Muli na namang napasama si Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III sa trending topic sa Twitter nitong araw.
Ngayon naman ay dahil umano sa pagsasalin ng senador—na mas kilala bilang Tito Sotto mula sa mahabang showbiz background nito—sa Tagalog, ng parte ng isang 1966 speech ng yumaong United States Senator Robert F. Kennedy.
Ilang sandali pa lamang ang nakalilipas matapos magsalita ni Tito Sotto sa senado kaninang hapon, naging usap-usapan agad sa social networking sites ang huling bahagi ng kanyang talumpati.
Ang talumpating ito ay pagwawakas na dapat ng kanyang contra en turno speech sa senado para labanan ang isinusulong na Reproductive Health Bill.
Ngunit mabilis namang kumalat sa Internet ang isang web page na naglalaman ng paghahambing sa speech ni Senator Sotto at sa speech ni Senator Robert Kennedy sa Day of Affirmation sa South Africa noong 1966.
Narito ang paghahambing ng dalawang talumpati:
Few will have the greatness to bend history; but each of us can work to change a small portion of the events, and in the total of all these acts will be witten the history of his generation.
It is from the numberless diverse acts of courage such as these that the belief that the human history is thus shaped.
Each time a man stands up for an ideal, or acts to improve the lot of others, or strikes out against injustice, he sends forth a tiny ripple of hope, and crossing each other from a million different centers of energy and daring those ripples build a current which can sweep down the mightiest walls of oppression and resistance.
Iilan ang magiging dakila sa pagbali ng kasaysayan, subalit bawat isa sa atin ay maaaring kumilos, gaano man kaliit, para ibahin ang takbo ng mga pangyayari. Kapag pinagsama-sama ang ating munting pagkilos, makakalikha tayo ng totalidad na magmamarka sa kabuuan ng kasaysayan ng henerasyong ito.
Ang mga hindi mabilang-bilang na iba't ibang galaw ng katapangan at paninindigan ang humuhubog sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Tuwing naninindigan tayo para sa isang paniniwala, tuwing kumikilos tayo para mapabuti ang buhay ng iba, tuwing nilalabanan natin ang kawalan ng katarungan, nakalilikha tayo ng maliliit na galaw. Kapag nagkasama-sama ang mumunting galaw na mga ito, bubuo ito ng isang malakas na puwersang kayang magpabagsak maging ng pinakamatatag na dingding ng opresyon.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
147 bp2
146 manang
145 gormiti_2009
144 hilongtalilong4
143 sayko_123
142 JakoLina
141 BelleGrey
140 BelleGrey
139 schutz2381
138 gibraltar
137 exploration2
136 batangkumon
135 lenovo1992
134 lenovo1992
133 cindylupa
132 daiguro01
131 landstown
130 blip
129 lumo12
128 starqueen
more comments