“It’s just didn’t… hindi siya nag-prosper into something that people were speculating it to be. And I think what we are now is the best for the situation," ito ang sabi ng TV personality na si Grace Lee tungkol sa naudlot nilang pagliligawan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Photo: Arniel C. Serato

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bagong Kapatid na si Grace Lee pagkatapos ng panayam sa kanya ng Ang Latest noong Miyerkules, August 15.

Kahit na sinagot na ni Grace ang tanong tungkol sa Ferrari issue, na ibinigay diumano sa kanya ng isa niyang manliligaw, inusisa pa rin namin ang Koreanang TV host tungkol dito.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi niya, “Kung may Ferrari ako, wouldn’t I be driving it around?

“My car has been the same in the past three years. I have not changed my car.”

VICIOUS RUMOR. Pagkatapos ng balitang hindi na natuloy ang “ligawan” sa pagitan nila ni President Benigno “Noynoy” Aquino III, may lumabas na tabloid reports na binayaran lang diumano si Grace ng Malacañang para sakyan ang "pakikipag-date" sa Pangulo.

Isa na raw itong masamang biro, seryosong sagot ni Grace.

“Oh, my God, that’s so bad. All these things are actually so vicious.”

Nabasa ba niya mismo ang tungkol sa isyung ito?

Sagot ni Grace, “May nagsabi sa akin, kasi I think Kris Aquino tweeted about it.

“Parang, ‘Whoever came up with that, must be high on drugs.’

“May nag tweet, so nire-tweet sa akin na, ‘O dini-defend ka ni Kris,’ parang ganun.”

Si Kris ang nakababatang kapatid ni Pangulong Aquino.

Patuloy ni Grace, “You know, every single cent I have in my bank account is every drop of my sweat, hardwork…

“Walang…wala akong perang nakuha nang madalian. Na nahulog lang sa akin or anything like that.