features

Senator Tito Sotto claims he is victim of "cyber-bullying"; blasts his critics

by Erwin Santiago posted on September 19, 2012  STATS: 1467 Views | 104 Comments

Ito ang ibinigay na mensahe ni Senator Tito Sotto sa kanyang mga kritiko sa isang privilege speech sa Senado kaninang hapon: “Kahit mukha akong walang pinag-aralan kung ikukumpara sa mga pinag-aral nila, at hindi kasing dunong nila, ang mahalaga ay ang ipinaglalaban ko. Malinis po ang hangarin ko na ipaglaban ang sanktidad ng buhay. Naniniwala po ako na kahit kailanman, wala kahit isa sa atin ang may karapatan na ipagkait itong mundong ating ginagalawan. Ito po ay hindi sa atin.”

Photo By: Noel Orsal

Nagbigay ng privilege speech si Senator Vicente “Tito” Sotto III kaninang hapon, August 29, sa Senado, upang ipagtanggol ang  sarili mula sa isyung plagiarism na ibinabato sa kanya.

Ito ay nag-ugat sa akusasyong kinopya niya mula sa isang blog at iba pang online articles ang ilang bahagi ng "contra en turno" ng Senate Majority Floor Leader kaugnay ng isinusulong na Reproductive Health Bill.

Ngunit taliwas sa inaasahan ng iba na hihingi ito ng paumanhin sa nagawa ng kanyang speech writers, nanindigan ang actor-politician sa kanyang pagsalungat sa RH Bill.

Hinaing ni Senator Sotto, “Ako yata ang kauna-unahang senador ng Pilipinas na naging biktima ng cyber-bullying.

“Mula sa blogs, Facebook, at Twitter, ginawa akong sentro ng mga mapanira at malisyosong atake ng iba't ibang tao, lalo pa ng mga sumusuporta sa RH Bill.”

Paniniwala pa ng actor-politician, “Bahagi siguro ito ng kanilang istratehiya, lalo pa't may milyun-milyon silang pondo.

“’If you can't kill the message, kill the messenger’—mukhang ganito ang ginagawa ng aking mga detractors.”



NO LAW AGAINST PLAGIARISM. Ipinagtataka rin daw ni Senator Sotto na wala siyang nakuhang sagot mula sa kanyang kritiko tungkol sa mga rasong inihayag niya kung bakit tutol siya sa RH Bill.

Bigla raw nabaling ang atensiyon ng lahat sa isyu ng plagiarism.

Pagkatapos ibigay ang kahulugan ng salitang “plagiarism” mula sa iba’t ibang diksyunaryo ay ipinaalala ni Senator Sotto na wala raw krimen ng plagiarism sa Pilipinas.

“Kahit hanapin ninyo pa sa Revised Penal Code, sa Intellectual Property Code, at maging sa Special Penal Laws, wala kayong makikitang krimen ng plagiarism.

“Pinakamalapit na sa maaaring pag-isipan ay copyright infringement, na hindi naman tatayo ayon sa mga abogado dahil walang paglabag sa alinman sa mga copyright o economic rights na nakasaad sa Section 177 ng Intellectual Property Code,” saad ng senador.

May mensahe ring ipinarating si Senator Sotto sa kanyang mga detractors:

“Para sa mga naninira at humuhusga sa akin sa Facebook, Twitter, blog, at pati na rin sa diyaryo, ito po ang masasabi ko.

“Kahit mukha akong walang pinag-aralan kung ikukumpara sa mga pinag-aral nila, at hindi kasing dunong nila, ang mahalaga ay ang ipinaglalaban ko.

