pinagbigyan ni Dra. Vicki matapos ang kontrobersiya na pumutok tungkol sa kanilang hiwalayan ni Hayden Kho Jr., may dalawang buwan na ang nakalipas.
Unang dumating sa naturang event si Hayden. Matapos ang mga isa’t kalahating oras, dumating naman si Dra. Belo kasama ang anak na si Cristalle Henares at boyfriend nitong miyembro ng Azkals na si Jason Sabio.
Parehong kaibigan ni Hayden at Vicki ang may-ari ng nasabing restaurant na nagmamay-ari din ng clothing line na Maldita kung saan isa sa mga endorsers ay ang pamosong ex-boyfriend ni ng cosmetic doctor.
RECOVERING. Kinumusta ng Paparazzi ang doktora. Tugon nito, “I’m better now…better, better now.
"Nakaka-recover na rin kahit papaano, pero nandito siya, nakita mo, so ngayon lang kami nagkita. Okay na kami.”
Nang dumating si Vicki sa venue ay agad na lumapit si Hayden at bumeso ito sa dating kasintahan. Matapos nito, muling lumayo si Hayden at si Vicki naman ay nakipagkuwentuhan sa maraming kaibigan na imbitado din sa naturang resto opening.
Second time na daw nila itong pagkikita, una na rito ang may kinalaman sa Belo Medical Group kung saan nagtatrabaho si Hayden bilang in charge sa ilang mga serbisyo ng clinic.
Kuwento pa ni Vicki, itinuon niya ang kanyang oras noong kasagsagan ng kontrobersiya sa pag-aaral sa ibang bansa ng mga bagong teknolohiya pagdating sa pagpapaganda upang makalimutan niya ang mga problemang dinadala.
Kuwento pa niya, “Lagi akong umaalis, hindi ako nagbabakasyon, nag-aaral ako or business because that’s the way I get over heartbreaks e.
"Kasi dito, masyadong maraming memories. Kahit saan ako tumingin.
"Pero pagdating doon, medyo bagong environment so nakaka-relax ako.”
EXPLAINING THE SILENCE. Noong mainit na mainit ang isyu sa kanila ni Hayden, naging tahimik ang doktora at walang pinagbigyan ng panayam. Bakit nga ba siya nanahimik noon?
Tugon nito, “Kasi out of respect, feeling ko, ayokong magsalita…I mean seven years din kaming nagsama, so ang gusto ko lang din talaga yung…and in fairness naman to Hayden, hindi naman siya nagsalita, parang ang pangit nung nag-aaway kami kapag depressed, so I thought it's better we keep quiet.”
Inisa-isa ding binigyang linaw ni Dra. Vicki ang tungkol sa mga taong nasasangkot sa kontrobersiya. Una na nga rito ang kanyang yoga instructor na si Al Galang.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
14 lanieguillen
13 brainfultoo
12 reynaprincesa
11 fecatada
10 rhiamags
9 chubbycrunch
8 showbizdak
7 topengga
6 almond143
5 Prd2bpnay8
4 puckerlips143
3 4627pw
2 milomilo123
1 bacobaco