features

Luis Manzano says he will press charges against the couple who tried to rob a cab driver working for him

by Allan Sancon posted on April 5, 2012  STATS: 539 Views | 30 Comments

Luis Manzano wants to forgive and forget. However, he says, “Eto yung sitwasyon ha…Hindi man lang nila [the couple] tinutukan ha. Ang holdap na ginawa nila ay hindi man lang sinabi na, 'Akin na yung pera mo.' Kundi, tinuluyan nila yung driver ko. At habang sinusubukan nung lalaki saksakin yung driver ko, sinisipa naman siya nung babae, ayon sa report ito nung driver ko ha."

Photo By: Allan Sancon


Kamakailan lang ay naharap sa malaking kontrobersiya ang TV host-actor na si Luis Manzano tungkol sa panghoholdap sa kanyang taxi driver. 

Noong nakaraang Linggo, Marso 25, ay lumabas sa Rated K ang mga suspek na mag-nobyo na humihingi ng tawad kay Luis dahil nagawa raw nila ang bagay na iyon dahil sa matinding pangangailangan.

Noong Marso 29, Huwebes, sa pangalawang presscon ng Moron 5 and the Crying Lady, na ginanap sa Citybest restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ay nakapanayam ng ilang press at ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis tungkol sa kaso.

Tinanong namin si Luis kung napanood niya ang apila ng mag-nobyong nagtangkang mang-holdap sa taxi driver niya.

Patatawarin ba niya ang mga ito?

“Oo, napanuod ko yun. Eto yung punto ko—kung sakaling patawarin ko silang dalawa, anong halimbawa ang ipapakita ko sa mga empleyado ko?

"Na hindi ko sila pino-protektahan?

"Nagtangka sila [yung mga suspek] sa kompanya ko, at higit sa lahat nagtangka sila sa empleyado ko," sabi ni Luis.

“Eto yung sitwasyon ha…Hindi man lang nila tinutukan, ha.

"Ang holdap na ginawa nila ay hindi man lang sinabi na, 'Akin na yung pera mo.'

"Kundi, tinuluyan nila yung driver ko! At habang sinusubukan nung lalaki saksakin yung driver ko, sinisipa naman siya nung babae, ayon sa report ito nung driver ko, ha."

Kung sana daw ay hindi nila ito "tinuluyan," ayon kay Luis.

"So, ang habol nila ay mapatay yung driver ko. Buti na lang napihit ng driver ko yung manibela kaya tumama sa trak.

"So, kung saka-sakali lang na patawarin ko sila, 'pinapakita ko na hindi ko pino-protektahan yung mga empleyado ko.

"Higit sa lahat, may pamilya yung driver ko. Ako, boss lang ako nung kumpanya at nung driver ko, e di ba tatay yun? May asawa yun, may pamilya yun.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

30 Comments

  • 30  macs5609

    05/18/2012 | 09:12 AM
    Sana di ka lang ginagamit ni Jenalyn!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  ooooopppppsssss

    04/15/2012 | 12:35 PM
    wow nice Luis. Favorite kita. ganda breeding at well educated at nasa iyo na lahat ng katangian kaya lang hindi ako boto kay Jenn para sa yo. You deserve a lot better than her.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  chances2010

    04/14/2012 | 06:07 PM
    hoy luisa magladlad ka na ateng...lalake rin kaya ang gusto mo at hindi si jennylyn...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  krizza2010

    04/08/2012 | 04:07 PM
    Good call, Luis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  2psinapod

    04/06/2012 | 07:45 AM
    Sana si Richard Gutierrez may prinsipyo rin. Kawawa iyong pamilya ng driver niyang namatay. Ano na ang nangyari roon. Di ba si Richard ang driver ng kotseng bumangga ? Richard Gutierrez can get some pointers from Luis Manzano.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  nothing_personal

    04/06/2012 | 06:28 AM
    very well said. I salute you. This is to show that there's hope when people just do the right thing. Luis, please keep up the good work. You make everyone from abroad proud.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  pearl102