“Malinis po ang hangarin ko na ipaglaban ang sanktidad ng buhay.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

104 Comments

  • 104  meggy2107

    08/31/2012 | 02:15 PM
    ang yabang! No, there is no law against plagiarism, but it is ETHICALLY wrong! and Cyber-Bullying?? you think Obama claims he is a "victim of cyber-bullying" when his critics say something wrong about him? get used to it Senator, you're a POLITICIAN!! you will ALWAYS have critics!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 103  skittlesrainbow

    08/31/2012 | 01:10 PM
    mangongopya bill sino ang magsusumite sa baranggay, kongreso or senado? para hindi na mangopya ang JOKER na ito. kakahiya ka no!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 102  marchioness

    08/31/2012 | 11:20 AM
    Seriously, who voted for this guy?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 101  player16

    08/31/2012 | 09:02 AM
    Unfortunately you guys have a lazy and incompetent senator.....so who do you think who to blame?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 100  cindylupa

    08/31/2012 | 04:38 AM
    Siya pa daw ang na'cyber bully' e siya nga itong nangopya at ayaw umamin at sinabi pa na "bakit ko naman kukopyahin yun e blogger lang yun?" Sen. Sotto, ikaw ang bully dahil matapos ka mangopya e tumatanggi ka pa at minaliit mo pa ang blogger. Grabe ang sama mong example sa mga kabataan. You would think that you already know better dahil matanda na at senador pa naman. Simple lang ang pagpapakumbaba, umamin na nga ang speech writer mo na duon kinopya pero tumatanggi ka pa! Give acknowledgement to where it is due! Grabe na ito, hanggang ngayon nagpapalusot pa at ayaw pang umamin, hindi naman daw yun kagaya ng ibang nasa katungkolan na nangungurakot! Parehong pong mali yun Senator, please take some time alone and think about it bago pa kayo lalong maging kahiya-hiya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 99  cindylupa

    08/31/2012 | 04:24 AM
    Tuwing merong naghihirap sa Eat Bulaga eh ariba agad si Sen Sotto, nagpapasikat na matulungin kuno eh karamihan naman ng pinamimigay nila e di galing sa sarili nilang bulsa at sa mga advertisers ng show, di ba't sinusueldohan din lang sila ng Eat Bulaga? Yung mga scholarship na pinagmamalaki ni tito Sen feeling pasikat lang, eh galing din sa kaban ng bayan yan, magkano ba ang budget nya sa pork barrel? Dapat ang mga nasa public office nating mga kababayan eh hindi palaging t.v show ang inaatupag. Nakakawalang gana tuloy! Tsaka ang hilig ni Tito Sen magpaawa kunyari, siempre yung mga nabibrainwashed nya mga kulang din sa pangunawa at tutok lang sa kahirapan kaya kahit mali ang ginagawa ng artista na public servant eh hinahangaan parin at ibinuboto! Ang obnoxious na ni Tito Sen, dati favorite ko pa naman ang TVJ!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 98  cindylupa

    08/31/2012 | 04:18 AM
    Napanuod ko ang Eat Bulaga kanina, grabe si Sen. Sotto, bumabanat about Plagiarism, wag daw paulit-ulit sina Jose dahil baka daw maplagiarized. Ginagamit pa ang show sa hinaing nya, tska bakit ganyan ang senador natin, laging nasa Eat Bulaga, kaya siguro hindi makagawa ng sariling speech dahil sa Eat Bulaga gustong magtrabaho! Ginamit pa ang tula ni Joey, sa pagpilit umiwas sa ginawang panggagamit ng sinulat ng iba, imbes na bumuo ng galing sa sarili nyang speech! Hindi porke't hindi pangungurakot ang plagiarism eh hindi na mali yun! Mali parin ang panggagamit ng sinabi ng iba keysa galing sa sarili mo. Napakaseryosong bagay pa naman at may paiyak iyak pa, yun pala di mismo galing sa kanya, so dishonest!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 97  milomilo123

    08/31/2012 | 02:31 AM
    may cyber bill na daw na inihain ni tiyong mamgongopya....hala lagot kayoi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 96  stubbiz

    08/31/2012 | 12:43 AM
    QUIET ka na lang kasi. Dumadami pa ang negative comments mo na ang aaanga anga ka daw. Arrogante ka pa, di mo na lang accept your mistake like a man. Noon tanggap na ng mga tao na engeng ka dahil binoto ka pa nila kasi hindi pa halata. Now you made it known that you lacked intellect and education.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 95  puckerlips143

    08/30/2012 | 08:23 PM
    aaanga annga ka kasi yan ang napala mo kulang pa nga yan sa mga kalokohang pinaggagawa nyo noong kabataan mo meron pa sa grupo nyo dalawa pa ewan kung kelan tatamaan ng k4rm44.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 94  tangerine_dream114

    08/30/2012 | 06:00 PM
    ang pagkakakalam ko sa cyber bullying ay pra lamang sa mga taong inosente at walang ginagawang masama. Dont think highly of yourself po, porket senador kayo di na pwedeng icritisize. natural na ikicritize kau dahil s pera ng bayan galing ang sweldo nyo at taong bayan ang naglukluk dyan sainyo. At unang una " Nangopya" po kau ng gawa ng ibang tao. Ano yun di kau pwedeng sitahin? Ngayon kung balat sibuyas po kayo at defensive ay baka hindi po nababagay sa inyo ang maging politiko, ibigay nyo na lang po ang pwesto nyo sa ibang deserving.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  inblack

    08/30/2012 | 04:26 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  nensky

    08/30/2012 | 03:34 PM
    plagiarism is not a crime.. yes its not defined in our law.. pero mahiya ka naman sa excuse na yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  megs11

    08/30/2012 | 02:49 PM
    Hindi na talaga matatapos ang usaping ito. Basta, wag ng iboto ang taong ito nang hindi na mabahiran ng katangahan, kabobohan at kayabangan ang lehislatura natin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  angchakamo

    08/30/2012 | 02:18 PM
    a simple apology would have settled things. what an arrogant trapo. again, trying to appeal to the emotions of those who know nothing about the issue at hand. best COMPOUND WORD to describe him ---THICKFACED
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  lanieguillen

    08/30/2012 | 01:50 PM
    bomerang lang yan. hindi sana siya naging biktima kung hindi hindi siya nambiktima...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  75mathue

    08/30/2012 | 01:40 PM
    cyber-what now?!?! are you kidding me? last time i check "bullying" is more of a teen-issue..darn, whatever happened to this senator to think that he is being "bullied"? first off, you did this to yourself dude! you open the gates for "the citizen of the philippines" whom you're serving, let me remind you of that to critique you and your leadership in the senate... given that you have a "good intention" for whatever cause you're pursuing, at least have the courtesy, dignity and responsibility to do it in a not-so-questionable kind-of-way..in other words, if you think what you're fighting for is RIGHT, then do it RIGHT! otherwise, however clean your intentions are, doing it sloppily, won't give your stand any justice nor will it convict your supporters or move your opponents alike. Also, I'm sure you also wanted to be RESPECTED, right? so give the due-respect that other people deserves too, and yes, by not acting as an ignorant victim, but by acknowledging your fault and apologizing at the least to those people for whom your speech was lifted from! how hard could that be?!?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  dahlagi

    08/30/2012 | 01:36 PM
    This is just a diversionary tactics of Pro RH bill people. Thank you Sen Sotto for standing up AGAINST RH bill. RH Bill in Philippines is like Obamacare here in U.S. They will do anything and everything to pass the bill. Just want to let you know that you have supporters around the world. Again, thank you for standing up against all odds. God bless you and God bless the Philippines.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  KaloKAHka

    08/30/2012 | 01:19 PM
    Aba imbes na magpakumbaba at aminin ang ginawa niya ay balak pang maghiganti sa pamamagitan ng pagko-kontrol ng blogs ng mga Pilipino. At kung hindi ba naman siya engot e binanggit pa na walang anti-plaigiarism law sa Pinas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  keen_observerKSA

    08/30/2012 | 01:13 PM
    lakas kc ng loob na pumasok sa politics e wala naman laman ang kokote...pang Eat Bulaga at Iskul Bukol ka lang Sotto. Kaya kayong madalang pipol aral na satin yan sge iboto nyo ulet yan para lalo pang maging mang-mang ang senado. Kaya nga di umunlad ang pinas dahil sa senador na gaya mo Sotto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About