    04/06/2012 | 05:38 AM
    A man of principle pala itong si Luis, sana kayo na ni Jennylyn ang magkatuluyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  pinoycali_ako

    04/06/2012 | 05:04 AM
    Oh my Pep, close issue na ito kasi pati ako agree kay Luis, daming umaabuso sa systema doon and good thing Luis is doing the right thing! So what kung artista siya diba mga pepsters. Way to go Luis! Close topic na ito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  Jaycole

    04/06/2012 | 03:44 AM
    So far, in agreement lahat ang nag post. First time ata 'to nangyari sa PEP :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  mfapj

    04/06/2012 | 12:46 AM
    bravo! Luis is a man of principles. i am very impressed with his reasoning. he stands by his employees, and also wants to show a good example. syempre, yung couple, dahil nahuli, hihingi ng tawad. ganun lang yun. eh kung hindi naman sila nahuli, you think magsisisi sila? hindi! duh. i hate the excuse "dahil sa matinding pangangailangan". really?! do you have to resort to killing someone, because of matinding pangangailangan? that's two mortal sins in one incident!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  winonao1

    04/05/2012 | 10:43 PM
    i totally agree with luis!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  alexis2222

    04/05/2012 | 10:12 PM
    tama naman... hindi yung ganyang bagay ang nadadaan sa pakiusapan at hingi ng tawad... buhay at kabuhayan ang nakasalalay sa nangyari... kaya tayo may batas... pwedeng patawarin eh, pero let the rule of law takes its course.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  superbeki

    04/05/2012 | 09:56 PM
    KUNG PAPATaWARIN, MAS LALO dadami ang mga balasubas sa pilipinas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  eminem

    04/05/2012 | 09:55 PM
    iboto si luis, hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  chikadee

    04/05/2012 | 09:24 PM
    Ayon sa report naman sa Korina. Sabi ng babaeng nangholdap dini deny niya tumulong siya sa asawa niya at di niya sinipa ang driver dahil tulog daw siya. IMPOSIBLE at di kapanipaniwala na habang nag eengkwentro ang asawa niya at ang driver di siya nagising sa pag gewang gewang ng taxi dahilan para mabangga ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  chikadee

    04/05/2012 | 09:16 PM
    Hindi ganun kadali ang magpatawad. gumawa sila ng kasalanan dapat lang nilang panagutan. kaya nga may batas e. Bilib ako kay Luis kung paano niya pinoprotekhan ang empleyado niya. Hindi lang sarili niyang kapakanan ang iniisip niya. Bihira ang mga taong katulad ni Luis. Paano nga naman kung may nangyari sa driver. Paano na ang pamilya nito? Kudos Luis!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  southerngirl1

    04/05/2012 | 09:03 PM
    It shows how much Luis cares for his employees. Tama lang ang ginawa niya. One of the few showbiz people I like and respect.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  puckerlips143

    04/05/2012 | 08:57 PM
    Aba matured ka na nga luis. Tama yan nagkamali parusahan hindi nga sila naawa doon sa mamang driver na sinasaksak nila. Dapat nga silang makulong.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  babyshy

    04/05/2012 | 08:38 PM
    i agree! ituloy ang kaso. siempre, nagsisisi dahil nahuli. eh kung napuruhan ang driver? kung nakalusot? at nangholdap ule? naku, pwede magpatawad pero di dapat makalimot.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Manamalady

    04/05/2012 | 08:14 PM
    Among the young breed of stars today, i will say that Luis Manzano tops them all. Intelehente, edukado, napaka gentleman, full of humors, guwapo. Suwerte ni Jennylyn sa kanya. Hindi ko alam kung paano cya pinalaki ng mga magulang nya but saludo ako tlga. Swerteng Edu and Vilma for having a son like Luis Manzano. And proud to say among stars of today, Luis is my fav. keep it up boy!!,!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About